KABANATA 1

5 2 0
                                    


⊹ ࣪ ﹏𓊝﹏𓂁﹏⊹ ࣪ ˖



"Have you heard about the girl who named Amoricia Yvi Istrella G. Madrigal?" Ace smirked, "Ganda, Bro. Nakita ko sa club kagabi with her friends"

I just gave him a look before going back to my readings. May recitation pa kami mamaya pero itong si Ace, chismis at babae ang inuuna.

"Huwag ka na mag aral kasi! Nakaka pressure ka naman maging kaibigan!" Reklamo nito, "Hay, nako! Sige na!"

Umupo ito sa tabi ko at inilabas ang libro niya pero hindi naman siya nag review. Nag cellphone lang 'to tapos ay kinukulit ako.

"Pare, ito si Amoricia..." Muling bulong nito sa akin sabay pakita sa isang picture ng babae. "Sikat, pare. Five hundred likes sa profile, sana all."

I just laughed at him. "Block mate natin 'yan, ah?" Sabi ko rito na halatang ikinagulat niya. "Sila 'yong nag iisang engineering dito. Sila 'yong nasunugan ng building kaya 'yon, pakalat kalat ang Civil Engineering. May nasa Educ, may nasa Pol Sci at marami pang iba." Pag kwento ko. Tinignan ko naman ang picture noong Amoricia and yes, she looks good. Morena, medyo maliit, hindi gaanong payat and her forehead is shining. Damn. She actually looks good.

"How old is she?" Tanong ko kay Ace, "Liligawan mo ba? 'Di kayo bagay." Dagdag ko pa rito. Ikinatawa naman 'yon ni Ace kaya pabirong sinuntok ang braso ko.

"Luh, pauso. Mas gusto ko 'yong bestfriend niya, si Bryana. Kaso mas matanda sa akin kaya 'di ako papatulan no'n." Ngumuso ito at tumingin sa akin, "Pre..." Mabagal nitong saad, nakunot naman ang noo ko, "Tayo na lang kaya?"

I chuckled. Kalokohan ng gagong 'to. Bumalik na lang ako sa pagbabasa pero pucha, that face of Amoricia keeps showing up! Pati sa libro ko!

"Recite Article Six of Legislative Department Section One..."

Para akong nabingi sa sinabi na iyon ng professor ko. I gulped. Hindi ko 'to na review, ah?!

"The legislative power shall be vested in the Congress of the Philippines which shall consist of a Senate and a house of Representatives, except to the extent reserve to the people by the provition, uhm..." Tumingala pa 'ko para alalahanin ang iba. Pucha, patapos na, eh! " Uhm... On initiative and refendum" I smiled. Tapos! Basic naman.

Pina-upo na 'ko ng Prof ko at sinunod na si Ace. Naka sagot naman kami pareho kaya nang mag lunch kami ay puwede na kaming mag daldalan.

"What's her full name again?" I asked Ace. Kita ko na naman kasing nag s-scroll siya sa profile noong Amoricia.

"Amoricia Yvi Istrella G. Madrigal, nineteen pa lang 'to pero independent, ay 'di pala gaano kasi 'di pa niya kaya matulog mag isa kaya katabi niya raw palagi si Bernadette, iyong kaibigan niya sa dorm. And kapag weekend, nandoon siya kila Rheena, kaibigan niya rin, iyon 'yong mga madalas niyang kasama sa bar-"

"Full name lang tinanong ko, hindi talang-buhay." Pag putol ko rito. Hindi raw interesado, eh, 'no? Pero pati katabi sa pag tulog, kilala! "Pero, sige. Continue."

He smiled, "'Yon nga. November seven ang birthday, 'di raw siya mahilig sa gifts at takot sa commitment, Bro. Mahilig siyang mag drawing at hanggang ngayon nag tataka kung bakit engineering at hindi architecture ang course na kinuha niya..." Huminga ito ng malalim. "About her family background, hindi raw maganda ang samahan nila ng mga magulang niya dahil ewan ko, 'di naman ako chismoso. Pero 'yon, 'yon na lahat ng alam ko tungkol sa kaniya."

I nodded before checking Amoricia's Facebook. Nahanap ko rin ang Instagram niya kaya agad ko 'yong finollow. Lunch break din ba ng Civil Engineering ngayon? Kasi na follow back niya agad ako!

"Pare, mutual ba kayo sa insta?" Tanong ko kay Ace habang naka ngisi. Umiling naman ito, "Kami kasi oo..."

Agad akong tinaasan ng kilay nito sabay pabirong suntok sa braso ko. "Gago ka! Last week pa kaya ako nag friend request pati follow request diyan, ah! Bakit nauna ka pa?!"

I smirked before sending Amoricia a dm. Bahagya akong nagulat nang ma seen niya agad 'yon!

"Daya mo, Pre. Pero okay lang, sige, malayo naman 'to sa atay..." Ngumuso pa si Ace, "Be happy, ha? Tatandaan ko 'tong araw na 'to"

Tumawa na lang ako rito bago mag focus sa conversation namin ni Amoricia. Her name sounds so old but her face? So baby.





@ayimads_
-ha?

I smirked when she replied 'ha' on my message 'tao po'. Ang corny, tangina. Ano ba 'tong pinasok ko?!

@chadsonems
-hi, my name is Chad. Is Ayi your nickname?

I bit my lower lip while waiting for her reply. Nang makitang typing siya ay agad, I let out a small chuckle when she replied.

@ayimads_
-ah, oo. Ikaw 'yong kaibigan ni Ace 'di ba? Pogi no'n.

Pucha naman.

@chadsonems
-'di 'yon naliligo tsaka taken 'yon gagi, taken pero siya lang nakakaalam. Crush no'n 'yong kaibigan mo, si Bryana raw po.

@chadsonems
-sabi niya ako na lang daw, available ako 24/7. Chad na lang, Pol Sci fourth year, 'wag mo na itanong surname ko, palitan ko 'yon soon. 'Di rin bagay sa 'yo 'yon pag naging tayo na.

I cringed. Pero sinend ko pa rin 'yon dahil gusto ko siyang makausap. Mukhang break time din nila kaya tuloy tuloy ang usap naming dalawa.

@ayimads_
-corny mo gagi, kulang ka ba sa tulog, pre?

I breathe in and out. This is my first time chatting with a girl kaya hindi ko alam kung nakakakilig ba o corny. I gulped before bitting my lower lip then type a reply.

@chadsonems
-pre, eh, no. sakit mo naman. Pero ok lang, next time naman 'love' na 'yan. °_^







———

Days went smoothly, nagkaroon kami ng surprise exam at surprisingly, naka pasa ako ro'n. Nasa remedial room si Ace ngayon at hinihintay ko rito sa waiting area, sa may ilalim ng puno.

"Hi!"

Agad akong napalingon nang makarinig ako ng pag tawag sa akin. I looked back and there I saw Amoricia smiling at me. Mukhang bagong gupit siya ngayon dahil ang hanggang beywang nyang buhok ay hanggang balikat na lang ngayon. And, oh, her hair is brown now.

"Ang ganda mo." Pag puri ko rito, pansin ko naman ang agad niyang pamumula, "Seriously, you look gorgeous everyday, but today hits hard, sobrang ganda mo."

She bit her lower lip kaya lalo akong napangiti. Wala pa siyang sinasabi, natutuwa na 'ko sa kaniya. I can stare at her whole day, sakto ang kulay ng buhok niya sa kulay ng mga mata niya. They're all brown, bagay sa kaniya dahil medyo maputi siya.

"Kapag ako, Chad, nalusaw..." Biglang sambit nito kaya lalo akong napa ngiti.

Oh, fuck. Her voice sounds so angel!

"What did you do to me? Parang kahit pag hinga mo, kinikilig ako?" I giggled.






-ˋˏ✄┈┈┈┈

THE MONTECRISTO (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon