Chapter 5

9 1 0
                                    

Hasmina Hilson

MULA kay Sapphire, natutunan kung ano at hindi dapat ilagay sa pagkain at kung may nilagay man na hindi dapat, hindi iyon malalaman sa tingin o kahit amoy. Pero dahil kay Rei Chu, ang iba't ibang mukha ng lason ang pinag-aralan sa loob ng isang buwan kaya malinaw ang nakikita.

"Poison." Nakita ang basurahan, kasama ang plato at bandihado, pinagtatapon ang mga pagkain.

Food loss.

"Those food were poisoned, your life is in danger here. Will you trust me and let me get you away from here?" Sa pagharap ko sa lalaking nagbukas ng pinto, bahagya kong ibinaba ng konti ang hood para matakpan paibaba hanggang umabot sa mga mata. "Will you?"

"Martis, honey, please believe me... our child... you are now a father, you--"

"Poison... those food?"

Parang ngayon lang narinig ang sinabi ko habang nakaturo sa basurahan.

"Martis honey I--"

"Shut up, woman!"

Lumayo sa akin. Dahil hahawakan ang babae sa gilid, pero pinigilan ko ito at parang wala sa sariling sinusunod ang konsensyang walang kontrol, baka mapatay ang babae.

"Your temper, please control it," binigyan lambot ang pananalita para dito, para mabawasan ang nararamdaman. "Let's leave this place, please trust me." Hawak ko pa rin siya sa braso. Hindi na pinigilan pa, binitiwan ko siya at ibinalik, niyakap ko ang bewang niya gamit ang isang braso. "Please trust me."

Bahagyang tulala sa akin, dahil itinaas ko ng konti ang hood, para sa lalaking ito lamang.

Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago hilahin ang kamay at mahigpit hinawakan. Napahinga ng konti nang nagpadala sa paghila. Lumabas ng silid at nilagpasan ang walang malay na hired killer sa labas ng pintuan.

"Wait," halos hindi pa rin makapaniwala, "who... who are you?" Tanong ng makalabas sa silid.

Hindi ko sinagot dahil humahabol ang babaeng iniwan. Mas binilisan ko pa at walang balak magpahabol. Nakayukong mas ibinaba pa ang hood dahil sa dami ng surveillance ang nakatutok sa pasilyo.

"I will tell you later," patuloy kong binigay ang mahinahon na tono, "call first your security to meet us at the back of this building."

Mas bumilis sa paglakad, hindi dumaan sa ano man daanan kundi mas pinili ang exit ways para sa emergency. Alam nakatutok na sa dinaraanan ang security ng lugar na ito. Nararamdaman na rin ng senses ang galaw sa paligid.

Mula sa mahabang second floor, mabilisan ang lakad at tinahak ang unang pasilyo at pumasok sa piniling pinto at bumaba ng hagdan, dumaan sa hidden exit na meron sa napakahigpit na facilities, tago at ang may alam ay ang securities at sa control room ng surveillance. Pinindot ang na-memorize na codes kanina at mga nagsisibukas.

Mahigpit pa rin ang hawak sa lalaking napakahalaga para sa akin. Walang imik hanggang marating ang huling pintuan at basta ko na lang iyon binuksan.

Ang madilim na kalangitan at ang mataong sidewalk ang bumungad pagkatapos ng nilabasan. Nagpatuloy sa paglakad, kumapit ako sa braso ng lalaki ng mahigpit, palayo sa pinanggalingan sa natural na bilis ng hakbang. May humahabol sa likod, nahulaan kung sino ito, isa sa bodyguard hanggang humarang sa daraanan at inilabas ang nakatago nitong armas pero hindi ipinakita sa mga dumaraan.

"No Jazz, she's with me!"

Buti na lang. Ayoko ipaalam kung ano ang kayang gawin kung basta na lang gumalaw at lumagpas sa hindi dapat.

"Let's keep walking while waiting for your car," sabi ko.

Hindi pinansin, humarap sa akin at hahawakan ang hood ko.

BOOK 9 - SILENT HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon