Hasmina
Sa nahihimbing na tulog ni Trod sa higaan ay mabagal at walang ingay umalis sa tabi nito. Nang makalaya ay pumunta ng banyo para maging komportable ang katawan. Pagkalabas ay pinuntahan ang switch ng ilaw para alisin ang liwanag.
Nahagip ng paningin ang study table sa tabi ng bintana, sa kabilang parte ng silid na ito mula sa higaan. Nilapitan ang lamesa at pinakatitigan ang dalawang bagay na sadyang iniwan ko sa kanya noon, sa bubong ng sasakyan nito.
Hinawakan ang drawing pad at ang lapis. Halatang nasa pag-iingat sa lugar na ito.
Sa alaala, ang gabing iyon habang nakaupo sa itaas ng bubong ng sasakyan at habang nakatingala sa napakaraming bituwin ng kalangitan, at sa buwan na nagbibigay ng liwanag, ay marami ang gustong gawin ng isip.
At sa gabi rin na iyon ay nakabuo ng mga desisyon. Iyon ang gabi bilang unang lapit ko kay Trod mula sa ilang buwan na sumusulpot lang sa paligid nito pero hindi ginagawang lumapit, dahil na rin sa ilap nito sa mga babae at baka ganoon rin ang matatanggap kung sakaling magtangka.
Pero habang gumuguhit noon at hawak ang mga bagay na ito ay nakabuo ng plano.
Plano kung paano mapalapit.
Kung paano nga ba makuha ang hindi akalaing magugustuhan para sa sarili.
Nandito na ngayon, nahawakan na muli ang dalawang bagay na ito.
Ilang taon din bago mangyari.
BINABASA MO ANG
BOOK 9 - SILENT HEIRESS
Romance"Don't utter the words that you can't handle... woman." - Trod Villan Hasmina's life's journey has twists and turns. From nothing until living with everything but remains a woman who lives simply. A silent type with a cold and straight stare. She ca...