KABANATA 5

3 1 0
                                    

———


"Ano?!"

Gusto kong mag pakain sa lupa nang malakas na sumigaw ang dorm mate ni Ayi, her name is Bernadette. Hindi ko lang alam kung bakit ang lakas niyang sumigaw, eh, alam ko bawal 'yon dito.

"Gabi na, uy!" Sita ni Ayi sa kaniya, "Kukunin ko na ang mga gamit ko, huwag na huwag mo 'tong sasabihin kila Celeste at Ate Jasmin, ha!"

"Hinanap ka nga ni Celeste sa akin kanina, hindi ko alam ang isasagot ko bukod sa alam kong mga Montecristo ang kasama mo..." Madidiin ang pananalita nito bago tumingin sa akin at nag balik tingin kay Ayi, "Montecristo, Ayi! Si Reed, si Reed ang-"

"Alam ko! Alam ko 'yan! Pero hindi si Reed ang kasama ko, tangina!" Balik dito ni Ayi, sinubukan kong awatin siya pero tinulak lang ako nito, "Hindi sila pareho ni Reed! Alam ko kung gaano ka gago si Reed kasi naranasan ko! Alam ko at ramdam ko, ilang beses pa!" Humikbi ito, "Alam ko, okay? At ayaw ko rin muna silang makita dahil nabastos ko sila! Hindi ko ma tantsa ang sarili ko, eh!"

I stopped for a second before looking straight at Ayi. Ano ang tinutukoy niyang alam niya? Bakit hindi niya masabi sa 'kin 'yon?

"Umayos ka. Hindi ko sasabihin kila Celeste na mag kasama kayo pero malaman ko lang na may masamang nangyari sa kaibigan ko, babalatan kita kahit buhay ka" pag babanta ni Bernadette nang pumasok si Ayi para kunin ang mga gamit niya, "Tandaan mo 'yan. I have eyes, everywhere."

Huminga ako ng malalim bago ini-start ang sasakyan. Bumalik na kami sa unit pero tahimik pa rin si Ayi at ganoon na rin ako. Nag timpla lang ako ng juice para sa kaniya para kumalma, ngumiti naman siya sa 'kin bago 'yon kuhain.

"Sorry sa kanina" pabulong nitong saad.

"Anong ginawa ni Reed sa 'yo?" Hindi ko mapigilang pag tatanong, "Bakit ganoon ang galit mo sa kaniya? Bakit ka nasa tapat ng kwarto niya? Bakit, Ayi? Bakit kayo magka kilala?!"

She ignored me. Sumimsim lang siya ng juice na ibinigay ko. Nang maubos niya 'yon ay may tinype siya sa cellphone niya, probably for her notes or whatever. Inayos ko na muna ang pinag inuman niya, nag handa na rin ako ng pang hapunan namin dahil mag gagabi na.

Habang nag luluto ay 'di ko mapigilang hindi mapa-isip. I know Reed, I witnessed how evil he is. Ang pinag tataka ko ay kung bakit naroon pa si Ayi sa harap ng kwarto ni Reed, umiiyak, eh alam naman niyang gago ang lalaking 'yon?

"Hindi ko naman kilala ang sinasabi niya, Mommy" he denied.

"Sinungaling ka pa rin!" Balik ko kay Reed habang nasa harap kami ng hapag, "Nakita ko na tinulak mo siya kaya siya pilay ngayon!"

Reed smirked, "Bakit mo ba binibintang sa akin ang ginawa mo, Chad?" Mahinahon nitong sabi, "Ikaw ang tumulak, 'di ba? Anong karapatan mo na pag bintangan ako? Mommy, hindi po ako 'yon..."

That night... I was grounded for months. I was blamed for the accident that Reed did. Sunod sunod 'yon kaya halos hindi ako maka kilos, hindi ako umaalis sa paningin nila Mama.

Thank God, he gave me Uncle Castien. Pero mapag laro talaga ang lahat, dahil nabigay naman si Uncle Cassian kay Reed. Damn! Nang mabasa ko ang past issues ni Uncle Cassian from one report card na mayroon sa kwarto ni Lola ay agad akong nag duda sa pag papakitang tao niya.

"Ouch!"

Agad akong tumakbo sa taas nang marinig ko ang pag sigaw ni Ayi. Dali dali akong umakyat sa hagdan at ganoon na lang ang gulat ko nang makita si Ayi na may hawak na blade at dumudugo ang pulsuhan.

"F- fuck, damn! What did you do?!" Pasigaw kong tanong dito dahil sa gulat, umaagos ang dugo sa kamay niya at kita ko ang pamumula ng mata at mukha niya, "Ayi, ano ba?!"

"Tired... ayaw ko... ayaw ko na!" Hiyaw nito sa 'kin, "Please, do not try to save me... don't try to find me"

"No. Ayi, what happened? Ano- bakit ganito? Tell me, sabihin mo, ano ang problema para maka tulong ako?" Agad akong lumapit sa kaniya ay inalis ang maliit na blade na nasa kamay niya.

"I'm dirty, I'm... I'm not good... not good for you, Chad!" Patuloy ito sa pag iyak, "Please... give yourself a choice... marami pang iba" she took a deep breath, "Ayaw... ayaw kong malagay ka sa buhay ko"

"No, no. No, please, huwag mo na ulit gagawin 'to, ha?" Hinimas ko ang buhok niya, "Huwag ka namang ganiyan, oh. Huwag mong ibaba ang sarili mo... you're more than that"

"Hindi, Chad! Madali 'yang sabihin para sa 'yo pero... pero hindi!" Umiling ito at binawi ang duguang kamay mula sa pagkaka hawak ko rito, "You... you don't know anything"

"Then let me know, Ayi. I am more willing to listen and understand your life than watching you suffer alone," lumapit ako rito, "Tell me everything, let me know, let me be part of it. Sasamahan kita, sasamahan kita, Ayi."

Ayi stopped. "I won't let you"

"Then I'll wait until you will" I convinced, "Ayi, kung pati nakaraan ng mga ninuno mo kaylangan kong aralin, gagawin ko para maintindihan lahat ng nangyayari sa 'yo"

"At bakit, huh?"

"Ayi, kung hindi pa halata, edi sasabihin ko na lang. Mahal kita, higit sa kahit ano. Higit sa kahit kanino at higit sa sarili ko..." masuyo ko 'tong kinausap, "Ayi... huwag mo na ulitin 'to, pakiusap naman, oh"

That night ends with a hug. Hinugasan ko ang sugat niya bago kami natulog ng mag katabi. Bago siya magising ay hinanda ko na ang almusal niya, alam ko ay morning class siya ngayon kaya inayos ko na pati ang uniform niya na nakita kong naka tupi, nilagay ko na 'yon sa hanger para hindi malukot.

Maligamgam na tubig lang din ang hinanda kong pang ligo niya, nang magising siya ay nagulat pa pero naka recover din naman agad.

Ganoon na rin ang ginawa ko. Tanghali pa ang pasok ko pero tatambay na lang ako sa library para maka sabay pumasok kay Ayi. Sandali lang akong nag ayos, nilagay ko na lang sa baunan ang pagkain ko, dadalahan naman ako ni Ace panigurado kaya kaunti lang ang nilagay ko.

"Morning class ka rin?" Takang tanong nito habang sinusuklay ang buhok niya, may kagat kagat pang tinapay.

"Oo," I lied. "Sabay na tayo, 'yong sasakyan ko na gamitin natin para mabilis. Tipid sa pamasahe" offer ko rito.

Tumango naman siya bago nag toothbrush, ganoon din ako. Matapos 'yon ay lumabas na kami, binigyan ko siya ng extrang susi, pina alam ko na rin sa kaniya ang passcode ng unit para kapag umuwi siya, alam na niya at hindi niya na 'ko kaylangan hintayin.

"Upgraded, may pa hatid na?" Bungad ni Ace sa 'kin pag akyat ko sa floor, "Kayo na, Boss?"

Umiling ako ro'n. Oh, how I wish!

"But we're living together now" sagot ko habang tinititigan si Ayi na inaayos ang buhok niya.



end

THE MONTECRISTO (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon