Prologue

8 1 1
                                    

Sa kaharian sa isang bahagi ng mexico, may nakatirang isang mausisa na dalagang babae na nagngangalang Bernadette. Ang nag-iisang anak at prinsesa ng mga San Jose. Lingid sa kaalaman ng lahat na bukod sa pagiging hari ng kanyang ama isa rin itong mafia leader ng bansa. Ito ang pumoprotekta sa mga katiwalian at illegal na transaction. Siya ay palaging nabighani sa mga hiwaga ng organization na pinamunuan ng kanyang ama at nagkaroon ng walang kabusugan na pagkauhaw sa kaalaman.  Isang araw, habang naglalakad siya sa lokal na aklatan, napadpad siya sa isang sinaunang aklat na may sira-sirang pabalat.  Ang pamagat ay binasa, "Shrouded Intentions of the Invisible Creator."

Naintriga, umupo si Bernadette sa malapit na mesa at nagsimulang magbasa.  Isinalaysay ng aklat ang kuwento ng isang makapangyarihang nilalang at leader na kilala bilang Invisible Creator, na may kakayahang hubugin ang buong bansa gamit ang kanilang mga iniisip at imahinasyon para sa hinaharap.  Ayon sa alamat, ang Invisible Creator ay hindi nakita sa loob ng maraming siglo, ngunit ang kanilang presensya ay nararamdaman pa rin sa mga kababalaghan.

Habang si Bernadette ay nagdedebelop ng mas malalim sa kuwento, hindi niya maiwasang makaramdam ng koneksyon sa Invisible Creator. Nais niyang makilala ang misteryosong pigura na ito at matuto mula sa kanilang karunungan.  Hindi niya alam kung kailan magkatotoo ang kanyang hiling.

Naalala na naman niya ang paalala ng kanyang Filipina na yaya nung isang gabi. Ipinagkasundo siya ng kanyang ama sa isang anak ng mafia leader ng buong bansa. Ito ang pomuprotekta sa bawat mafia leader ng iba't ibang panig ng bansa. Mula sa negosyo, assassination, at gobyerno.

Ayaw niyang makasal sa anak ng isang mafia leader. Pangarap niyang makapagtapos sa kanyang pag-aaral sa kurso sa larangan ng medisina.
Nagulantang siya sa kanyang pagmumuni-muni ng biglang sumigaw ang kanyang yaya at hinila siya patungo sa sekretong lagusan para makatakas.

Sumilip siya sa maliit na butas bago tumakas. Nakita niya ang kanyang mga magulang na walang awang pinaslang. Bago siya makasigaw tinakpan na ng kanyang yaya ang kanyang bibig. Impit na iyak ang kanyang ginawa habang hila-hila siya ng kanyang yaya para tumakas.

Paano niya ipaghihigante ang kanyang mga magulang kung wala siyang sapat na ebedinsya? Ating tunghayan ang magiging buhay ni princess Bernadette sa labas ng kanyang kaharian. Ang pakikipagsapalaran para mabuhay at makatakas sa mga taong nais pumatay sa kanya. Ating alamin ang misteryong bumabalot sa prinsepe ng kanyang panaginip. Ang lalaking nasa kanyang imahinasyon ay magiging kakampi ba o kaaway? Ano kaya ang tunay na mga intensyon na nakabalot nito sa kanyang buhay?

Naipagkanulo na ni Bernadette ang kanyang sarili sa estrangherong tao na hindi pa niya lubusan na nakilala. Sa ilang buwan nilang pagiging f*ck buddy nakaramdam si Bernadette ng kasiyahan sa kanyang puso. Isang gabi na umuwi ito sa mansion ay may dala na naman itong babae. Labis na nasaktan si Bernadette sa kanyang nakikita. Naitanong niya sa kanyang sarili; “No soy lo suficientemente bueno para él?  Sé que no tengo derecho a quejarme.  Simplemente no puedo contener el dolor en mi corazón,”(Hindi pa ba ako sapat para sa kanya? Alam kong wala akong karapatang magreklamo. Hindi ko lang maikukoble ang kirot sa aking puso.)Natuklasan ni Bernadette ang sekretong silid ng kanyang senyorito. Nakita niya roon ang mga larawan na may markang ekis na ang ibig sabihin ay mga namatay na. Nagulantang siya ng makita ang larawan ng kanyang mga magulang na naka-ekis rin. Samantalang ang kanyang larawan naman ay wala pa. Nakita rin niya ang isang envelope na selyado pa at waring hindi pa nabubuksan. May nakasulat itong “The Key!” naging intrisado siya dahil alam niyang ito ang hinahanap ng mga armadong grupo. Nagulantang pa siya ng makita ang larawan na laman ng envelope. Isang malaking pagkakamali na naman ang kanyang nagawa dahil naipagkanulo niya ang kanyang sarili sa taong naghahanap sa susi. Todavía tengo suerte porque antes de que abriera la evidencia la tenía en mis manos.(maswerte parin ako dahil bago pa niya nabuksan ang ebidensya nasa aking mga kamay na ito) Ikinatuwa parin niya ang mga kaganapan dahil sa ibang bahagi pumapabor parin sa kanya ang tadhana ng mapasakanya ito.

Paano kakayanin ni Bernadette kung matuklasan niyang ang taong pumatay sa kanyang mga magulang ay ang taong lubusan niyang minahal. Ang taong pinag-aalayan niya ng kanyang sarili, ang taong akala niya ay magiging kakampi. Paano niya kakayanin ang harap-harapan na panluluko nito sa kanya. Paano siya makikihati sa oras sa lalaki minahal niya ng lubusan sa mga babaeng salit-salitan nitong ikinakama. Paano niya maiiahon ang sarili sa kumunoy na kinahuhulugan?

May darating pa kayang pag-asa sa isang prinsesang naligaw ng daan? May magandang bukas pa kayang tatanglaw sa kanyang madilim na ngayon?
Ating alamin ang mga taong makakasalamuha at magiging kakampi ni Princess Bernadette San Jose.

Shrouded Intentions of the Invisible Creator Where stories live. Discover now