———
"Hoy, alam mo na ba kung bakit ganiyan si Ayi?"
Napangiti na lang ako habang ina-ayos ang ibang bote na naka-kalat sa sahig ng condo ni Rheena.
"Chad pangalan mo, 'di ba?"
Tumango lang ako sa tanong na iyon ni Ate Jasmin na lasing din katulad ng iba. Hindi ako sanay na ganito siya kaya hindi na lang ako nag salita at patuloy lang na nag lilinis ng mga kalat nila.
"Paano pala kung kabaliktaran ng pangalan mo ang pinangalan saiyo? like Skinny?" Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o ano sa sinabing 'yon ni Jen. Kilala ko ang boyfriend niya, si Jonathan. Nakilala ko 'yon sa isang game, malakas 'yon, lugi, nakipag pustahan pa 'ko ng one hundred pesos, sayang talaga.
"Skinny amputa, gago ka, Jen!" Natatawang sagot ni Bry. Bry na lang ang tinatawag ko sa kaniya dahil... sabi niya, eh.
"Sorry, Chad. Napaisip lang talaga ako, ang witty kasi nang mga magulang mo dahil sa Chad na pangalan saiyo, anyway... hm, g- gusto mo bang umuwi na tayo?"
Lumingon ako sa gilid nang sabihin 'yon ni Ayi. Narito naman si Ace at nag luluto pa kaya siguro ay puwede na kaming umuwi.
"Ate Jasmin, Jen, Rheena, Bry. Uuwi na kami, ha? Narito naman si Ace..." Ngumiti si Ayi, "Babalik ako bukas ng umaga"
"Sige, Ayi. Ako na lang din ang bahala rito..." Mahinahong saad ni Rheena, "Ingat kayo sa pag uwi, Chad."
Nang maka-uwi kami ay naunang maligo si Ayi, inaantok na raw kasi siya kaya pina una ko na rin. Hindi kami mag tatabi sa pag tulog ngayon dahil may tatapusin pa ata siya, ako naman ay titignan ang result kung naka pasa ba ako sa Law School.
[Huh? Ikaw pa ba, Boss?!] Natatawang saad ni Ace habang magka videocall kami kasama si Basti, [Baka nga kami pa ang 'di maka-pasa, eh!]
Iisang school kasi kami nag enroll. Ayaw nilang mahiwalay sa akin kaya hinayaan ko na. Hindi ko naman na kaylangan humatak ng kung ano anong contacts dahil mukhang pasado naman kaming lahat.
[Oh, Pota! May email sa 'kin mga lods!] Excited na sambit ni Basti, [Cool, mga pare! I passed!]
[Congrats, Tol! Wait, wala pa sa 'kin, eh] Mahina ang boses ni Ace, [Paano kung 'di ako maka pasa]
"Ilang Law School pinag-applyan natin, Ace?" Tanong ko rito na agad naman niyang sinagot, "Oh, tatlo 'di ba? Edi kung saan ka pumasa, doon kami ni Basti."
[Totoo, bro. Pero sagot mo lunch ko two months] pag bibiro naman ni Ace na ikina tawa ko rin.
After minutes, at exact twelve midnight, tatlong email ang natanggap ko.
"Congratulations, Mr. Chad Anderson Montecristo..." Panimulang pag babasa ko sa email, "Pasado ako mga pare" pag balita ko dahil iyon naman ang nilalaman no'n.
[Cool! Ako rin, pasado!] Pahiyaw ni Ace, malamang ay siya lang mag isa dahil sobrang lakas talaga ng bibig niya.
Iniwan ko muna sila Ace sa harap ng upuan ko, agad akong pumunta kay Ayi para sabihin na natanggap ako sa school na gusto ko, pero nang buksan ko ang pinto ay tulog na siya.
"Honey, I passed..." Bulong ko kahit tulog ito, "I hope you're proud of me, my Engineer..."
Humalik muna ako sa noo niya bago isara ulit ang pinto, kinuha ko ang laptop niya dahil mukhang mayroon pa siyang hindi tapos gawin, mabigat na ang bawat araw ni Ayi, ayaw naman niyang tumigil sa pag aaral dahil kinakaya naman daw niya. Eh, kung saan naman siya, doon ako.
[Lods naman, eh! Umay na nga 'ko sa Taxation!] Reklamo ni Ace nang i- share ko sa kanila ang screen tungkol sa ginagawa ni Ayi.
"Dali na, ang hirap, eh!" Reklamo ko rin sa mga kaybigan ko, "Pero kaya natin 'to... huy, Basti! Huwag ka matulog!"
[Ala na, bro. Maka kita lang ako ng equation, feeling ko babawian ako ng buhay] pag bibiro ni Basti nang marinig ang sinabi ko.
Fuck! Hindi naman ako na inform na ganito pala talaga kahirap ang kurso na kinuha ni Ayi. Ang akala ko ay basic basic drawing lang at sukat sukat ang Engineering, duguan pala ng utak!
[Natapos mo na, Boss?] Pag basag ni Ace ng katahimikan, [Tanungin mo girlfriend mo, Basti!]
Kita ko ang pag simangot ni Basti. [Gago. Busted nga 'ko, 'di ba?!] Naiirita nitong saad, [Yabang nito ni Ace, sana ma-busted ka rin ni Bry]
"Uy, busted din 'yan!" Pag bibiro ko sa mga 'to. "Pero, mga pare. Matulog na tayo-"
"Chad?"
Agad kong pinatay ang laptop ko nang marinig ang boses ni Ayi. Lumingon agad ako sa pinto ng kwarto ko at tinignan ang papalapit na bulto niya.
"B- bakit nasa 'yo ang laptop ko?" Nautal pa nitong tanong, "Teka, anong oras na, ah? Bakit gising ka pa?"
Tumayo ako at inabot sa kaniya ang laptop niya. Humalik agad ito sa pisngi ko kaya bahagya akong natawa. Ang babaeng 'to talaga, alam na alam kung paano ako palambutin.
"Napaka gwapo mo..." Bulong nito habang naka dantay ang ulo niya sa dibdib ko, "Do you know what day is today?"
I smiled, "Of course, paano ko maka- kalimutan 'yon, Mahal ko?"
Today. Sixth day of july, she gave me her sweetest yes. She let me enter her world and let me witness her breakdowns and everything.
"Do you have a wish?" Bulong ko sa kaniya habang unti unting sumasayaw kasabay ng mga ilaw sa kwarto ko, "Say it..."
"I wish for a long life, Chad." sagot nito.
Parang may kumurot sa puso ko. Kaya ko bang tuparin ang hiling niyang 'yon? O, baka kaya ko lang pakinggan.
"Ikaw ba, Chad? Ano ang hiling mo?"
Huminga ako ng malalim bago mahigpit ma yumakap sa kaniya.
"Gusto ko rin ang hiling mo..." Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang posibilidad na pag tulo ng luha ko, "At bukod doon. G- gusto kong matupad pa ang lahat ng pangarap mo"
"But... paano ka?" Tumingala ito at humarap sa akin, "H- how about yours? I mean... w- wish for yourself?"
I bit my lower lip once more, trying hard to stop myself from crying because of her questions.
Paano naman ako hihiling para sa sarili ko kung... kung ang gusto ko lang naman ay matupad lang din ang hiling niya?
"Huwag mo na 'ko isipin, Ayi..." Pinilit ko ang sarili kong ngumiti ng malapad upang hindi maka dagdag sa bigat na nararamdaman niya, "Basta... you need to be strong, so that one day... I can see you wearing a safety cap, and everyone will put Engineer before calling your name, okay?"
Tumango ito. "Yes, Attorney"
"Fight, mahal, okay?" Hinagod ko ang buhok nito bago paulit ulit hinalikan ang noo, "Para sa 'yo, sa 'tin, at sa susunod pang araw, okay?"
"Kaya ko, Chad. Kaya ko pa..."
end
BINABASA MO ANG
THE MONTECRISTO (ON GOING)
Документальная прозаChad Montecristo, A law student sa Xavier University sa Cagayan De Oro City who wants a simple life. But because of his surname, he cannot have that. A Montecristo. Gusto lang niyang makamit ang hustiya for all the women that his brother and uncle...