Isa na nga ako sa kanyang naging bodyguard at ito ay pabor sa aking mission. Kailangan kong makakuha ng ebidensya tungkol sa katiwalian na mga ginagawa niya gamit ang pangalan ng mafia group na kanyang kinabibilangan.
Ngayon nandito kami sa port ng batanggas para hintayin ang transaction na parating. Ala una ng umaga ang exact time para dumaong ang cargo ship. Ang lens na aking suot ay may kakayahan na makita ang mga hidden camera. Ang suot kong damit na may botones sa harapan ay may kakayahan na magrecord sa bawat bagay na aking makakaharap.Boss, may limang sniper sa ibabaw ng barko. May mga sniper din na nakakoble sa may di kalayuan huwag kayong magpahalata. Kapag nakipagpalitan na kayo ng attaché case hablotin mo ang leader bilang hostage dahil na corner na nila tayo. Nagulat siya sa aking sinabi, mukhang ayaw naniwala pero kailangan niyang sumunod dahil pareho kaming mamamatay. Unang salang ko pa lang buhay ko na ang nakataya muwesittt ka Jaiden Acevedo.
Pagkahablot niya agad kong binaril ang limang nasa itaas ng barko. Sumigaw ng huwag magpaputok ang leader dahil nanganganib ang kanyang buhay. Kapag may sumulpot tiyak na matitira ko sa ulo. Noong nasa training pa ako iniisip ko kung paano nila pinatay ang aking mga magulang. Ayaw ni nanay Amanda na pumasok ako sa underground ng Pilipinas dahil ako nalang daw ang meron siya. Pero ng malaman ko na konektado ito sa Mexico, USA at Canada lumakas ang loob kong pumasok sa underground.
Nasa puso ko ang paghigante kaya nakayanan ko ang lahat. Kakayanin ko pa dahil may alam na ako sa self defense. Kapag napatunayan ko na isa ka Jaiden Acevedo sa pumatay sa aking mga magulang ako mismo ang papatay sayo. Wala ng makakakuha sa susi dahil nasa kamay na ito ng taong humubog sa kakayahan kong lumaban. Kung ikaw man ang invisible creator, hahanapin ko ang matibay na ebedinsya para idiin ka. Kung isa ka sa mga tauhan ng invisible creator huhubarin ko ang maskara mo.
“Hurry up Esojia!”napabalik ako sa aking ulirat sa pagsigaw ni Jaiden. Nakuha na namin ang mga armas at pati ang leader. Ano kaya ang gagawin ni senyorito sa taong ito. Mukhang malala ang kaparusahan na ipapataw dito dahil sa pagiging traydor niya. Tsu,tsu,tsu.... kawawang nilalang human meat kana mamaya. Nakaupo ako sa likuran ng sasakyan para makipag-barilan sa mga kalaban.
“Be careful woman!”he shouted.
“Copy boss!”Walang nakasunod dahil lahat ay napataob ko. Pagdating sa bahay ay isinilang na sa Q and A portion ang bihag. Pagkakuha ng mga information ay idiniretso na ito sa kwadra ng mga tigre. Pinatawag niya rin ako para sa Q and A pero hindi naman siguro niya ako ipapakain sa mga tigre niya.
“Esojia!!! F*ck you Magnus! What the hell are you doing? Take the first aid kit, hurry up moron,”utos niya sa kanyang tauhan. “Why did you catch the knife behind?”tanong niya.Baliw... Kapag inilagan ko ang patalim sir diretso po ito sa noon ninyo. Bago ko iniligtas ang sarili ko tinitiyak ko muna na magiging ligtas din ang amo ko. Sabay hagis ko ng kutsilyo pabalik sa naghagis nito. Hindi niya napaghandaan kaya nahiwa ang kanyang mukha pati ang kanyang tainga ay nahati.
“Ouchhhhh b*tch! ahhhhhh sh*t oucchhhh!”sigaw ng lalaking nagngangalan na Magnus. Nice meeting you sir Magnus, tablado de amanos senyor,”pilya kung ngiti. Napatulala naman si senyorito Jaiden at ang kanyang mga tauhan sa kanilang nasaksihan.
“Rush him to the hospital!”sigaw niya at agad namang tumalima ang kanyang mga tauhan.“How did you do it Esojia? Are you a spy?”taka niyang tanong.
Hahaha nagpapatawa po kayo senyorito. Kayo ang pumili sa akin sa agency na kinaruroonan ko. Paano ako naging spy na isa lang naman akong normal na probinsyana na recruit ng agency. Wala din naman na nagrekomenda na ako ang piliin ninyo bilang kasambahay dito sa mansion ninyo. Do you believe in destiny o coincidence senyorito? Kapag ba may skills ang isang tao spy na ang tawag dito. Criminology student po ako kaya may skills ako sa pakikipaglaban. Sagana na ako sa training course ngunit hindi lang pinalad na maging alagad ng batas. Siguro ito ang itinadhana ng diyos ang maging alagad ng kriminal hahaha.“Esojia!”
“Yes sir! Di ka makatulog sa kakaisip sa pangalan ko ano?”natatawa kong pambubuska. Ginamot na ni nanay Lita ang aking sugat. Pati ang matanda napailing nalang sa nangyari. Matibay na rin ang loob ng matandang ito dahil puro patayan na yata ang kanyang nakikita.
“Do you know to ride the horse?”he asked.
I know to ride human, why not in horse senyorito? Mas masarap sumakay sa kabayo kaysa ikaw ang kabayohin sir. Nabulunan pa siya sa kanyang sariling laway. Si nanay Lita naman ay napahalakhak, ang mga tauhan din ay pigil na pigil sa pagtawa.
“Kailangan bang tahiin ang sugat niya Lita?”pag-iiba niya sa usapan.
“Daplis lang yan sir kaya hindi na kailangan pang tahiin,”sagot ni nanay Lita.Yong mga sinaksak ni senyorito gabi-gabi sila yata ang dapat na tahiin dahil baon na baon ang kutsilyo eh, di ba nanay Lita?
“Diyos kong bata ka santisima,”sabi ni nanay Lita. Si senyorito naman ay galit na nakatingin sa akin kaya nag-peace sign ako.
Huwag nyong pairalin ang inyong pagdududa,
Baka mainlove kayo sa katulad ni nanay Lita na byuda.
Humanap kayo ng maganda,
Para makasama ninyo sa pagtanda.
Adiós senyorito.....
Good mornight,
Malapit ng sumibol ang sunlight.
Itago na ang flashlight,
Off nyo na ang mga light.
Let's sleep with delight,
Let's go to Dreameland flight.RR Pages....
Magandang umaga mga kaibigan,
Kumusta naman ang mga nadiligan.
Kwento nyo ay handa naming pakinggan,
Kwentong pag-ibig na aming kakikiligan.
Mga nakakatawang banat hindi namin iilagan,
Nakahanda rin kaming iyan ay dagdagan.Inbox...
Jace: Hi love! Gising ka parin?
Me: Hindi pa ako pumikit syempre gising pa.
Jace: Ang taray naman ng love ko, may regla ka ba?
Me: Oo niregla ang palad ko dumugo eh.
Jace: What? Napaano ka?
Me: wala it's none of your business.
Jace: kwento ka naman na miss kita eh. Pwedi ko bang makita ang larawan mo. Palagay ko napakaganda mo kasi eh.
Me: Hayaan mong lumagay ang utak mo. Sumasabog ang flash kapag kumuha ako ng larawan.
Jace: Grabeh ka naman mahal na kita eh.
Me: Boliro, Ilan na kaya ang pinaikot ng pagmamahal mo Mr? Lapag mo ang larawan mo kapag seryoso ka.
Jace: Sure! Inilapag niya ang kanyang larawan.
Me: O sh*t totoo ba itong nakikita ko?
Jace: Love? Bakit seen ka lang?RR GC......
Amoy away, nagbabangayan dahil sa biglaan na pag-add ng isang user at biglaan na pag-remove without permission. Kapag naka-add at inalis na walang permiso syempre matatanong ka kung ano ang dahilan. Pinasok para may masaksihan pinalabas dahil nasaktan sa nasaksihan. Kapag lumabas na ang isang user sa loob ng grupo wala na siyang access sa mga convo unless may transmitor na magta-transmit ng screenshot. Biglang sumabog ang umalis at nag-post sa kanyang page na mga makikitid ang utak ng mga nagtatanong. Iginiit na health issue, it is considerable naman pero dapat magpaalam ka ng maayos. At wala namang masama sa tanong nila. May nagsabing involve ang puso. Ika nga kapag may nakitang hindi kaaya-aya masakit sa mata, ulo at puso.Naungkat ang topic kinagabihan dahil natumbok ang tagahatid ng balita. Bato-bato sa langit kapag kasi natatamaan tiyak siya ay iigik. Walang nagpapatalo dahil ang katunggali ay may malaking alam sa issue. They both know the matter kaya ang bawat isa ay dumepensa. Walang nagpapatalo dahil may sekretong nakatago na pinuprotektahan ng isa at isa ay naghihintay ng wrong move. It's a chess game na ang Reyna at Hari ang sangkot.
Sa kalagitnaan may epal na sumali dahil lang sa pagtawag ng palayaw. Tinawag na bastos! Kabastosan ba ang pagbigay ng palayaw sa isang kaibigan. They are friends naman eh pero nagkagulo lang dahil sa pagdepensa niya sa kaibigan. Naging taliwas lang ang pagbibigay niya ng balita dun sa umalis kaya lumaki ang gulo. Instead na maayos mas lalo niyang pinaliyab.Matatawag bang kahambugan kung may maraming alam na diyalekto ang isang tao? Yung mga tagalog na kontento lang sa dialect nila sila ang gumagawa ng issue dahil ayaw nilang may nagsasalita ng ibang lenguahe. In every group we meet different people around our country. Di ba mas masaya if we also learn different languages from them? Ang hirap kasi iniisip nila na baka sinisiraan na sila o minamarites na. Sila yong mga taong malakas ang capture ng radar nila. Mga high quality ang WiFi ng tainga para kumalap ng mga negative vibes. No choice si admin kundi ang alisin silang tatlo ng sabay. Ang may kasalanan at ang walang kasalanan. Pantay na hustisya para walang masabi ang ibang user na may pinapaburan.
Nakita ko ang last message ni Jace pero nag-exit na ako. Dahil sa aking nakikita kanina bigla akong kinabahan. Hindi ito maaari, aksidente lang ba ito o tadhana na ang nagpalapit sa amin. Bakit konektado kami sa bawat anggulo? Anak ako ng isang mafia kaya alam ko kaagad ang taktika ng kaharap ko. Hindi basta-basta ipagkatiwala ng creator ang malaking lihim kung walang sapat na abilidad ang aking mga magulang. Kung namana ko man ang kakayahan ng aking ama, ibig sabihin itong mga automatically na skills na lumalabas sa sarili ko ay natural. Doubleng pag-iingat ang aking kakailanganin kaya mas kailangan ko pang talasan ang aking sarili.
“Esojia hija pinatawag ka ni sir sa kanyang office room sa itaas,”sabi ni nanay Lita.
Ano na naman kaya ang problema niya?
YOU ARE READING
Shrouded Intentions of the Invisible Creator
Mystery / ThrillerRomance, Mystery, Betrayal