Trod Villan
I should know.
Sa mga labi na iyan, sa mabagal na paggalaw at kahit noon pa man.
Sa mga titig na palaging may pinaparating pero mahirap malaman ang ibig sabihin.
Sa lahat ng mga pagtatagpo mula pa noon.
Sa pagtanggap makapasok ang isang katulad ko sa buhay niya.
Dapat alam ko na ang ibig sabihin ng mga ito. Walang galit na dapat mabuo dahil walang patutunguhan.
"Hey, I'm still here."
Naalis ang pagkapako ng titig sa babaeng tanging nagugustuhan at nalipat sa nakakainis na maliit na babaeng panira ng sana ay moment namin ni Hasmina. Mahilig siguro ang batang ito maki-agaw ng momento, kagaya ngayon ay kinukuha ang atensyon ni Hasmina na sana ay sa akin.
My, short for Mommy.
Hindi mapigilan mapalunok sa matagal ng katotohanan at matagal ng nagsusumiksik sa pinakitid na utak.
"After the food, what's next, My?"
Katulad ng ibang batang nangungulit sa magulang.
"We will get you back to your hotel room."
"Oh alright. Are you going to be with us, with dad?"
Napalunok ng hindi sadya sa huling narinig.
"Just a short moment. I have a lot of work to attend to on this day. Trod is my replacement to be your guide wherever you go. Is that alright?"
Parang pinitik ang ulo sa paglingon papunta kay Hasmina. "What?" Hindi mapigilan ng bibig. Baby sitter? Tour guide? At ang kanina, hindi ba may usapan kami mamaya? Ngayon, hindi man lang tanungin muna kung ayos sa akin mag-alaga ng batang babae na spoiled brat? Ano ito, getting along sa anak sa ibang lalaki, maging close? Parenting?
"With him? Alright. I could have a new friend," todo ang ngiti ng spoiled.
Kung nakangiti ito, ang sarili bibig ay nagpumilit ng ngiti at maaari ay smirk ang lumabas. Sa mga tanong agad na dumaan sa utak, ang higpit ng pagkakahawak ng kamay ang sagot ni Hasmina.
Ibinulong ko ang kapalit, "Be with me after the sunset, an exchange for this one."
Tango ang ibinigay at, "Control your temper," bilang paalala.
Temper for what is here and what is coming? "Of course," anas kong sagot na may totoong kompirmasyon. "I am far better than before." Kahit napapagitnaan ng mga tao o mga lalaking konektado kay Hasmina pero ako ang pinili makasama ng ganito.
"Thank you, love."
Dumaloy ang masarap na pakiramdam sa bawat himaymay ng ugat. "I like it," hindi mapigilang bulong ko sa kanya, "for saying your love for me."
"I am too," umarko ng simple ang mga labi, "and for what you feel for me."
Gustong ng halikan ng mariin ang mga labing nag-aanyaya.
Naputol ang munting usapan dahil sa kaharap. Pagdating ng pagkain ay ang bata ang tanging halos nagsasalita. Hindi na naman mapigilan mag-umpisa mabagabag sa mga pumapasok sa isipan. Nakatuon lalo na sa taong makakaharap ano man oras ngayon.
Sa harap ng boss.
Hasmina Hilson
Napatitig saglit sa asul na singsing na ngayon ay gustong tanggapin ng daliri kahit naninibago. Kasabay sa natitigan ay ang pagdaloy ng kaisipan. Kung sa mga nakaraang linggo ay parang hindi umuusad ang sariling galaw, ngayon ay punong-puno ng paghahangad sa mga planong nasa isip, ang importante para sa ngayon.
BINABASA MO ANG
BOOK 9 - SILENT HEIRESS
Romance"Don't utter the words that you can't handle... woman." - Trod Villan Hasmina's life's journey has twists and turns. From nothing until living with everything but remains a woman who lives simply. A silent type with a cold and straight stare. She ca...