Josie/Adette pov
Pagkatapos kung magpahinga ng kunti bumalik si nanay Lita at pinapaalalahanan ako sa mga dapat at di dapat gawin sa loob ng mansion na ito. Tinuro din niya sa akin ang mga trabaho na dapat kong gampanan. Dahil nga umaga na ay inutusan ako ni nanay Lita na magwalis ng mga tuyong dahon sa bakuran. Kailangan kong suotin ang aking mask dahil baka katakutan ako ng mga taong makakakita sa akin dito sa mansion na ito.
Habang nagwawalis bigla akong kinakabahan na parang may nakamasid sa akin. Sa palagay ko wala naman sigurong multo ang mansion na ito. Pero iba talaga ang kilabot na aking naramdaman. Lumingon ako sa paligid pati sa itaas ng mansion. Pero wala naman akong nakikitang kahina-hinalan na taong nakamasid. Siguro guni-guni ko lang ito baka nga namamahay lang ako. Gumagawa na naman ng kwento itong utak ko. Bakit kaya napakahilig ko sa imahinasyon? Dumadagdag pa ang hindi ko namumukhaang tao sa aking panaginip? Isa kaya yong babala para mag-iingat ako o isang palatandaan ng ikakapahamak ko.
“Josie hija halika nga saglit sa loob, may iuutos lang ako sayo,”sigaw ng matanda. Kaya agad ko naman itong pinuntahan sa kusina. Nay, ano po ang iyong ipag-uutos sa akin?
“Sa pangalawang palapag, pagkakataon mo sa hagdanan baybayin mo ang laman na pasilyo. Sa dulo ng pasilyo may malaking dinning table na naroon. Ang almusal na ito ilapag mo tapos bumalik ka kaagad dito.
Sa ganitong oras nagigising ang ating amo kaya bago siya lumabas ng kanyang silid kailangan nakahanda na ang kanyang mga pagkain,"mahabang paliwanag ng matanda.Sige po nay Lita ako na po ang bahala na ayusin ang hapag kainan ni Señorito. Kinuha ko ang tray na may mga pagkain para iakyat sa itaas. Naisip ko lang kung anong klase na tao kaya ang aming amo at ayaw makisalamuha at bumaba para sa dining area kumain. Haiisstttt panginoon hindi kaya vampira itong naging amo ko. Mantenme alejado de satanás señor(ilayo mo ako kay satanas panginoon).
Kinakabahan ako habang paakyat sa may hagdanan. Napaka misteryoso nga naman ang nilalang na ito. Ang design ng kabahayan ay naaayon sa masalimuot na pagkatao ng isang nilalang. Dark colour of wall, a mixture of golden, gray and dark paintings. Kulang nalang ay horror music sa background habang naglalakad ako. I imagine walking this stairs wearing traje de buda. Omg! Adette erase, erase, erase it's a murderous scene of the mexican drama.
Inilapag ko na ang mga pagkain, patingin tingin pa ako sa kaliwa at kanan pati likuran. Paano nalang kung may biglang humila sa akin at igapos ako, mi dios marimar. Nang matapos ko na ang lahat agad na akong naglakad para bumaba. Narinig ko ang pagpihit ng pinto, isang hudyat na may lumabas. Gusto kong tumakbo pababa pero bigla niya akong tinawag. Nabigla ako at agad napabaling sa taong tumawag sa akin.
Kinikilabutan ako sa lamig ng kanyang tinig. Mahiwaga nga pero parang pamilyar sa akin ang kanyang tinig. Nag-aalinlangan akong pimihit pabalik pero naisip ko baka magalit at ako'y palalayasin. Naglakas loob nalang akong bumalik sa kinaruruonan ng aming señorito.
“Po? May kailangan pa po ba kayo?”tanong ko sa kanya. Ang puti naman ng hitsura niya parang nasobrahan sa glutathione.
“What's your name? How old are you?Where do you came from?,”
Mg name is Josie Almonte, I am 22 years of age ang I came my mother.” dagdag ko pa.“What?”
“Tinatanong po ninyo kung sino ako. Kaya sinagot ko lang po ang inyong katanungan,”nakayuko kong sagot.“I asked you properly, kaya dapat sumagot ka ng maayos babae,”galit niyang sabi
“Opo señorito, ipagpaumanhin nyo po ang aking naging kasagutan,”sagit KO bkaba
“Why are you wearing a face mask? Are you hiding yourself?”“P-po? H-hindi po sa ganun señorito. Tinatago ko lang po ang aking hitsura dahil nahihiya po ako. Naaksidente po ako kasama ang aking mga magulang. Nasawi po sila at ako lang po ang nakaligtas. At ang mukha ko po ang nagkaroon ng malaking pinsala,"salaysay ko na puro kasinungalingan.
Dahan-dahan kong tinanggal ang aking face mask. Bahala na kong matakot siya. Biglang nanlaki ang kanyang asul na mga mata. Tama ba ang nakikita ko? Nahahabag sa aking hitsura si señorito.
I am sorry for your parents lost. What's your name again? Josie right?
“Opo señorito!”
“Okay you can go now!”
Agad akong umalis sa kanyang harapan at bumama. Nakakatakot talaga ang mala vampira niyang awra. Nagtatagalog siya pero hindi naman yata siya pure Filipino. Salamat nalang kay nanay Amanda at tinuruan niya akong magtagalog. Hindi ako nabubulol kapag nakikipag usap kaya hindi nila nahahalata na hindi ako totoong pinoy.
“Oh Josie bakit natagalan kang bumalik?”
Tinawag po kasi ako ni señorito nay. Tinanong niya ang pangalan ko at kung bakit ako nakasuot ng mask. Kaya ipinakita ko sa kanya ang aking hitsura.
“Ah ganun ba hija? Sige gawin mo na ang ibang mga gawain na pinagawa ko sa'yo. Pagkatapos ay magpahinga ka kapag natapos mo na,”malumanay na sabi ni nanay Lita.******
Agad kong natapos ang mga labahin kaya nakapagpahinga na rin kaagad ako. Nakita ko si nanay Lita na natatawang nagtitipa ng kanyang cellphone.
Nay, tuwang-tuwa po tayo ah.
“Ay oo hija, nakakatuwa kasi itong group na napasukan ko. Yong kaibigan ko kasi inimbita niya akong sumali sa isang pages sa social media. At hito natutuwa ako sa mga hugot at banat nila. Hay naku ang kukulit nila nakakawala ng stress,”sabi ng matanda.“Ano po bang group iyan nay?”tanong ko.
“Marunong ka bang gumamit ng social media? Kapag marunong ka, may isa akong cellphone na hindi ginagamit ibinigay ko sa'yo para minsan nagamit mo rin. Nakakabagot dito sa mansion dahil tayo-tayo lang kaya maganda kung makikisaya rin tayo kasama ang mga makukulit na henirasyon,”paliwanag pa ng matanda.Naku nay, baka mapagalitan tayo ni señorito kapag nahuli tayong gumagamit ng cellphone. Baka po mapalayas pa tayo ng wala sa oras dahil dyan.
“Naku hija, may oras naman ang paggamit ko. Kapag oras ng trabaho focus ako sa trabaho. Kapag ganitong free tayo dito na ako nakababad kaysa naman pumunta ako sa porn site o manunuod ng YouTube video. Makakaubos lang yon ng pera, dahil bawat video hindi naman libre. Ito tingnan mo Josie siya may post. Tapos pagpipyestahan yan ng mga members. Mag-uunahan sa pakikipagkukitan. Minsan kung saan-saan na umabot ang mga debate ng mga iyan.Nakakatuwa din naman pala sila nay no? Nagkaroon ako ng interest para makisalamuha sa iba. Noon naman pinayagan na ako ng mahal na hari na gumamit ng cellphone. May kunting kaalaman na rin ako sa social media. Pero hindi ko pweding buksan ang luma kong account dahil baka may makakaalam sa aking kinaruruonan. I need to be clever in wise. Wala akong sapat na lakas para lumaban sa mga kalaban na hindi ko naman kilala. Nangangapa na ako sa dilim ng kasagutan kung bakit ayaw nila akong patahimikin.
Diyos por santo, nakuha na nila ang lahat sa akin. Buhay ko nalang ang meron ako pero bakit ayaw pa rin nila akong tantanan. Can't they just leave my life to me?
“Josie, ito na ang isa ko na cellphone sayo na. Kapag nagagalit si sir nagtatapon ng mga gamit. Ang phone na yan itinapon niya, nang ibalik ko sa kanya sabi niya itapon na daw sa basurahan. Mukhang babae nya ang nagmamay-ari nyan kaya wala siyang pakialam,”sabi ng matanda.
Paano po kapag hinanap ang phone na ito baka ako po ang napagbintangan na magnanakaw.“Sayang naman kasi Josie kung itatapon lang natin. May extra simcard ako ibibigay ko na sayo yon,”sabi niya. Si nanay Lita talaga oh mukhang mapapahamak pa ako sa gagawin natin. Konalikot ko naman ang cellphone pumunta ako sa gallery. Bago pa nga ito dahil wala pang mga larawan na naka-save. She's beautiful, a sophisticated woman and I think she's a model.
I delete and install again the Facebook Application para nakagawa ako ng sariling id. Habang naghihintay hiniram ko muna kay nanay Lita ang kanyang cellphone. Tinitingnan ko ang mga kaganapan sa Rewind and Recall private groups na sinalihan niya. She's right because they are having fun while exchanging their comments. It's look like any public groups na open sa lahat. Pero dito siguro ay ang mga myembro lang ang pweding makipagpalitan ng mga conversation.
Tinitingnan ko ang cellphone na ibigay ni nay Lita. Ready na ang Facebook apps ko ang kailangan ko nalang ay mag registered para makapasok sa social media. Isang babaeng anime ang ginawa kong display picture at hindi ko rin gagamitin ang tunay kong pagkatao. Mahirap na dahil baka nasa loob ang aking kalabanm.
Nay, na install at na register ko na po ang aking Facebook account.“Oh sige invite na kita, accept mo nalang huh,”pinakita pa nya sa akin. Sige po, tatanggapin ko bahala na.
“Welcome to the RR group Camomile,”nanay Lita said.
“Thank You Ma'am!”maikli kong sagot.
YOU ARE READING
Shrouded Intentions of the Invisible Creator
Misterio / SuspensoRomance, Mystery, Betrayal