Mi amor do you like this place? This place is belong to us, just you and me sweetheart. Dito natin bubuuhin ang ating mga pangarap, dito natin uumpisahan ang ating pagmamahalan. You're so beautiful mi amor and I want you,” Sabi ng lalaki na nasa likod ng puting tela. Sino ba siya, bakit hindi ko maaninag ang kanyang mukha? Ilang beses ko ng nakita ang eksina ito. Hindi ko mawari kung bakit palaging laman ng aking panaginip ang lalaking hindi ko pa nakilala. Ano ang misteryo na nakakoble sa kabilang bahagi ng puting tabing? But the man's figure is looks familiar to me. Illusion o imahinasyon lang ba ang aking nakikita? Bakit sa tuwing nakikita ko ang señorito nagwawala ang puso ko. Hindi ko mawari ang aking nararamdaman sa tuwing nariyan siya o kaharap siya.
Sino ka ginoo at bakit ka nakakoble sa likod ng puting tela? Ano ang kahulugan ng mga katagang iyong binibigkas? Ano ang iyong pakay sa akin?“Hahaha you looked so innocent Mi amor but I think you are not too innocent. C'mon sweetheart, come closer mi amor.
“Ahhhhhhwwwww nooooo! Let me go,”
it's a dream again. Napabalikwas ako ng bangon sa aking pagsigaw.
“Oh Josie ano ang nangyari sa'yo anak? Bakit bigla kang sumigaw?” Wala po nay, mas masama lang akong panaginip. Isang tao na hindi ko kilala.
“Naku naman akala ko ano na,"Sabi ni nanay lita.Nay, naniniwala po ba kayo sa hiwaga ng pag-ibig?
“Kung may hiwaga man ang pag-ibig Josie iyan ay hindi ko masasabi dahil noong nasa edad mo pa ako hindi ko pinagtutuunan ng pansin iyan. May responsibilidad kasi ako sa pamilya ko. Ako ang sumusuporta sa mga magulang at kapatid ko,”sabi ni nanay Lita.
Ngayon po ang may mahal na kayo di ba?
“Hahaha iyan ay isang katuwaan lang sa buhay Josie. Sino ba ang seryosong iibig sa matandang katulad ko. Iyan ay pampalipas oras ko lamang sa tuwing ako ay nag-iisa. Paano po ba kayo nakapasok sa grupong iyan? Sa isang kaibigan dyan sa social media, inimbitahan niya akong sumali sa grupo na yan. Marami na ang nangyayari nawala na sila at sa pagkakaalam ko bumuo ng sariling GC. Ang mga naging kaibigan niya hinila na rin niya,”salaysay ni nanay.Ano po ang dahilan ng kanilang pag-alis? Hindi ko exactly alam ang dahilan pero ang mga nababasa ko sa usapan ng aking mga kaibigan. Pinagseselosan daw itong si babae sa itaas may gusto daw kasi ito kay bossing. Sa tingin ko malaki ang naging kaguluhan dahil pati yung mga hinatak na natanggal din pumalag. Bakit daw sila ina-add sa RR kung tatanggalin na walang dahilan,”sagot niya.
Ano po yan nay kompanya at may boss na namamahala. Eh nakita nyo na po ba ang boss na yan? At saka ano po ang mali kung magkakagustuhan. Hindi nyo naman hawak ang mga desisyon nila.
“Hindi pa namin nakikita at minsan lang nakakausap, private na tao kasi yon”sabi pa niya.
Strange, invisible creator po ba yan? Nakakatawa naman po pala ang grupo na yan dahil may boss na hindi nakikita para lang pong amo nating may lahing bampira. Hindi lumalabas sa araw pero kumakain ng kapirasong karneng hilaw sa gabi.
“Ikaw talagang bata ka oh kung anu-ano nalang mga pinag-iisip mo. Baka marinig ka at magalit pa sa'yo si Sir,”natatakot na sabi ng matanda.Nay, nakailang boyfriend na po kayo dyan sa RR?
“Si mahal lang ang aking nag-iisang katipan Josie,”kinikilig na sabi ni nanay Lita.
Naks sa katipan nanay, nakikita ko sa iyong mga mata ang labis na pagmamahal sa iyong sinisinta. Para kayong nasa sinaunang kapanahunan na tinatamasa ang labis na pagmamahalan.“Palagi nalang ako ang nakikita mo Josie, palagi nalang ako ang napupuna mo. Pumasok ka dyan sa RR at makikita mo kung paano sila nagmamahalan. Ito tingnan mo si R marami itong naging girlfriend dyan. May ex na kapitbahay niya, may nililigawan na naging sila. Apat na GC yata meron siyang girlfriend matinik sa mga dilag eh. May S, E, W, L, N, M,Y,”salaysay ng matanda.
Baka sa personal matinik din sa mga dilag iyan nay, baka magaling lang dumiskarte sa mga kababaihan nay. Baka buong alphabet meron na siya. At ang L mukhang ikaw iyan nay ah. “Josie hindi ako yan may jowa yan na nasa kabilang planeta naku napaka selosa. At alam mo ba kung ano ang tawag nila sa babae ''Apoy". Dahil lahat ng mga kinakausap ni R inaaway niya. Kahit kaibigan lang ang kinakausap inaaway na kaagad. Wagas makabakod eh nasa malayo naman. Dahil sa kanyang ugali pinaalis na si girl sa RR. Ang pinagbibintangan nila ay ang admin na babae. Sabi nga nila pinag-iinitan daw at malamang pinagseselosan. Moderator ng RR si R kaya kontrolado niya ang mga post ng kanyang girlfriend. Post na pasaring tungkol sa mga babaeng pinagseselosan niya. Maaaring maging dahilan ng bangayan at pag-aaway kaya minsan dine-declined ng ibang mod. Hindi natatakot na kapag masyado niyang hinihigpitan ang kanyang nobyo mas lalo itong magiging agresibo na gumawa ng kalukuhan. Ang relasyon ay dapat nasa saktong timpla. Hindi mo ito kailangan higpitan dapat inaalagaan at saktong paalala na huwag gumawa ng mali. Dapat pagkatiwalaan ang bawat isa dahil pinili ninyong magmahalan kahit na nasa malayo kayo. Last time may nakasagutan na lalaki, biglang nag-comment si girl at nauwi sa murahan. Kaya napagdesisyonan ng Admin na tanggalin ang babae. Itong si lalaki super supportive kaya medyo pumalag at pinagbibintangan ang babaeng admin na nagtanggal daw sa kanyang nobya kahit hindi naman,”salaysay pa ni nanay L. Hmmmm kaya nga po maraming namamatay sa maling akala.
Baka may sariling multo nay, kaya natatakot na maipotan ng iba. “Ayan kana naman sa pagiging over thinking mo Josie hindi natin alam ang kanilang mga gawain sa ibang bahagi ng social media. Ang nakikita ko lang ay ang nariyan sa GC na sinalihan ko. Nakailang palit na rin yan ng girlfriend dyan at hindi naman nagtatagal dahil nga nahuhuli minsan at ang iba naman di nagseseryoso hiniwalayan kaagad siya,”sabi ni nanay. Ah baga panandaliang relationship lang like additional collection of exes ganernn hahaha.
“Ewan ko sa'yo Josie ma issue ka masyado,” she said. Oo nga po nay dahil ikaw rin marites ka masyado. Gwapo siguro iyan nay dahil marami ang nabibighani. “Hindi ko masabi Josie dahil ang kagandahan ay nasa mata ng tumingin lamang,”sagot ni nanay.
“Nitong huli may nobya siya game naman itong si girl nakikipag kulitan sila sa GC. Yung parang mahal na mahal nila ang isa't isa. Pero hindi naman siguro sila seryoso dahil may asawa at mga anak na si babae,”kinikilig na sabi ng matanda. Naku kayo din po kinikilig sa pinapaanod ninyong RR drama.
“May buang na mga kaibigan itong si babae. Ayon tinadtad ng sermon pinapamukha sa kanya ang kanyang maling pakikipagrelasyon. Hanga ako sa mga kaibigan ng girl dahil kaya nilang magsalita ng prangkahan kahit maari itong ikakasama ng loob. Hindi nila pinatagal ang relasyon dahil baka mauwi ito sa malalim na pagsasamahan at sa huli masasaktan lamang. Marunong din naman makinig si girl kaya agad siyang kumawala,”sabi pa niya.Baka nasa RR ang katuwaan at nasa tunay na asawa ang kaligayahan. Sumibol ang LDR behind the screen. Nay, si señorito hanapan nyo rin kaya ng tunay na pag-ibig. Palagi po ba niyang ginagawa ang magdala ng kapirasong karneng hilaw dito sa mansion niya?
“Huwag mong pakialaman si Sir Josie dahil baka magalit at paalisin ka sa trabaho. Basta mag-iingat ka lang baka ikaw ang magiging biktima. Alam mo naman ang mga lalaki makakakita lang ng maganda ang katawan nalilibugan na kaagad,” paalala ni nanay.Naku nay, pangit naman ako kaya huwag kayong mag-alala. Hitsura ko pa lang tiyak diring-diri na yon. Sa tingin ko hindi naman niya sariling mukha ang gamit niya. Baka siya ang beast sa isang kaharian hahaha. “Kapag ikaw narinig lagot ka talaga lagot kang bata ka. Bumangon kana nga at tayo'y maghahanda na ng almusal,” pag-aya niya sa akin.
“Nga pala Josie mawawala ako ng ilang araw dahil may sakit ang kapatid ko sa probinsya. Mamayang tanghali ako ay lalarga na. Mag-iingat ka dito hija, iyong mga itinuro ko sa'yo gawin mo. Sa tatlong linggo mong pamamalagi dito kabisado mo na ang mga gagawin mo,”sabi ni nanay. Kinabahan ako sa kanyang sinabi. Ilang araw po ba kayong manantili sa probinsya ninyo nay? Natatakot po ako mag-isa dito, baka pagbalik ninyo buto ko nalang ang inyong madadatnan.
“Diyos por santo kang bata ka kung anu-ano nalang ang pumapasok sa utak mo. Maghunos dili ka nga hija. Basta ang trabaho mo lang ay maglinis ng bahay. At kapag umalis na sa gabi si Sir saka mo linisin ang silid niya. Tapos ipagluto mo siya ng ulam, iyong mga itinuro ko sa'yo ang lutuin mo,”habilin ni nanay Lita.
Nay, bumalik po kayo kaagad ha, tapos pasalubungan nyo po ako ng mga pagkain na galing sa probinsya ninyo. Kapag kayo po talaga ay natagalan at namatay ako dito susunduin talaga kayo ng kaluluwa.
“Ikaw na bata ka pipingutin ko talaga iyang singit mo. Napakapilya mo talaga, mawawala kulubot ko sa'yo,”sabi ni nanay Lita.
Nga pala nay, baka makikipag tanan kana sa mahal mo. “Hahaha ayan kana naman ginagawang mo na naman ako ng kwento!”nakangiting sabi ni nanay....
YOU ARE READING
Shrouded Intentions of the Invisible Creator
Mystery / ThrillerRomance, Mystery, Betrayal