KABANATA 12

2 2 0
                                    

———

Napaangat ang kilay ko habang binabasa ang sinulat na bucket list ni Ayi.

Paris with Chad after graduation.

— To be called Engineer

— To have a daughter named Seraphina, Simone if son.

— House for Mama and Papa.

— Condo unit for Fani and Dans.

— To have my own house

— To have a family with Chad.

To have a family with me.

"Gusto mong mag pamilya tayo?" Naka ngiti kong tanong dito, "At may naisip ka nang pangalan"

"Oo. Mas better kung kambal sila para isang irihan na lang, 'no?" Natawa ito, "Biro lang, Mahal. Ikaw ba, ilang anak ang gusto mo?"

Napaisip ako.

Naisip ko ang pag papamilya pero hindi ko naisip kung hanggang ilang anak ang gusto ko.

"Tatlo o dalawa," sagot ko rito. "Kung ilan ang gusto mo, iyon din ang akin" sabi ko rito dahil siya pa rin naman ang mag d– decide ng lahat, ayaw kong mag decide para sa amin, o, puwede rin namang tutulungan ko na lang siyang mag desisyon.

Nag paalam siyang lalabas kasama sila Rheena matapos 'yon. Hindi ko naman na siya pinigilan dahil gusto niya 'yon, hindi naman siya iinom dahil ayaw din niya. Mag hahanap lang sila ng wedding gown for Jen. Actually hindi para kay Jen, para sa friend ni Jen.

"You love her that much?" Tanong ni Ace habang binabasa ko ang accusations kay Reed.

Galing 'to sa iba't-ibang babae. Probably girls from his past, ang iba ay kilala si Amoricia, ang iba ay hindi. Minsan ay nagugulat pa sila tuwing sinasabi kong girlfriend ko ang babaeng 'yon dahil sa pagkaka alam daw nila ay si Reed ang boyfriend ni Ayi.

"But... Reed used to kiss her in front of us... h– how did that... Uh, s– sigurado ka ba?" Utal utal na pahayag ng isang babaeng kausap ko, "Y– you... inagaw mo ba si Ricia?"

Umiling ako habang pakurap kurap ang mga mata, "I didn't. Niligawan ko si Ayi— or Ricia." Sagot ko rito, "Can you... can you tell me more?" Lakas loob kong tanong dito kahit alam kong masasaktan lang ako sa mga salitang bibitawan niya.

"She's always telling us about her sister, Fani. May sakit daw 'yon, at kaylangan agad mabayaran ang bills sa ospital..." Panimula nito bago sumimsim sa kapeng nasa harapan niya, "I don't know, Chad. I'm not sure about this. Pero... noon, kami ay hinaharap ni Reed sa computer, tapos ay ibebenta kami. Pero kay Ricia... iba siya. Isa hanggang tatlong beses lang ata hinarap—"

"Enough." Madiin kong pag awat dito dahil hindi ko na kinakaya. "Thank you for the information. And I hope that you're living the life that far from what Reed offered. Again, I apologize–"

"Bakit mo 'to ginagawa?" Pag tatanong nito sa akin. "You're his brother... bakit galit na galit ka sa kaniya. Just because of a woman?"

"You said it yourself. A woman. Hindi basta bastang babae si Ayi, hindi basta bastang tao ang babaeng mahal ko." Sagot ko rito. Ngumiti lang ito sa akin bago ako iwang mag isa sa cafeteria.

"I love her more than how much I love myself, bro" sagot ko kay Ace. Ngumisi lang ito.

"That's bad. Chad, hindi mo puwedeng may mas mahal ka sa sarili mo, ikaw ang kawawa sa dulo..." He sighed, "And as I can see, brother, mukhang... mukhang hindi mo na kakayanin kung mawala siya"

"Of course." Agad kong sagot, "She's my love, my sunshine, my future and everything. Tangina, Ace, hindi ko na nga maisip ang buhay ko kung wala si Ayi sa tabi ko."

"You fell so hard," komento nito.

"I didn't regret falling." Napangiti ako nang maaalala ang mukha ni Amoricia tuwing tumatawa, "That woman. She gave me light, she became my nightlight"

Kumunot ang noo ng kaybigan ko. "Why nightlight? Tuwing gabi mo lang kaylangan?"

Agad ko siyang hinampas ng papel ng hawak ko. "Sira!" I jokingly rolled my eyes, "You know how much I suffer every night. Alam mo noon pa na tuwing gabi, nang hihina ako dahil sa mga sinasabi nila Mama..." I smiled secretly, "But she came. Dumating siya noong kaylangan ko siya, and at the same time, dumating ako kung kailan kaylangan niya 'ko"

"Eh, anong connect ng nightlight?"

"At night, when tears are about to come, she's always there to give me her light," I explained. "Hindi siya palaging maliwanag. My baby knows how to comfort me, kahit maliit na liwanag lang ang nabibigay niya..."

Ace chuckled. "Cheesy, Pare."

"Pag busted, manahimik" pang aasar ko rito na mukhang nakuha naman niya.

Buong araw, kahit si Ace ang kasama ko, si Ayi ang nasa isip ko. I cannot remove her in my mind, well, wala naman akong plano dahil ako mismo ay hindi kakayanin 'yon.

Ayi complete me. I was an unfinished puzzle when she met me. I was in the dark, sa loob ng pagka tao ko, alam kong kulang ako. But then I met her. Palagi niyang sinasabi na... she's flawed. But, so what? Flaw is everyone's beauty for me. Kaya kahit gaano karami ang sugat niya ngayon o sa nakaraan man, siya pa rin ang babaeng mahal ko. Hindi na 'yon magbabago.

"Isang taon na lang pala, graduation na niya, 'no? Nakilala mo na ba ang parents niya?"

Para akong natauhan sa tanong na iyon ni Ace. Oo nga, 'no? Hindi ko pa nakikilala ang parents ni Ayi dahil tuwing tinatanong ko ang tungkol doon ay bigla niyang iniiba ang usapan. Wala namang impormasyon na mabibay sila Ate Jasmin.

"I think, they do not have a good connection, Ace" Iyon ang palagay ko. "She's always changing the topic when I'm talking about her parents"

Tumango ang kaybigan ko, "Baka may family issues. Hayaan mo na, baka pakikilala ka rin niya."

"Siya ang bahala... hindi ko naman siya pipilitin" sagot ko rin dito bago isubo ang pagkain na nasa kutsara ko.

Bukas pa ang uwi ni Ayi. Kaka text lang sa 'kin na mag o- overnight daw siya together with her friends, hindi ko naman siya pinigilan dahil 'yon ang gusto niya.








To: Ate Jasmin

Ate, meds po ni Ayi. Dito po 'ko sa labas, 'wag niyo na lang pong pa alam sa kaniya. Salamat.






Matapos ko i- send 'yon ay agad bumukas ang pinto. Na kalimutan kasi ni Amoricia ang gamot niya sa kwarto ko.

"Okay, sige. Ako na ang bahala. Ako na rin ang mag hahatid bukas sa inyo..." Saad nito, tumango naman ako. "Mag pahinga ka na rin"

"Opo, Ate. Uwi na po ako," mahina kong sabi rito bago tuluyang umalis.

Pag uwi ay agad kong inayos ang mga gamit ko. Hay, isang gabing wala si Ayi sa paningin ko. Na m– miss ko agad siya. Paano kaya kung 'di 'yon maka tulog? Kaylangan niya matulog.

Tss, aalagaan siya ni Ate Jasmin. Tama. Hindi naman siya papabayaan ng mga kaybigan niya. Siya ang bunso, eh!

[Ano na 'ko sa 'yo, Chad? Rebound?] Natatawang sabi ni Ace nang tawagan ko siya, [Pang palipas oras? Tell me! Saan ako nag kulang at tuwing kaylangan mo lang ako, tsaka mo lang ako kakausapin?] Madamdaming sabi nito habang tumatawa.

"Miss ko na si Ayi" sagot ko rito.

[Sus, lods, ilang oras pa lang!] Tumawa ito, [Pero... same, na mi– miss ko na si Bry]

"Wala namang kayo" pang aasar ko rito, "Busted ka nga, aguy!"

[Hindi ka sure! Pero, true, busted ako. Pero mahirap i- explain, eh. Tsaka na!] Ngumisi ito, [Nga pala, nakita ko si Reed kanina, sa cafeteria, sa labas. Napansin mo ba?]






end

THE MONTECRISTO (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon