⊹ ࣪ ﹏𓊝﹏𓂁﹏⊹ ࣪ ˖I sighed deeply as I stared at Amoricia. Narito ako sa third floor at siya naman ay nasa baba, may sinusukat siyang kung ano, 'di ako interesado. Ang ganda niya lang pagmasdan habang naiinis sa kasama niyang lalaki.
"Titig na titig, boss." Boses 'yon ni Ace, "Kita ko kayo nakaraan do'n sa waiting area sa tapat ng remedial room, ha!"
I arched a brow, "Eh, ano naman sa 'yo?" Tanong ko rito habang naka titig pa rin doon sa lalaking kasama ni Ayi. I saw how sticky his looks are. "Kilala mo ba 'yong lalaki na 'yon?" Sabay turo ko ro'n.
Ngumuso si Ace bago tumango, "Ah, 'yan! Hindi nila 'yan kaklase kasi taga Educ 'yan, kaklase ni Kuya mo." Sagot nito, tumango naman ako.
I want to help her carry all that stuff pero mukhang ayaw naman niya ng katulong. Naka-angat pa nga ang mga kilay nito at halatang naiinis na. Maya-maya pa'y biglang niyang inilapag pahagis ang mga gamit niya habang nakatingin do'n sa lalaking kanina pa bumubuntot sa kaniya.
"Fuck, Ace. Let's go there, naiirita ako sa lalaking 'yon..." Tumakbo na 'ko agad pababa sa ground upang maabutan si Amoricia. Agad naman akong lumapit sa kaniya nang makababa ako.
"What the fuck are you telling her?" Seryosong tanong ko sa lalaki, "Why can't you just leave her alone?"
The man smirked, "Pare, kaibigan ko Kuya mo. I'm just inviting Ayi to our party, pero mukhang nag papakipot pa-"
"Tanginang utak 'yan, Antonio. Pag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko!" Amoricia gritted her teeth. "Wala na bang space 'yang ulo mo para intindihin ang pag tanggi ko?!"
I smirked secretly. Oh, yes. That's my girl.
"Pero, Ayi! Big party 'yon! Pag umattend ka, ako na mag babayad ng hospital bills ng kapatid mo..." Agarang sagot nitong Antonio. Napa tingin naman ako kay Ayi na biglang lumambot ang mukha.
Pero umiling siyang muli. "No, alam kong hindi party 'yon. Tigilan niyo 'ko dahil hinding hindi ako sasama sa 'yo o sa kahit kaninong kaibigan mo o ni Reed. Tigilan niyo na 'ko, puwede ba?!" Then, she looked at me, "I already have a boyfriend. Respect us."
Hinatak ako nito palayo sa puwesto kung nasaan ang lalaki. Sinenyasan ko na lang si Ace na damputin ang mga nalaglag na gamit ni Amoricia kanina.
———
Ngayon ay narito kami sa garden, may benches kasi rito kaya dito niya napiling tumambay. May event ngayon kaya wala masyadong teacher at dahil do'n, wala na kaming klase.
"Let's get to know each other." She suggested. "Kapag tinanong kita, sasagutin mo 'ko, okay?"
I nodded and smiled at her. "Okay, go ask. After mo, ako naman ang mag tatanong sa 'yo, okay?"
Tumango rin ito at sinimulan na ang pag tatanong.
"You are Reed's brother?" Unang tanong niya, tumango naman ako. "A Montecristo?"
"Like what I've told you before, I hate having that surname. Once I get the money, I will change it into Tatiana, my uncle's surname. He's like a second Dad to me so... yeah." Sagot ko rito. Detailed 'yon para wala na siyang sub questions about that surname because that really disgust me.
BINABASA MO ANG
THE MONTECRISTO (ON GOING)
No FicciónChad Montecristo, A law student sa Xavier University sa Cagayan De Oro City who wants a simple life. But because of his surname, he cannot have that. A Montecristo. Gusto lang niyang makamit ang hustiya for all the women that his brother and uncle...