Trod Villan
"Let's get married."
My intent was taken aback, dahil sa mga salitang iyan. Ang bugso ng galit ay nag-iba ng landas, pero ang lahat ng sakit ay nanatili at patuloy kumakalat sa dibdib. Gusto ng alisin sa loob at punitin ang laman para kumawala ang nasa loob.
Hinanap ang pagbibiro sa tono nito o sa klase ng ibinibigay ngayon na titig, pero hindi makita ang hinahanap. Hanggang mapadako sa pisngi nitong maputi na pinaganda pa ng kolorete at sa mga labing mas pinasarap tingnan dahil sa kulay na hindi matingkad pero agaw pansin dahil sa hugis. Napunta pa ang paglandas ng tinititigan sa leeg pababa sa isang balikat nitong walang tela, hanggang dibdib na nilagyan ng palamuting kwintas. Bumagay sa damit na nagpahayag ng perpektong kurba ng katawan.
Napalunok ng hindi mapigilan. O kanina pa nagtititimpi ng unang mapagmasdan ng palihim, na walang duda, ang kagandahan ng babaeng kaharap ay walang kahalintulad sa iba sa loob ng pagtitipon, na halos ang bawat pares ng mga mata ng mga tao sa loob ay natatagpuan ito. Napipigilan lapitan ng iba dahil may nakabakod na dito.
Sumirit ang sakit ng alaala sa nangyari. Ang pakiramdam ngayon ay nakakabaliw. Na isa ako sa mga nakatingin na gustong lapitan ito at...
Naputol ang nasa isip ng umupo ang babae. Napagmasdan ang pagputol nito sa tangkay ng may bulaklak na pula at inilagay sa gilid ng tenga. Sa nakataas nitong buhok ay bumagay bilang palamuti ang bulaklak, na parang nakompleto pa ang walang kakulangan kanina.
Ibinalik sa totoong sitwasyon ang katinuan, para malaman ang dapat na sagot na sana ay hindi na malaman pero narito ngayon, simula pa kanina ng unang magtama ang tingin at parang mababaliw kung hindi matutugunan.
"What are the answers to all those questions?" Ang mga tanong na sumasaksak na parang matalim sa puso.
"I already gave you my answer."
"Do you want me to believe that?" Naglabas ng pekeng ngiti pero mapakla ang labas.
"Yes, because it is the truth."
Bumalik ang matinding galit. Walang pasabing hinawakan ko siya sa braso patayo. "I am already loosing my sanity to control the temper I should do--"
Ang malambot nitong mga labi ang sumalubong sa sariling bibig. Humiwalay agad dahil napatitig sa isa't isa at hindi naituloy ang sasabihin pa, hindi dahil sa halik, iyon ay dahil sa maraming sinasabi ng titig nito, kompara kanina ay wala.
"Elan."
Sa magandang boses at marahil dahil sa pangalan ay walang tutol, hindi lumayo nang ipinaikot sa likod ng leeg ko ang dalawang makikinis na braso, na mas lalong nagpalapit sa bawat isa. Napapapikit pa sa magaan na dampi ng mga labi niya sa akin.
"I have no other man besides you... please believe me."
Gusto na sana lumayo sa narinig na parang nakakapaso ang bawat salita kahit may pagsuyo pero hindi nagawa, na parang estatwa ngayon sa kamandag na hatid nito.
"I am sorry for making you wait and not responding immediately to your marriage proposal. I now have a clear mind of what is necessary for us..."
Kasabay ang paghaplos ng isang palad niya sa pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay na iyon at inilayo, pero nahagip ng paningin ang bagay na pamilyar, ang singsing ko para sa kanya.
"I love you, Trod."
Bumalik ang paningin sa labing nagsalita, paitaas sa mga mata nitong ipinapakita ang ibig sabihin ng sinabi. Gustong magalit para dito, para sa mga nalaman na parang sinampal ng katotohanan. Pero ngayon, hindi mahagilap ang sakit na alam ay siguradong mayroon ngayon.
BINABASA MO ANG
BOOK 9 - SILENT HEIRESS
Romance"Don't utter the words that you can't handle... woman." - Trod Villan Hasmina's life's journey has twists and turns. From nothing until living with everything but remains a woman who lives simply. A silent type with a cold and straight stare. She ca...