Chapter 39

115 4 0
                                    

Trod Villan

Humawak sa kamay ng mahigpit, hinila papunta sa pintuan sa dulo, madilim pero ang sa kabila ng pintuan ay hindi.

Nang makapasok ay nakita ng buo ang kabuuan ng loob. Mga painting at lahat ay charcoal. Nakakahumaling titigan ng may paghanga ang bawat nabuong larawan sa iba't ibang tema. Lahat ay nagpapahiwatig ng isang ibig sabihin - love.

Lumapit sa mga nakatayong painting. Pinagmamasdan ang bawat isa. Lumilipat kapag nakukuha ng malinaw ang bawat naiintindihan.

Naalala ang kanina, nagtanong kung ano nga ba, "Ito ba ang gusto mong ipakita sa akin?" Inalis ang titig sa larawan ng dalawang taong nakaupo at iginuhit ng nakatalikod.

Nahuling nakatitig ito sa mukha ko.

"These paintings are for sale." Itinuro ang mga inobserbahan pa lang. "The ones who has coverings... it is for you to see." Itinuro ang daliri sa kabilang panig ng silid.

Napansin ang mga puting cover na tumatakip sa itinuro nito. Nilapitan ang mga iyon, ang isang kamay ko ay inalis ang takip ng unang nahawakan. Tumigil sa nasisilayan, ang ako habang naghihintay sa tabi ng isang shop. May pangalan sa itaas, ang shop ng kaibigang skultor at pinagawan ng bracelet.

"That was the first time I saw you. My heart feels at peace during that time."

Hindi mapigilan hapitin ko siya at ikulong sa akin. "Really?" Dinadampian ng halik ang buhok at pisngi, dahil iyon sa kasiyahan na hindi malaman kung saan galing. May sagot na kung paano nito nalaman ang pangalan na gusto.

"This one," ang katabi ng una, ito mismo nag-alis ng takip. "Watching you sitting alone."

Breathtaking. "After lunch, summer break," sambit ko.

"Yes."

Naalala ang painting na bigay noon ng schoolmate, ang pagkakaiba ay ako lang ang nakaupo sa bench. "Palagi ka ba nakasubaybay sa akin dyan noon?"

"Two or three times a week."

Gusto ko siyang halikan sa labi, pinigilan at ako ang nag-alis sa sunod na takip. "At ito?" Napatitig sa larawan, inaalala kung saan ito.

"At your apartment."

Sa maliit na terrace ng apartment noong college, doon minsan naiisipan umupo habang nagbabasa ng libro para sa sariwang hangin kaysa sa loob.

"Pati kung saan ako nakatira?"

Tumango ng marahan. "I am your neighbor."

Napaawang ang bibig sa narinig.

"Sinira minsan ng gulong ng sasakyan mo ang halaman ko."

Panibagong pag-awang ng bibig. "Ikaw iyon?!" Alam kong dapat kanina pa nasanay sa ganito, bakit nga ba hindi?

"Sharp memory, Trod."

Naglakad ng ilang hakbang papunta sa sunod pa. Napalunok at humanda sa susunod. Ganito ba katindi ang stalker na ito sa akin?

"This one... I created with my imagination."

Dalawang tao ang nakatayo ng magkadikit. Kahit sa madilim na paligid, malinaw ang pagkakadikit ng mga labi, sa pagitan ay ang daliri ng babae.

"First kiss... in front of your car."

Ang gabing may iniwan sa akin ang stalker. Medyo malabo at tagpi-tagpi ang imahe, dahil sa larawan ay lumilinaw.

"I know," iyon ang tanging lumabas sa bibig.

Sunod ay iba't ibang sitwasyon, kadalasan ay espesyal na araw kagaya ng graduation, mayroon sa airport habang nakaupo. Ang pagtulog ko sa tabi niya noong huling pagkikita ilang buwan ng nakakalipas.

BOOK 9 - SILENT HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon