KABANATA 16

2 1 0
                                    

———

Mariin kong tinakpan ang tenga ko dahil sa lakas ng bunganga ni Ace at Basti habang narito kami sa site ng project ni Ayi. First project to be specific.

"Hello, Engineer!" Malakas na sigaw ulit ni Basti habang kumakaway kay Ayi. "Go, Engineer! Lampasuhin mo ang lahat!" Dagdag pa nito habang pabirong tumuturo sa kung saan at sumasayaw pa.

Tangina. Kapag may nag tanong kung kilala ko ang taong 'to, itatanggi ko talaga.

"Ganda ni Ayi, 'no?" Sabat ko sa mga 'to habang tinititigan ang babaeng mahal ko, "Noon, akala ko hindi bagay ang itim sa kaniya..."

Ace laughed, "Luh, bumagay ka nga, eh?" Lalo itong tumawa kasabay ni Basti. Mga gagong 'to.

"Pero, boss, seryoso. Magkano nagastos mo rito?" Basti questioned me while looking around the site, "This is wide, Chad. I wonder, where did you get the money?"

I cleared my throat first before winking at him. Natawa si Ace ro'n kaya babagya rin akong napatawa.

"Ipon. 'Di naman 'to gaanong mahal"I chuckled softly, "This is the house that she wanted. Thank God, Rheena saved me from designings!"

Bumaling kay Basti ang tingin ko nang bigla itong pekeng umubo habang naka tingin sa 'kin. "Chad, single ba si Rheena?"

Binatukan siya ni Ace. "Pag binuhusan ka ng graba ni Engineer Vin, babawiin mo ang tanong mong 'yan, Bastion Junior." Natawa ito, "Walang single sa mga 'yan! Retohan na lang kita!"

"Aba, huwag mo 'kong binibiro ng ganiyan, aasa ako!" Matapang nitong sagot, "Gusto ko na rin ng bebetime, nakaka inggit kayo! Lalo na 'to si Chad, araw araw silang together. Nangungulila na 'ko." He pouted jokingly.

"Ano ba tipo mo? Sakto, may tropa ako sa Nursing!" Pag bida ni Ace, "Maganda 'yon, tamad nga lang mag aral pero grade conscious. Masipag naman 'yon dahil may part time job tapos working student pa. Graduating na rin, na late lang dahil nag trabaho muna. 'Di 'yon matangkad kaso sobrang sakit no'n manikmura, Tol." Natawa ito, "Tangina, pag 'yon sinaktan mo, puputulan kita ng alaga!"

Basti's eyes widened, "Hoy! Baka nga 'di ako patulan no'n, gago 'to. Sino ba naman ako, 'di ba? Bastion Junior lang naman 'to, 5'8, medyo basketball player—"

"Bakit medyo lang?" Pang asar kong tanong dito.

"Syempre! Medyo basketball player dahil pure water boy every game!" Proud itong ngumiti bago tumawa, "Gago kayo, ah. Pinag ti– tripan niyo ang isang Future Prosecutor? Aba!"

"Paano kaya kung mag kalaban tayo sa isang kaso? Baka makita ko pa lang mukha mo, matawa na 'ko" pag bibiro ni Ace, "Sorry, lodi. Good luck sa 'yo, ah? Prosecutor... lalong bibilis buhay mo niyan!"

"Uy, bunganga mo naman!" Agad na depensa ni Basti, "Siya nga pala, 'di ba kanina sabi ko gusto ko na ng bebetime?" Tumango kami, "'Yon nga! May gusto sana 'kong ligawan kaso... 'di ako pasado sa height requirement niya!"

Kumunot ang noo ko. "Huh? Ano ba height ang gusto sa lalaki?"

"Six flat, pare. Sakit ng puso ko!" Umarte pa ito, matapos ang ilang segundo ay umayos din at sumenyas, "Si Engineer, papunta rito!"

Lahat kami ay nag ayos ng upo.

"Hello!" Masiglang bati sa amin ni Ayi, akala mo ay walang iniindang sakit, isang linggo pa lang matapos siyang makalabas sa ospital. "Kumain na kayo? Lunch tayo—"

"Engineer Madrigal!"

Lahat kami ay naka hinto nang biglang tawagin si Ayi ng isa pang
din yata 'to, 'di ko kilala kaya tinignan ko na lang sila. Mukhang importante ang pag uusapan kaya sinabi ni Ayi sa amin na kaming tatlo na lang ang sabay sabay mag lunch dahil may pag m– meetingan daw.

"Feeling ko, type no'n si Ayi!" Sulsol ni Basti, "Ano, boss? Gusto mo bang 'wag na 'yon sikatan ng araw?"

Umiling lang ako rito. Eh, kung gusto niya nga si Ayi, ano naman? Suot suot naman ni Ayi ang engagement ring kaya panigurado ay alam ng mga 'yon na may fiance na siya, at ako 'yon. Mag a– abogado ako, 'wag nila 'kong subukan. Biro lang.

"Gago, nag se– selos na 'to si Chad." Pabirong bulong kunyari ni Ace kay Basti.

"Hindi naman ako seloso.." I shrugged before focusing back on my food. Puta, ano kaya ang pinag uusapan nila? Gusto kong makinig.




Nauna akong umuwi kay Ayi, may klase kami noong hapon kaya kaylangan ko siyang iwan. Tinawagan ko naman ang mga kaybigan niya dahil hindi talaga ako ma kampante na wala siyang kasama, baka bigla siyang atakihin ng sakit niya.

Jen:

—sige, otw na rin ako. Malapit lang project ko ro'n, eh.

Celeste:

—luh, alam ba ni Ayi na may gc tayo kasama 'to si makisig? Astig, cool, now ko lang napansin, nasa request kasi guys.

Jasmin:

—ulol, dami mo alam. Otw na kami, Chad. Ikaw @Celeste, umuwi ka na! May pamilya ka na ba or what? Yie, kawawa naman tito mo @Chad, mukhang naka move na si Celeste. Joke lang.

Napangisi lang ako dahil doon. Agad kong tinago ang cellphone ko dahil baka mapansin ako ng Professor namin.

"Montecristo." Tawag nito, agad akong tumayo. "One week kang absent and late sa akin, what's the problem?"

I swallowed, "M– Madam... because—"

"If you cannot speak properly, how are you going to defend your client sooner?" Mataray nitong tanong, putol sa mga dapat kong isasagot. "Now, I'm going to repeat the question. Why are you always late and absent?"

"I was with my friends —"

"I didn't ask who you are with, Mr. Montecristo. What I am asking is why are you absent and late for a week." Madiin na naman nitong pag putol sa mga sasabihin ko.

Muli ay naka lunok ng mariin. "My girlfriend is sick, Madam. I need to take care of her so that I can watch her progress—"

"She do not have a parent?" Parang sarkastiko nitong tanong kaya kumunot ang noo ko, "I thought you want to ba a Lawyer, you could've told me sooner na pagiging helper pala ang gusto mo—"

"She is my fiance, Madam. She's an engineer. Her parents doesn't know about her cancer—"

"But... did I ask?" She smirked, "Then you, yourself! Let her family know about how she's been. Hindi ka nurse or doctor, Mr. Montecristo. You are a law student!"

"And you don't have the rights to tell me what to do, Madam." My jaw clenched as I tried to still my respect in every words my mouth is saying, "I do not, I won't, I will never ask for anybody. If I am going to choose between studying here and watching my girlfriend's day... then I'd rather leave this four corner room."

"Isusuko mo ang pag aabogado para lang sa babae, Montecristo?" Tumawa ito, "Then... that's good. You're a man now. Mabuti at hindi ka natulad sa kapatid mo—" napa hinto ito, marahil ay na realize niyang personal ang sasabihin niya. "Tiis na lang, isa't kalahating taon na lang, matatapos na kayo rito..." Then, she leave the room without her normal aura.





end

THE MONTECRISTO (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon