-&-
I gritted my teeth as I texted all of my contacts in Law School who's currently a lawyers. I need to be in Government Law now. Dapat na 'kong mag simula sa trabaho dahil alam ko na kung nasaan si Cassian at si Reed. But first, si Cassian muna..
[Give me minutes, Chad. Let me pull some contacts too...] Mr. Avirigyano told me, [What case are you interested knowing? Let me give you a file—]
"My wife's case, I want to investigate about Cassian Batrioso Montecristo and Reed Sander Montecristo." Pag putol ko sa mga sasabihin pa nito, "As much as possible, make it quick. Mag sasampa ako ng kaso—" napahinto ako sandali, "No. My wife will file a case, not just her, but all of their victims." Madiin kong sabi rito bago ibaba ang telepono.
Napaayos lang ako nang makita ko si Ayi. She's busy using her phone, hindi ko na siya in-istorbo dahil marami pa rin naman akong gagawin, tumitig muna ako sa kaniya panandalian bago ngumiti. Ang babaeng 'to, kahit kaylan, hindi ako binigo sa pag alis ng stress ko.
"Malulusaw ako, Chad."
I smirked, nang sabihin niya 'yon ay kahit papaano, nagulat ako. Lumapit ito sa 'kin bago yumakap at humalik sa noo ko, ganoon din ang ginawa ko sa kaniya.
"I need to tell you something, Mahal" Mahina ang boses nito, "This is about me." Huminto muna ito bago ako tignan mata sa mata, pansin ko ang mumunting luha sa mga mata niya kaya agad akong kinabahan.
"Why? What's that?" Agad kong tanong dito.
"It's chronic leukemia..." Her voice cracked, "This type of blood cancer will l– let me live for years, for more years, but unlike other type of blood cancer, chronic leukemias are h– harder to cure..." Tumulo na ang luha nito, "T– tapos... mahihirapan na 'ko mag buntis d– dahil... dahil sa therapies ko..." Tuloy tuloy ang pag hikbi niya habang ako ay ini-intindi ang mga bagay sa sinasabi ng asawa ko.
Chronic leukemias aren't curable, well somehow it is, but not all the time. Tama nga ang hinala namin ni Jasmin tungkol dito. Katulad ng nakikita namin kay Ayi, matagal bago makita ang epekto ng klase ng leukemia na 'to, it attack slowly, but deadly. Dahan dahan 'to mag pakita ng symptoms, just like Ayi's. Nakaka takot.
I swallowed hard. Hindi ko alam kung bakit pero kaya kong tanggapin ang sakit niyang 'to sa sitwasyon ngayon. Maybe because my brain accepted it noon pa lang, years ago, many years ago. Siguro, baka nga. Sana nga.
Inamo ko ang mukha niya, "Don't worry, kahit ano pa 'yan, hindi kita iiwan" Bulong ko rito, "Don't lose hope, my love. N– noong 2009, hindi ko sigurado, pero may kaso na ang b– babaeng may chronic leukemia ay nabuntis ang nanganak, twice, Mahal, 'wag kang mag-alala..." Bulong ko rito, pumiyok pa ang boses ko nang sabihin sa kaniya ang na kwento sa 'kin ni Jasmin noon.
"But that's once in a lifetime, Chad. Aasa pa ba tayo?" Tumulo ang luha nito, "Nasa zero na tayo, Chad. Sasadsad pa ba natin?" Her voice cracked, "Mahirap akong mahalin, Chad, sa lagay kong 'to—"
"Walang mahirap kung para sa 'yo" Pag putol ko sa mga sasabihin pa nito, "Mahal kita, eh. Hayaan mo naman akong manatili para sa 'yo, hayaan mo naman akong alagaan ka, oh" Inayos ko ang mga buhok na naka harang sa mukha niya habang sinasabi ang mga salitang 'yon, "Hayaan mo na 'ko, hayaan mo 'kong tabihan ka..." Muli ay bulong ko, "Dito lang ako, ayaw mo man o gusto"
Ang kaninang malungkot niyang mukha ay unti unting naka tulog dahil na naman sa pag iyak. Ang mahal ko, umiiyak na naman. Ito na siguro ang pinaka masakit sa lahat, ang makitang lumuluha na naman siya matapos ang mga taong puro ngiti ang naka ukit sa mukha niya.
"Lalaban tayo, Mahal..." I whispered, "Ilalaban kita"
Lumipas ang mga araw, naging mahirap naman ang hawak ko sa kaso. Naka pasok nga 'ko sa Government, hindi ko naman maka usap ang mga dating na-biktima nila Kuya at Uncle. Si Ayi, tulad ng iba, hindi ko rin ma-pag salita dahil takot sila. Takot pa rin sila. Gaano ba ka-lala ang ginawa sa kanila ni Reed?
"Call me when you're free" Sagot ko sa babaeng katapat ko. She's Dali, she knows about Cassian, issue pa ni Ate Celeste. Sadly, Dali isn't free to talk today, busy daw siya kaya sa susunod na araw na lang.
"I'll be giving you some names, Attorney. Hindi ko alam kung puwede 'to, but search for these people, marami silang matutulong sa 'yo..." Then, she ended the call. Hindi lumipas ang oras nang mag send siya sa 'kin ng mga pangalan.
Rheena F. Genovio . I know her, of course, she's one of Reed's victim. Hindi ko pa lamang siya nakakausap dahil masyado pa siyang busy sa projects nila ni Ayi, siguro sa susunod na lang. But atleast, I know she can help.
Elsie C. Vendyol. Kumunot ang noo ko, her name sounds familiar, maybe in some magazines? Siguro? Hindi ko alam? But I know this name, is she a model? Artist? Ah, hindi ko maalala!
I opened my laptop and searched for the name. Bingo!
Elsie C. Vendyol
— FBX ENTERTAINMENT ARTIST
— 28 YEARS OLD
'Yon lang ang information?! Just the age and the name of entertainment where she's working?! Isinara ko agad ang laptop ko because of frustration, this is bullshit, I need information or atleast her email to contact her! Nang subukan ko i-search sa facebook ay email naman ng entertainment ang mayroon. Huminga akong malalim, puwede na siguro 'to.
To: fbxinq@gmail.com
Good day, FBX ENTERTAINMENT. I am Attorney Chad Anderson Tatiana Montecristo.
Your artist, who named Elsie C. Vendyol, can help me solve one of my cases, may I know her personal email so that I can talk to her personally?
,
Attorney. Montecristo.Huminga na 'ko. Sana ay pumayag sila. Sunod kong hinanap ang iba pang pangalan. Lya, Siena, Berlin, Mapuie, Valle, Nastiv, Vena, Rovi, Sety at Iba. Marami rin pala, puta, mabuti pala't hindi ko kadugo ang Reed at Cassian na 'to, isusuka ko sila.
[This is Rovivielle Minesota, who's this?] Mataray na sagot ng isang babae nang tawagan ko ang numerong mayroon sa calling card na nakita ko, she's a flower shop owner. [Is this even important?!]
"I am Attorney Montecristo—"
[Fuck?!] Putol nito agad na ikinagulat ko, [Puta, ano na naman ba ang kaylangan ng mga Montecristo sa akin?! What now, Attorney? What fucking now?!] Sunod-sunod nitong sabi habang sumisigaw, [Ilang taon na! Who's this?! Reed? Cassian? Who the—]
"Chad." Madiin kong sagot dito, "I am a lawyer, watch your words" huminga muna akong malalim bago mag salita ulit, "I will not do anything to you, Ma'am. Sabi ko nga, isa akong Abogado, and my wife filed a case to Reed, tiyuhin ko naman ang nag sampa ng kaso kay Cassian. Someone told me that you can help me, can you?"
Mahabang katahimikan ang sumalubong sa 'kin. Plano ko na sanang patayin ang tawag nang mag salita ito.
[I can help you. What's your address?] Matalim ang boses nitong sagot.
end
BINABASA MO ANG
THE MONTECRISTO (ON GOING)
NonfiksiChad Montecristo, A law student sa Xavier University sa Cagayan De Oro City who wants a simple life. But because of his surname, he cannot have that. A Montecristo. Gusto lang niyang makamit ang hustiya for all the women that his brother and uncle...