KABANATA 25

0 0 0
                                    

-&-

My younger self will be proud of me if she'll see me standing here, in Manila. Somehow far from where we've been, far from everyone who hurt us, far from fear, sadness, tears and pain. We are now far from everything.

"Engineering po ang kurso ko." Sagot ko sa matandang babae na landlord namin dito sa dormitory, "First year pa lang po ako. Galing din po ako sa Cavite, 'di rin po gaanong malayo." Sabay ngiti ko. Umalis na rin ang babae matapos kong sabihin ang mga 'yon.

Solo ang kwarto ngayon, okay, tahimik. But the only problem is, where will I get money to survive? Para may mai-padala? So that my Mama and Papa won't hurt my siblings tuwing nagugutom sila? Noong nandoon ako, hindi ko makita ang punto ng buhay. Pero ngayon na nasa tahimik ako't malayo sa mga kapatid ko, naiisip ko na kaylangan ko ang buhay ko para kayanin din nila. I must be a good example to them, hindi ako dapat sumuko dahil ate nila 'ko. Kung walang lakas ang dalawang magulang, sa panganay dapat ay mayroon. 'Yon... ang buhay na kinalakihan ko.

Living in hell is an advantage for me. Kaya kong tiisin ang mga bagay na 'di kaya ng mga lumaking may gintong kutsara sa bunganga. Kaya ko pag hirapan bago makuha ang mga bagay na gusto ko, at higit doon, kaya kong makampante sa katiting na nasa bulsa ko. Pero ngayon, walang nasa bulsa, eh.

"Ouch!" Reklamo ng babaeng nabangga ko, "What the fuck?!" Mataray nitong tingin sa 'kin kaya napa atras ako sa takot. I'm not used to this, nakikipag away ako, oo, pero hindi ko kayang makipag away sa taong ako naman ay nagkaroon ng kasalanan.

"Sorry po, linisin ko nalang-"

"My bag! Do you know how much does this cost?!" Sigaw nito sa 'kin kaya nag simula na ang ibang tao tumitig sa gawi namin, "This is more worth it than your life!" Dagdag pa niya. Yumuko na lamang ako dahil sa sobrang kahihiyan, "Can you pay for the damage? Huh? Hindi naman, eh? Right? A woman like you doesn't belong-"

"Ang ingay mo, tangina."

Napa angat ako ng tingin dahil sa narinig kong boses ng babae na nag mura. A morena woman, naka tayo siya sa harap ko at sa tabi niya ay may miztisa, hindi gaanong matangkad 'yon mistiza, pero 'yong morena ay oo, hindi ko makita ang mukha dahil nga naka talikod. Pero mga naka school uniform sila. San Diemendez.

"Excuse me?! Minura mo ba 'ko?" Maarteng sigaw ng babae, "Don't you know me? Sa bagay, ages like you do not know a famous-"

"Pake namin kung sino ka." Pag putol ni Ateng maputi, "Your name is nothing for me, mababayaran ba niyan ang bills ko sa kuryente?" Then she chuckled, "Ano 'yang bag mo? Louis Vuitton? Sumama ka sa 'kin at papalitan ko, kahit mas mahal pa sa buhay mo ang ipalit ko, kaya kong gawin, eh. Pero may kapalit." Seryoso ang boses nito. Agad akong napaayos ng tayo nang humarap ang maputing babae sa 'kin, ngumiti pa! "Lapit ka rito."

Ganoon ang ginawa ko. Lumapit ako at gumitna sa kanila ni morena girl, naka harap ako sa babaeng maarte kaya parang nainis ako. Bakit ba 'ko yumuko kanina? Natapunan ko lang siya ng kape pero bigla niya 'kong minaliit! Woman must help woman! Hindi ka babae kung nang mamaliit ka ng kapwa mo!

"Oh, really?" Lumambot ang boses ng babaeng mataray dahil sa tanong ni Ateng Maputi kanina. "I'll go with you!" Excited itong tumili.

Ate Puti chuckled, "You cannot get everything without a consequence, darling." Sabay harap nito sa 'kin, "Sampalin mo siya, kung ilang salita ang sinabi niya sa 'yo, ganoon karaming beses mo ilalapat ang kamay mo sa mukha niya." Utos nito sa 'kin, napa lunok naman ako habang ang babaeng maarte ang umangal, "Louis Vuitton bag lang 'yan! Pero ang ginawa mo sa batang 'to, sobra sobra! Masaya ka ba tuwing may taong yumuyuko dahil sa kahihiyan? If yes, then fuck you!"

THE MONTECRISTO (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon