chapter 24

0 0 0
                                    

J. A pov

Wait... what is this? Kailan mo nakuha ang mga information na ito? Bakit hindi mo kaagad ipinasa sa akin? May email address ako pero bakit hindi mo nagawang i-send sa akin kagabi?
"I'm sorry boss, but I try to call you last night pero out of coverage ang iyong cellphone,"sabi ng aking agent.

What a f*cking sh*t I'm doing? I punished her and I hurt her. Her life became miserable because everyone was chasing her. Nobody help her, and she even cut her face just to hide her identity.
Yo debería ser quien la proteja porque si mi padre todavía estuviera vivo no querría que lastimara a la princesa de su único amigo.(I should be the one protecting her because if my father was still alive he wouldn't want me to hurt his only friend's princess.) "Damn you Jonin, you made a huge mistake to the poor princess,"kastigo ko sa aking sarili.

Kanina lang nang angkinin ko siya nag-iba ang aking pakiramdam. Nang makita ang kanyang maamong hitsura parang may nabubuhay sa aking pagkatao. Naroon ang aking pananabik na tila ayoko na siyang tigilan. Biglang namuno sa aking isipan na hindi ko na siya dapat pang pakawalan. She's different, call me crazy but I never felt like this to anyone before. Nakaramdam ako ng awa ng makita ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mga mata. Kaya pala naisip kong bakit ko nga ba siya kailangan na saktan. Baka nga naman wala nga talaga siyang alam tungkol sa susi ng kayamanan ng mga mafia's. Our father are the same army soldiers in Mexico. My father is just a protector to her father as a mafia leader. And her father as a king of De Jose Empire. At dahil matalik na magkaibigan 50/50 sa mga asset ay silang dalawa ang nagmamay-ari. Kaya nang mamatay ang aking ama, ang ama ni Princess Bernadette ang target ng lahat dahil ang hinala nila ay ang ama ni Princess Bernadette ang may hawak ng susi. Ngayon ay may katibayan na ako at ang aking hinala tungkol sa aking tiyuhin ay totoo nga. Ang hinalang baka siya nga ang pumaslang sa aking ama at sa mga magulang ng prinsesa. Pinauwi ako ng mahal na noon para ipaalam ang tungkol sa habilin ng aking ama. Ngunit dahil hindi umayon ang pagkakataon hindi ko ito napaunlakan.

Ako man din ay si Princess Bernadette ang aking pinaghihinalaan na may hawak ng susi. Dahil halos magkapatid na ang turing ng aking ama at ng kanyang ama na isang hari. Hindi maharlika ang aking ama pero mas higit ang kanyang kapangyarihan dahil siya ang pinuno ng mga mafia's na pumuprotekta sa hari o sa mga malalaking negosyante sa mundo. He is a heartless mafia na nakailang palit na ng identity dahil gusto siyang patayin ng ibang grupo para palitan ang kanyang pwesto. Dahil pinagsanib ang kayamanan ng aking ninuno at ang kayamanan ng mga ninuno ng ama ni Princess Bernadette mas lumakas ang kapangyarihan ng aking ama. Ako ang nag-iisang anak na lalaki ni Fernando Ashi na hindi pa nakikilala ng grupo. Palihim na pumatay ng mga taong halang ang mga kaluluwa.

Malinis ang pagkakagawa ng pagpaslang at halatang matagal na itong pinagplanohan. Wala ako ng mangyari ang krimen dahil nasa middle east ako at may hinawakan proyekto bilang engineer kaya hindi ko kaagad ito naimbistigahan. Una ko ngang pinaghihinalaan na baka ang ama ni Princess Bernadette ang pumaslang para mapasa kanya ang buong ari-arian. Ngunit ng pagtagpi-tagpiin ko ang mga pangyayari bakit nga din pala pinatay ang ama ni Princess Bernadette.

Naguguluhan ako kung bakit sinabi ni Adette na ako ang pumatay sa kanyang ama. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat na may sabutahi ngang nagaganap sa araw ng pagpaslang ng aking ama at sa mga magulang ni princess Adette. Ngayon mas nanganganib na ang buhay ng prinsesa dahil nakita na ni Magnus na nasa poder ko na ito.

Nakikita ko kanina ang hitsura ng aking pinsan kung paano niya pinagnasaan ng tingin si Princess Bernadette. Hindi mo makukuha ang nais mo hanggat nabubuhay pa ako Magnus.
Kailangan kong umuwi muna ng Mexico. Sa kaharian mismo ng mga San Jose para uumpisahan ukit ang aking imbistigasyon. Pinasok ko na ito noon pero wala akong nakita. Isasama ko ang prinsesa at sa kanya ko aalamin ang mga sekretong lagusan ng palasyo.

Shrouded Intentions of the Invisible Creator Where stories live. Discover now