Chapter 22

116 4 0
                                    

Trod Villan

"Go to hell!"

Sigaw na pahabol ng babaeng iniwan sa ere o sa tamang salita ay hindi pinagbigyan ang gusto.

Malakas ang ulan. Hindi akalain kanina nang lumabas ng sasakyan para maghanap ng makakainan ay mas lalakas pa ang kanina ay ambon. Pati ang babae ay nakikisama pa, gusto yata ng aliw at nang hindi pagbigyan ang pamimilit sa sweet na anyo ay napalitan ng pagka-tigre.

Babae nga naman, maraming alam sa sweetness na puro pantapal sa mga totoong ugali.

Kaya kaysa patulan ay huwag na bigyan ng pansin. Ang planong maghanap ng makakainan ay pinagpatuloy kahit sa malakas na buhos ng ulan. Dito sa mahabang kalye ng magkakatabing gusali ay nakikisilong dahil hindi kaya ng payong ang mabibigat na patak. Ang nagbibigay liwanag sa madilim na lugar ay ang maraming de kwalidad na poste ng ilaw.

May isang establisyemento ang natitigan bago natukoy itong isang restaurant. Walang problema kahit mamahalin dahil may pera at basta makakain at mainitan palayo sa malamig na temperatura ng ulan.

Ginawang tumawid sa kalsada at pumasok sa nag-iimbitang pakiramdam sa loob. Tama nga ang hula, hindi basta ang restaurant na ito, o hundred dollars ang value kung sa American money. Sa Pilipinas naman ay libo-libo na.

Kaysa manghinayang ay hindi, nagustuhan agad ang temperatura sa loob. Mabilis lumapit ang hostess at nagbigay ng gabay. Pinatanggal ang basang coat na suot pati ang payong ay kinuha.

Hanggang sa makaupo sa pandalawang upuan ay patuloy nararamdaman ang magandang mood dahil sa ambiance. Garcon ang kumuha ng order at hindi babae kaya naging palagay. Unang serving ay appetizer, pagkatapos kainin iyon ay talagang hinintay ang kasunod na main dish na American German cuisine. Nang mailatag sa harapan ay agad nilantakan.

Sa dalawang subo ay napansin sa gilid ng paningin ang pagdaan ng dalawang babae. Kahit walang balak sulyapan dahil sanay ng hindi magbigay ng pansin, ang isa ay pinadausdos ang daliri ng dahan-dahan sa lamesa sa harapan ko. Tumaas ang paningin ko dito.

"Hi, handsome," with a sweet smile.

French accent. Tapos maganda pa ang dalawa pero ang paningin ko ay sanay na yata sa mga ganitong mukha.

Mga humagikgik at buong suyo ang mga labi kumibot at sabay nagbigay ng flying kiss. Malamig na titig ang tugon ko sa kanila at bumalik sa pagkain ang atensyon. Patuloy lumakad ang dalawa paalis, kung saan man ang mga iyon papunta ay wala ng pakialam.

"I'm bored."

Natigilan sa narinig. Kakaiba ang pakiramdam na hatid ng tono ng boses ng kung sino man iyon.

"I will be there before she sleeps."

Lumingon dahil galing sa likod ang boses. Totoo nga agad ang hinala, isang babae at nakatalikod sa pagkakaupo sa akin, isang talikuran sa magkalapit na upuan. May kausap ito sa cellphone at kagaya ko ay mag-isa kumakain.

"I love you too."

Saka lang tumigil lingunin ito. Maganda nga ang boses na parang humahaplos sa pagod na katawan, pero hindi iyon dahilan para magkaroon ng interes sa babaeng nakatalikod. Maganda man o hindi, sweet man o hindi, wala ng pakialam.

Wala ba talaga akong pakialam? Lalo na sa babae ng nakaraan.

I will wait for you to grow up... And you wait for me too.

I am now a grown up man! Hanggang kailan ba?

Ang babaeng iyon. Siya lang ang tanging nagbigay ng kakaibang daloy ng damdamin sa puso, na ang sariling boses at isip ay hindi mahagilap kapag kaharap ito. Pero, ano man ang panghahawakan ay parang walang pag-asa kung ang pagbabasehan ang ngayon. Ni hindi alam ang pangalan, kung ano ang edad, saan nakatira o ano ang background. Ni kung bakit sinabi na maghintayan kami. Nandito ako sa ibang bansa, may pagkakataon pa ba?

BOOK 9 - SILENT HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon