Trod Villan
Tapos na ang isang linggong pamamahinga pero hindi rin halos ginawang magpahinga, mas palagay maghanda para sa sinasabi ng lolo para sa papasukan na kompanya.
Inayos muna ang mga dapat ayusin sa eskwelahan. Sinadyang hindi tinanggap ang mapabilang sa mga kwalipikado para sa napili nilang kompanya na papasukan ng mga magagaling na estudyante. Mas pinili magsarili at hindi sumama magpakitang gilas dahil iyon ang inaasahan ng kompanyang papasukan. May sarili akong paraan.
"Ano sa tingin mo? Tatanggapin kaya niya ito?"
"Siguro tatanggapin naman niya iyan. Open na kaya siya sa mga lumalapit. Nakita ko nga nakikipag-usap siya kay Flowie ng matagal sa canteen, pero hindi naman sila. Halata naman na mabait siya at--"
"Iba si Flowie, top student 'yon ng I.T Department."
"Eh ano ka?"
"Second sa top student sa Arts."
"Dami mo pa rason, bigay mo na kaya. Hintayin kita dito."
Sa pagkakasandal sa pader sa labas ng office na pinanggalingan nang marinig ang usapan na iyon. Naglakad pagkatapos at nilagpasan pagkaliko ang dalawang babae na nag-uusap pa. Hindi na sana bibigyan ni sulyap man lang pero hindi nagawa dahil parang mga nakakita ng kung ano ayon sa galaw ng katawan.
"Ahm, Trod!"
Tumigil at tumingin sa babaeng malakas ang boses, ang biglang tumawag sa pangalan.
"Ahm galing ka ba sa office?!"
Ano naman kung galing ako doon? At bakit malakas ang boses? Nasa dulo ba ng mundo ang posisyon namin? "Oo."
"Ahh! Sige! Wala lang."
Tatalikod na sana dahil wala naman pala, nang humarang ang isang babae.
"May ibibigay kami sa iyo... I mean itong kasama kong si Ria, tatanggapin mo ba?"
Direct to the point na. "Ako pala ang pinag-uusapan niyo kanina," direkta ko na rin sa kanila.
Mga namula ang pisngi.
"Akin na." Para makaalis na sa kinatatayuan.
Mabilis ibinigay ng babaeng may malakas na boses ang hawak nitong pakuwadradong nakabalot sa brown paper. Magaan iyon, pati ang nakabalot ay mabilis naalis ng silipin kung ano ang makikita.
Baka malaking love letter, mas mabuti ng ibalik habang maaga. O kaya drawing na naman ng mukha ko... a stalker. Enough of them.
Pagkatapos maalis ang balot, hinarap iyon sa sarili.
I am right.
Hindi lang ang mukha ang nakaguhit kagaya ng naiwan ng kiss stalker na iyon, kundi pati ang buong anyo mula ulo hanggang paa, habang nakaupo sa bench at nagbabasa ng libro. Pamilyar ang spot, sa likod ito ng Arts building. Sa dulo ng upuan ay may babae, nakaupo rin.
Ano ang ibig sabihin nito?
Binalik ang paningin sa babaeng malakas ang boses, iwas ang mga mata nito. Pero ang isa ay nakatitig sa hawak ko.
"Thanks for this pero hindi ko matatanggap," sabi ko.
"Bakit?"
"Hindi ako mahilig sa ganito," sa mabait na boses.
"Sayang naman, binibili sana 'yan ng art gallery representative noong exhibit namin pero hindi 'yan ginawang sale ni Ria... mas gusto niya 'yan ibigay sa--"
"Sana tinanong niyo muna ako kung gusto ko tanggapin bago niyo tanggihan ang offer?" Nang nakatingin sa may pangalang Ria mismo. Parang kasalanan ko pa?
BINABASA MO ANG
BOOK 9 - SILENT HEIRESS
Romance"Don't utter the words that you can't handle... woman." - Trod Villan Hasmina's life's journey has twists and turns. From nothing until living with everything but remains a woman who lives simply. A silent type with a cold and straight stare. She ca...