Chapter 4

134 6 0
                                    

Hasmina

Dito sa Bicol napadpad. Kinabukasan, dito agad pumunta dahil nandito si Acelus. Nag-aaral sa isang maliit na high school sa isang barangay. Sinigurado muna kung tama ang impormasyon bago nagpadala ng message sa cellphone nito.

I'm waiting outside

Malayo pa lang ay natanaw itong naglalakad papalapit. Nakitang maraming dala, iyon ay mga pagkain. Binuksan ko mismo ang pinto sa passenger side at pumasok nga ito sa sasakyan.

"Surprise," pero mahinahon ang tono ko.

"Yes, this is surprise, ikaw ba yung galing sa information office?"

"Oo, sinigurado ko lang dito ka nag-aaral. Mabilis pala ang balita sa school na ito?" Hindi nakakapagtaka malaman agad ng isang Acelus Kyung.

"Maganda ka kasi," habang nakangiti ng todo.

"It doesn't matter." Pinaandar ko ang sasakyan.

"Saan tayo pupunta?"

"Kakain sa labas." Dapat pala nagluto bilang pasalubong sa taong ito.

"Aalis ka ba?"

Walang duda nararamdaman nito kahit sa ganitong simpleng pagkakataon. Pero simple nga ba kung malayo ang narating ko para lang makasama sa lunch si Acelus?

"Oo," sinabi ko ang totoo.

"Papunta saan?"

"Germany." Specifically, uumpisahan ko sa Europe.

"What happened?"

Sinabi ang isang dahilan, "Gusto ko makilala ang tunay kong ama."

"Nahanap mo na siya?"

Sa ganitong sitwasyon ng buhay, mas sa taong ito ibinubukas ang nararamdaman dahil palagay at may tiwala sa taong nagligtas ng buhay ko noon.

"Oo, isa siyang mayamang negosyante doon."

"Baka maging isang tagapagmana ka kagaya ko." Hindi pa rin naalis ang ngiti.

Siguro, but no comment. "Remove your glasses and change your voice." Change topic din at dahil may disguises itong suot.

Masayang bungisngis ang balik.

Sa maliit na syudad, pinili ang napapansin at may kalidad na restaurant. Lumabas sa sasakyan at pinasok iyon. Napansin din, hawak pa rin ni Acel ang marami nitong pagkain, habang pinapasok sa bag paisa-isa.

"So matagal baka hindi tayo magkita, Hasmin?"

"Oo at balak ko na rin ipagpatuloy ang pag-aaral." Pinili ang pwesto na malapit sa bintana.

"Sana umabot ka pa sa assessment."

"Sana." Hindi ko pinansin ang waitress, sa labas ako tumingin at hinayaan si Acelus sa gustong kainin.

Nag-order ito ng mga pagkain. Nang kami na lang dalawa ay naisipan magtanong.

"Boring sa lugar na ito, bakit dito mo napili?" Nagtataka na ang isang katulad nito na ang talento ay sa city, nandito ngayon sa tahimik at hindi kilalang lugar.

"I told you so, interesado ako sa mga interesting na bagay, so it means interesting ang lugar na ito para sa akin."

"Ilang weeks ka dito?"

"Hindi weeks kundi months, dito ko balak mag-graduate ng high school."

"Kailangan ka kasi ni Dr. Gene sa paghahanap pa ng bagong miyembro," sinabi ko na ang ipinaparating ng doctor, dahil taga hanap ito ng magiging kasapi sa grupo.

BOOK 9 - SILENT HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon