Hasmina Hilson
Lumipas ang mga araw.
"Lost in mind. Tsk."
Napalingon ako kay Trina Villan. Hindi sa akin nakatingin ibig sabihin hindi ako ang tinutukoy. Sinulyapan saglit kung saan dako, na kay Denise Manpo sa kabilang bahagi ng bar.
"Mas focus sa pagkain kaysa gawin ang--"
"Parehas kayo," sabi ko.
Dahil may isang malaking plato sa harap nito at punong-puno iyon ng iba't ibang pagkain. Nakatingin kay Denise habang ang isang kamay ay hawak ang kutsara at consistent ang pagsubo. Nakakapagsalita pa kahit may laman ang bibig.
"Nandito tayo sa bar para--"
"Parehas kayo," sabi ko ulit.
Masama ang sulyap na ibinigay.
Pinagpatuloy ko, "Drinks ang offer dito, parehas kayong pagkain ang inaatupag. Pagod na yata ang chefs sa loob sa dami ng order niyo."
"Min, sa dami ng trabaho maghapon, kailangan ng extra energy para sa gagawin ngayon." Pagkatapos ay sumubo ulit. Sa ilang saglit pa, "Wala ka bang baon dyan kahit jackfruit?"
"Sumama lang ako sa inyo, hindi ko naisip," mahinahon kong sabi.
Mahaba ang ngusong sinisimot ang bowl ng salad. "Bakit ka pala sumama sa amin?"
"Bored," tipid kong sagot. Lumingon ulit kay Denise, mag-isa ito sa kinauupuan sa harap ng malaking lamesa at maraming pagkain. Walang pinapansin sa paligid at sa pagkain ang buong atensyon.
Sa dami ng nilalang at ingay ng lugar, nagagawang kumain ng dalawa.
"Kapag bored, lost in focus ka lang."
Maybe.
"Tsk. Mag-umpisa na nga, balikan ko na lang 'to." Nagpunas ng bibig. Tumayo at umalis dito sa counter.
Pinag-isipan ang mga nasa isip kanina. Ganoon pala ang tingin sa akin ni Trod.
A woman, a woman of someone, but kissing me with that knowledge.
Napangiti saglit sa naalala, inalis iyon agad.
Sa mga halik, not expert, but sweet. Sweet to the taste. I will kiss him again, in my own way. But, how will I continue? Kung nakuha lang agad sana ang idea, hindi sana humantong sa salitang betrayal against Olis.
Hindi ko rin sinabi ang totoong relasyon sa ama, dahil ito ang may karapatan magsabi sa iba.
"Nandito pala sa Pilipinas ang kuya ko, hindi man lang nagparamdam."
Muli ay lumingon kay Trina na bumalik sa dating pwesto, balik kain din. Tumingin sa akin.
"Palagi kasi sa ibang planeta. Malapit na maging alien. Kahit noong mga bata pa kami, alien na 'yon sa amin..." Tumigil dahil ngumuya.
Lumingon sa paligid, pero walang nakitang Trod Villan.
"Umalis na. Hindi nga ako napansin. Sabagay kahit noon pa ganoon na talaga."
Balik ang paningin ko sa kanya. "May cover ka kaya hindi ka makikilala," sa mahinahon kong boses.
Ngumisi ng makahulugan. "Oo nga pala. Iba pala itsura natin--"
"Medyo malakas ang boses mo." Halata naman alam nito. Baka natutuwa lang.
"Tsk. Anyway, mas mabilis magawa ang mission kung wala itong mga cover," sa mahina at seryosong boses na nito, "yung mga lalaki doon hindi man lang ako pansinin. Panget ang tingin nila sa 'kin. High class women ang type nila."
BINABASA MO ANG
BOOK 9 - SILENT HEIRESS
Romance"Don't utter the words that you can't handle... woman." - Trod Villan Hasmina's life's journey has twists and turns. From nothing until living with everything but remains a woman who lives simply. A silent type with a cold and straight stare. She ca...