Chapter 45

12 0 0
                                    

Hasmina Hilson

Lumipas ang mga oras at nag-asikaso. Isinuot ang damit na binili ng ama, isang one-shoulder satin coctail dress. May malalim na slit sa gilid ng isang binti kaya kita ang mahabang biyas lalo kapag lumalakad.

Alam ng isang Olis Martis na ni isang okasyon nito mula ng dumating ako sa buhay niya ay hindi ako nakikisali dahil nga itinatago ang totoong relasyon at pagkatao. Ang ilang okasyon na pinuntahan ay nagmamanman lamang ng hindi ipinapaalam sa ama ang presensya. Sa mga mata ng publiko ay walang isang kagaya ko sa buhay ng bilyonaryong ama.

Tapos ngayon ay ganito?

Gamit ang sariling sasakyan na blue jaguar ay pinuntahan ang private urban resort sa gitna ng syudad. Ang personal invitation na nakalagay sa kahon ay ang access kaya malayang nakapasok sa napakahigpit na security. Mula sa labas, sa entrance, sa elevator pataas sa penthouse at mismong entrada ng nasabing resort sa tuktok ng gusali. Pagkatapos buksan ang salaming pintuan ay makikita ang kabubuan dahil sa mataas na pwesto ang kinatatayuan ngayon. Ang kalahating parte ay natatakpan ng bubong at sa bahagi ng kulay berdeng tubig sa pahabang swimming pool ay matitingala ang hindi mabilang na bituwin sa madilim na kalangitan. Nadidisenyuhan ng iba't ibang halaman ang nagiging pagkakahati ang itinalagang function hall mula sa recreational area.

Itinuro ng naggabay kung saan magtungo, iyon ay sa hall na marami ng nagkalat na nilalang na puro mga nakasuot ng executive attire. Mahuhulaan ang linya ng trabaho ng mga ito na siguradong kaparehas ng ama at masasabing business associates o kaugnayan sa negosyo sa bansang ito.

Pagkababa sa munting spiral na hagdan at sa ilang hakbang ay nakahalubilo sa mga nilalang ng hindi napapansin ang isang katulad ko na bagong dating. Pinagtuunan ng pansin hanapin ang pakay at ang kapatid. Ang plano ay tapusin agad ang sadya dito at puntahan ang hinahanap ng puso.

Napatigil sa malumanay na hakbang nang humarang sa daan ang malaking pangangatawan ni Jazz, magandang titigan ang klase ng tindig sa suot nitong four piece suit.

"I'll be your escort tonight, Dame."

"How do you notice me?" Tanong ko.

"I did not leave for a single second my sight on that door." Itinuro ang dinaanan at napangisi. "I should learn my lesson from the past, right?"

"How come you dress like that?" Iniba ko ang usapan.

Hinayaan ng kinuha ang kanang kamay ko at ipinakot sa braso niya.

"Two-piece is exceeded my expectation but you know your father, you should talk to him and settled everything."

Napupuno ang ilong ng mga pabango sa mga taong nadaraanan, mas lalo na mula sa katabi. "You smell good, Duke." Itinigil ko ang hakbang at malayang ipinikit ang mga mata, sinamyo ang amoy nito.

"Are you teasing or flirting me?"

"Both." Itinigil ang gawi at tumitig dito ng may ngiti sa mga labi, "and I wanted to throw punches on you until you lose your consciousness."

"I know you will say that. Behave, alright? This is an important night for Olis, let's give it to him," parang matandang nagbigay ng babala.

"Why is it important?" Para malaman ang dahilan.

"Ask him. He intends to let you know but you avoided him."

Ako pa talaga? "It was his fault," pagtatama ko, "I will get my revenge later," ang desisyon ko.

"Great and be a good kid."

Masamang tingin ang balik ko sa lalaking ito.

"Yeah, yeah... be a good woman, Miss Heiress."

BOOK 9 - SILENT HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon