chapter 11

3 0 0
                                    

Walang ibang dapat na makakaalam sa susi. Ang aking panaginip ay isang babala na kailangan ko mag-iingat at hudyat na para simulan ang aking pakikipagpaligsahan muli kay kamatayan. Hindi na sana ako dapat na mabahala pa. Nang dahil sa aking kapusukan ay naipagkanulo ko ang aking sarili sa kapahamakan.

Kailangan kong umalis bago pa man niya nalaman ang nakatagong sekreto na matagal na nilang hinahanap.
“Nasaan ang pangit na katulong baka may kinalaman ang babaeng iyon,”narinig kong sabi ng lalaki.
“Pati ang kanyang silid ay halughugin natin,"sabi ng isa.

Naalarma ako sa kanilang sinabi, saan ako magtatago? Naisipan kong pumasok sa connecting room ng kitchen. Ito nalang ang paraan na meron ako. Ni-lock ko ang pintuan para hindi kaagad sila makakapasok sa aking silid. Suot ang aking lumang jacket ipinasok ko ang aking cellphone at ang mga ebedinsya na nakuha ko sa bulsa ng aking jacket. Wala na akong oras magpalit ng damit kaya kung ano man ang naisuot ko bahala na.

Sinimulan na nilang kalikutin para mabuksan ang lock kaya nagmamadali na akong lumabas. Umikot ako sa likod ng bahay at nagkoble sa mayabong na halamanan. Nakaronda sa gate ang ibang mga guwardiya kaya nahihirapan akong salisihan sila. “Bernadette lakasan mo ang iyong kalooban, kailangan mong makawala sa poder ni satanas,”kausap ko sa aking sarili.

Hindi ako makakatakas gamit ang pader dahil may nakapalibot na razor wire sa tuktok ng pader. Nakita ko ang puno ng rambutan na may nakausling na sanga patungo sa labas ng gate. Umakyat ako sa puno dahil ito nalang ang aking tanging pag-asa para mailigtas ang aking sarili sa kapahamakan. Nang makaakyat na ako kalsada na ang nasa ibaba pero mataas pala ang height sa kabilang bakod kumpara sa loob ng mansion. Nanginginig na ang aking mga tuhod dahil hindi naman ako sanay umakyat sa ganito kataas na puno. Nangahas lang akong umakyat para mailigtas ang aking sarili mula sa kapahamakan.

Nanlamig na ang aking katawan dahil kapag ako ay bumagsak sa sementadong kalsada tiyak mababalian ako ng buto. Panginoon sana hindi pa ito ang aking katapusan. Sálvame del daño  ten piedad de mí señor porque mamá Amanda todavía me necesita.(iligtas mo po ako sa kapahamakan. kaawaan mo ako panginoon dahil kailangan pa ako ni nanay Amanda.) Nag-uunahan ng tumulo angaking mga luha dahil sa takot na mamatay.

Ahhhhhhhhhh boghhhhhh!
Kreeeeeetttttttttttttttt.......
Mahigpit kong ipinikit ang aking mga mata. Dahil katapusan na yata ng aking buhay. Nabali ang sanga na tinatayuan ko. Kaya bigla nalang akong napasigaw sabay pikit ng aking mga mata.

“Hoy sino ka? Paano ka nahulog diyan?"
Ahhhh h-huwag nyo po akong barilin hindi po ako masamang tao. Paandarin nyo na po ang sasakyan, iligtas nyo po muna ako sa kapahamakan. Natakot ako sa babaeng nagsasalita dahil nakaumang ang baril nito sa aking gawi. Nakaligtas ako dahil may foam ang sasakyan pero mukha sa bala ako mamamatay o sa nerbyos.

“Halika dito, bumaba ka diyan,"sabi niya.
Maam maawa ka tulungan nyo po akong makaligtas sa kapahamakan. May gusto pong pumatay sa akin.
“Eres una niña terca,"(ang tigas ng ulo mo babae.)
Nagulat ulit ako sa kanyang sinabi. Marunong din siyang mag-spanish. Isa kaya ang babaeng ito sa aking mga kalaban? Isa rin kaya siya sa mga naghahanap sa susi.
Mi señor, por qué me encuentro con ellos? A quién debo confiar?(panginoon ko, bakit ko ba sila nakakasalamuha? sino ba dapat ang paniniwalaan ko?).

“Sa harapan ka umupo hija kung gusto mo na iligtas kita sa kapahamakan,”sabi niya.
Agad akong bumaba mula sa ibabaw ng foam. Pumasok kaagad ako sa passenger seat sa harapan. Agad niyang pinaandar ang sasakyan kaya nakahinga ako ng maluwag.

Nakita ko sa harapan ang kanyang military id. Alagad ng batas pala ang babae. Napakaganda niya at mukhang hindi Filipino ang kanyang lahi.
“Done eye raping me woman? Are you a lesbian? To tell you honesty pure na babae ako may hiwa at may matres may anim na anak. A triplet, a twin and my bunso isang lalaki Jeremiah Shane Aragon,”kwento niya.
Wow ang cute siguro nila dahil maganda po kayo ma'am.

Shrouded Intentions of the Invisible Creator Where stories live. Discover now