“Oh Addete mi amor, stop crying anak. Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon natin ngayon. Nasanay ka sa marangyang buhay sa Mexico. Alam ko na hindi ka nararapat sa ganitong sitwasyon Adette. Nakailang lipat na tayo ng lugar dahil sa mga masasamang nilalang na nais kumuha sa'yo. Natitiyak ko na ang mga iyon ay ang mga mafia na kasapi sa organization ng iba't ibang bansa.
Sa palagay ko hindi ordinaryong leader ang iyong ama. Kung hindi gaano kataas o walang itinatagong malaking bahagi ng organization ang iyong ama hindi ka tutugisin ng mga armado. Kailangan nating baguhin ang ating mga anyo para hindi na nila tayo makilala. Hindi tayo pweding mabuhay ng lantaran ang hitsura sa publiko Addete.”nanay Amanda said.”
Yes I know how to speak Filipino because my mother is a Filipino and yaya Amanda is my second mother since I was born. I just remember the scenery when they killed my parents. The hurtful tragedy in my life. Hanggang ngayon ay nakikipaglaban parin kami ni nanay Amanda kay kamatayan para mabuhay.
Alam ng aking ina at ni yaya na mangyayari ang araw na iyon kaya nakahanda na sila para makatakas kami sa oras ng kagipitan. Nakalabas kami ng bansa bago kami maharang ng mga armado.
We rented a place to stay in Manila but someone was watching us. Until my nanay Amanda doubt with something on how they trace us. Because we already moved on three places but they still cought us. Naisipan niyang ibaon sa lupa ang hikaw at kwentas ko na suot ko dahil baka ito daw ang may tracking device kaya natuntun kami ng mga kalaban.
Magmula ng tinanggal ko ang kwentas at hikaw sa awa ng diyos hindi na kami nasundan pa. Ang pinuproblema ko ngayon ay wala akong mahanap na trabaho para may makain kami ni nanay Amanda. Hindi ako pweding lumantad sa publiko dahil maaaring makita ako ng mga humahanting sa amin pati si nanay ay kilala na rin nila ang hitsura nito at naging yaya ko mula ng isilang ako. Maaaring nakita na nila sa bahay namin ang mga larawan na magkasama kami ni nanay Amanda.
“Bernadette San Jose! What are you doing? Jesus Christ mahal na prinsesa bakit mo hiniwa ang mukha mo. Tulong, please tulungan ninyo ako. Dalhin natin sa hospital ang anak ko tulong,”tarantang sigaw ni nanay Amanda. Dalawang blade ang hawak ko at dalawang beses kong pinasadahan ng hiwa ang mukha ko.
“Amanda anong nangyari sa anak mo? Diyos por santo ang daming dugo. Dalhin na natin sa hospital ang anak mo Amanda para magamot kaagad ang kanyang mga sugat. Diyos ko ano ba ang problema nitong anak mo at nagawa niyang saktan ang kanyang sarili. Talian mo muna ang mukha ni Addete para huminto ang pagdaloy ng dugo.
Natataranta na rin ang may-ari ng bahay na aming inuupahan ni nanay Amanda. Nagmamadali silang pumara ng traysikel para dalhin ako sa hospital. Hindi ko na alintana ang kirot sa mga sugat na akong tinamo. Naging manhid na rin siguro ang aking puso dahil sa mga nangyayari sa aking buhay. Namatayan ako ng magulang pero hindi man lang nila ako binigyan ng pagkakataon na magluksa. Hindi ko man lang naaalalayan ng dasal ang mga labi ng aking mga magulang. Mga hayop sila, mga demonyo at wala silang kasing sama. Pinagkaitan nila akong mamuhay na kasama ang aking mga magulang. Pati buhay ko ay hanggang ngayon tinutugis nila sa hindi ko alam na kadahilanan.
“Adette anak nandito na tayo sa hospital,”sabi ni nanay Amanda.
Agad naman akong inaasikaso ng doctor. Napangiwi pa ito ng makita ang mga hiwa sa aking mukha. Sayang daw ang aking magandang hitsura.“Anak bakit mo naisipan na sirain ang iyong napakagandang mukha? Hindi ka man lang ba nanghinayang anak? Maaaring ko bang malaman ang mga kadahilanan sa iyong ginawa?”
Mamamatay tayo sa gutom nanay Amanda dahil hindi nila tayo tatantanan. Kung mananatili ang aking hitsura makikilala parin nila tayo. Para silang mga kabuti nanay na bigla nalang sumusulpot sa harapan natin. Sawa na akong tumakbo at magtago nanay. Kailangan ko pong makahanap ng trabaho para may makain tayo. Paano ka makakapagtrabaho kung ganyan ang magiging hitsura mo Adette? Se burlarán de vosotros y ya no tendréis paz.(Kukutyain ka nila at mas lalo kang hindi magkakaroon ng katahimikan.)
Fastidiar? Al menos podemos vivir sin correr ni escondernos en algún lugar.(tease? at least we can live without running or hiding somewhere.)
“Mi amor, patawarin mo ako anak kung wala akong maibigay na magandang buhay sa'yo. Dahil matanda na ako ikaw tuloy ang mas nahihirapan ngayon.No problem nanay, ang iyong pagprotekta sa akin ay sapat na para maging lakas ko. Ikaw nalang ang kakampi na meron ako nanay. Binuwis mo rin ang buhay mo para sa akin. Kaya gagawin ko ang lahat para masuklian ang lahat ng kabutihan mo sa akin. Hayaan mong manatili sa mukha ko ang mga peklat. Ito ang magiging sandata ko para makawalang pansamatala sa katauhan ni Bernadette San Jose. Ang prinsesang pinagkaitan ng truno ay nagbabago na ang anyo.
Ako muna si Josie Almonte nanay, gagamitin ko muna ang iyong apilyedo para walang makakakilala sa akin. “Anong trabaho naman ang trabaho na papasukin mo bata ka? Ano ba ang alam mo sa gawaing bahay? O sa gawain sa labas?"
Nanay, trust me po magaling po ako sa mga gawaing bahay. Palagi po akong nakamasid sa mga ginagawa ninyo. Ako po ang tagatikim ng mga niluto ninyo kaya ako ang may magaling na panlasa sa inyo.
“Batang ito talaga! Hindi ko alam Adette kong ano ang kahihinatnan ng mga plano mo sa buhay. Sinasabi ko sa'yo na matanda na ako at hindi na kita kayang ipagtanggol sa kapahamakan,”nanay Amanda said.
Nanay, masakit na po ang mga sugat ko nawala na po yata ang anesthesia na ibinigay ng doctor.“Gusto mo ba tawagin ko ang doctor para tingnan ka?” No need nanay. I will take a rest nalang po.
“Okay don't talk to much mi amor,”sabi ni nanay Amanda.
Sobrang kumirot na ang aking mga sugat. Ngayon ko na nararamdaman ang labis na sakit. Hindi ko alam kung gaano kalalim ang sugat na natamo ko. Sigurado na mag-iiwan ito ng malaking marka sa aking mukha.Panginoon gabayan mo po ako sa aking mga plano sa buhay. Proteksyonan po ninyo kami ni nanay sa mga masasama. Wala po akong ginawang masama sa aking kapwa. Kung ang mga pasakit ko ngayon ay kabayaran sa mga kasalanan ng aking ama tatanggapin ko po. Pero kung hahayaan mo akong mabuhay sa mahaba pang panahon sana sa huli ibigay mo sa akin ang masayang buhay kasama ang aking magiging pamilya. Taimtim kong dasal sa maykapal habang nakapikit ang aking mga mata.
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Ngunit sa muling pagbukas ng aking mga mata. Nakita ko ang isang napakagandang kapaligiran. Ang paligid na nababalutan ng maraming ilaw, nagagandahan at humahalimuyak na mga bulaklak. Anong lugar ba itong napuntahan ko?
Sa kalagitnaan ng isang maliit na tulay na nakakonekta sa magkabilang bahagi ng napaka linaw na ilog. May isang bulto ng lalaki na nakatayo doon. Dahan-dahan na nilapitan ni Adette ang nakatatlong lalaki.
“Ipagpaumanhin mo ginoo ang aking mapangahas na lapitan kayo. Sadyang ako po ay naliligaw lamang kaya sana ay inyo po akong mauunawaan. Kung ang aking kapangahasan ay kailangan ng kaparusahan kayo na po ang bahalang magdesisyon ginoo.“Bernadette!” kumusta ang iyong paglayo mula sa sarili mong palasyo?”
Isang malamyos na boses mula sa isang ginoo. Ay anong palasyo ang kanyang sinasabi? Paano niya nakilala ang aking pangalan? Sino siya?“I saw the princess!” “Kill her immediately!”
Bang, bang, bang, bang!”
“Run princess Bernadette run,”.....
Hinila ako ng lalaki at matulin kaming tumakbo. Habang ang mga armadong kalalakihan ay patuloy kaming pinagbabaril. Hapong-hapo at pagod na ako sa aking pagtakbo. Hindi ko na kaya, hanggang dito nalang siguro ako.“Adette , Adette, wake up Adette!” Hingal na hingal akong napabalikwas ng bangon.
“A dream!”
“Its only a dream!”
Munting usal ko, habang ramdam ko parin ang kaba at takot.
YOU ARE READING
Shrouded Intentions of the Invisible Creator
Mystery / ThrillerRomance, Mystery, Betrayal