chapter 22

0 0 0
                                    

J.A pov

Ginamitan ko siya ng technique para mawalan ng malay. Gumugulo talaga sa aking sistema kung sino nga ba siya. Magkaiba ang hitsura pero magkapareha ang amoy at galaw ng katawan kapag kasiping ko. Naalala ko ang pangit na babae na ako ang unang nakakuha. I never beded virgins before bukod sa kanya. Kaya hindi ko kayang kalimutan ang unang naranasan na ako ang nakauna sa kanya. She is young and innocent.

Para mawala ang aking pagdududa kailangan kung mabuksan ang nakatagong sekreto sa isang babaeng iisa lamang ang amoy. Ay higit na nagpapayanig sa aking sistema ay ang taglay niyang galing sa larangan ng pakikipaglaban. Hindi ko matatapatan ang kanyang galing sa pakikipag laban. At alam kong sumalang ito sa matinding pag-iinsayo. Para malaman ang totoo I do the tricks at ito ay ang patulogin si Esojia.

Nang makatulog na siya nabuksan ko ang kanyang cellphone. Laking gulat ko nalang nang malamang may access siya sa RR page at gc na ngayon ay pinalitan ko mismo ng pangalan. At kasalukuyan na ito ngayong tinatawag na Tambayan ng mga Sawi. Though naninibago ang mga members dahil napamahal na sila sa Rewind/Recall group. Pero Ewan ko na kung bakit  nagustohan kong bilisan itong muli. Siya si Camomile o admin Esoj. Isa sa matapang kung admin at magaling makihalubilo sa mga members.

Another side of our story na hindi ko na ire-reveal dahil masyado ng personal. Ang masasabi ko lang ay napamahal na ako sa ugali na meron siya. The way she cares me and being concerned about everything. Call me crazy for loving her at the wrong time. Pero kasalanan ba kung sadyang sa kanya tumibok ang aking puso. Alam nating lahat na may mga damdamin na kay hirap pigilin pero siya parin ang tanging tinatangi nito. May pinapirmahan ako bago siya mawalan ng kanyang ulirat. Ang kasunduan at ang pagiging legal nito para mapasaakin na ang lahat ng mga ari-arian ng pamilyang San Jose. Alam kung isang kasakiman ang aking ginawa pero kinakailangan ko itong gawin to protect my property.

RR page and gc...

Napaka raming kaganapan na nangyayari. Mga pasaring sa kanilang nararamdaman sa kapwa nila user. May nagpapalitan na ng mga jowa. May nagkakabalikan na naman na ika pa nga nila nasa tamang dragon ka na. May tahimik na akalain mong napakamahinhin nga pero nasa loob ang kulo. Kulo ng pag-asang meron nga bang sila sa hinaharap. Pasimpling convo na nauuwi sa may palihim na pagtatangi. Inaabangan ang isa't isa para makomplito ang kanilang mga araw. Maibubunyag kaya ng isang taong mapagmasid ang nakatagong sekreto?

Someone left broken....sabay silang nangarap ng kanyang girlfriend. They live together for a year bago nag-decide ang kanyang girlfriend na mag-abroad muna to prepare their future bago magkaroon ng sariling pamilya. Pumayag naman si guy dahil nga para naman sa ikabubuti nilang dalawa ang gagawin ng kasintahan. Naging maayos naman sila ng ilang buwan mula sa kanilang pagkalayo. Pero hindi niya inaasahan na isang araw bigla nalang gustong tapusin ng kanyang kasintahan ang kanilang relasyon. Ang katwiran nito ay may naging kasintahan na itong ibang lahi.

Sobrang nasaktan si guy dahil gumuho ang lahat ng pangarap na binuo niya kasama ang kasintahan. Ang mga pangarap na magkaroon o bumuo ng masayang pamilya kasama ito. Isa na namang pinagtagpo pero hindi itinadhana ng panginoon. Mula sa malungkot na kahapon kailangan niya na muling mag-ipon ng lakas ng loob para humarap sa muling hamon ng kanyang buhay. Mananatili man ang mga pasakit sinisikap niyang malagpasan ang kanyang pagsubok.

Hanggang sa nalaman nalang niya na nagpaiba-iba na pala ito ng jowa. Ibig sabihin hindi na siya ang tipo na babaeng marunong makontento sa isa. Kalaunan natuto na rin siyang tawanan ang nagawang katangahan. Ipinagpasalamat nalang niya sa panginoon na inilayo siya sa maling tao. Now Mr. Right is fully recovered.

Nang magising si Adette, I asked her to cook for me pero hindi tatanggalin ang kadenang nakatali sa kanya. I know she feels so much anger and hatred.  But I had to hold her tight so she wouldn't get out of my hands. I need to keep her until I find the key. Siya nalang ang huling baraha para makuha ang susi sa nakatagong kayamanan ng mga mafia's. Kailangan ko siyang protektahan para hindi makuha ng ibang sindikato. Hindi ako pweding maisahan sa pagkakataon na ito dahil mula sa aking ninuno ang nakatagong mga kayamanan.

Shrouded Intentions of the Invisible Creator Where stories live. Discover now