KABANATA 4

4 2 0
                                    

———


Nagising ako nang maramdaman kong may mabigat sa braso ko. Hindi ko na kaylangan buksan ang mata ko para malaman kung ano 'yon.

Amoricia.

She looks good. It feels so good waking up before her. Ang ganda ng eyelashes niya, ang ilong niya, sakto lang, ang pisngi niya, sakto lang sa mukha niya. She's perfect. She's so gorgeous.

I'll be the luckiest guy kung sasagutin niya 'ko balang araw. But if not, I am still lucky to be part, atleast once, naging parte ako ng buhay niya.

"Your eyelids are moving..." Bulong ko nang mapansin ang pag galaw ng mata niya. Huminga siya ng malalim bago dumilat at tumingala para makita ako.

Ngayon ko lang napansin na sa sahig ng sala pala kami nakatulog. Mabuti at medyo malambot ang pang sapin ko rito!

"My back..." Bulong ni Amoricia, "It hurts..."

Dahan-dahan ko siyang tinayo at binuhat papunta sa kama, inaantok pa raw siya, plano ko na sana mag luto pero hinatak niya 'ko patabi sa kaniya bago yakapin ng mahigpit.

"Dito ka muna," Mahinang tugon nito bago ilapit ang mukha niya sa leeg ko. Fuck. "Uhm, uuwi rin ako mamaya."

I swallowed hard, "A- Amoricia... distance..." I took a deep breath. Good God, sumunod naman siya sa utos ko.

"I'm sorry, did I give you... you know?" Naka pikit nitong sabi. What the fuck?!

"Come on, don't talk like that. Matulog-"

"You're- unbelievable. I was just testing you, human." Mahina itong tumawa. "Kung ikaw ang mapapangasawa ko, baka ako pa ang mag demand ng honeymoon..."

Goodness, this woman. As much as I do not want to expect something more for us, hindi ko mapigilan! She's giving me hopes and I cannot deny na umaasa ako sa mga 'yon. Damn!

"Shhh," pinatahimik ko na ito, "Matulog ka na, tatabihan kita."

She pouted, "Ayaw mo ba 'ko pakasalan, Chad?" She sniffed in my chest, "Ayaw mo ba sa 'kin?"

Agad akong umiling dahil doon. Nang tignan ko siya ay... umiiyak ba siya?

"Hey, don't cry. Come on, Amoricia..." I sighed, "Sa totoo lang, ayaw ko ngang maging ganito kalapit sa 'yo, eh. Pero kapag humiling ka, isang tingin mo lang, susundin agad kita."

"Kahit sabihin kong layuan mo ako?"

Bahagya akong napahinto dahil doon. "Bakit mo naman hihilingin 'yan?"

"I have a lot of men- numerous-"

I chuckled, "You're lying, shut up." Inayos ko ang buhok niya. Tiwala akong hindi marami ang lalaki niya dahil kitang kita ko kung paano siya mag taray sa lahat ng nakakasama o nakaka salubong niya.

"Huwag ka ngang mag tiwala sa akin, Chad!"

"Felt sad for you. Hindi ko na magagawang alisin ang tiwala ko sa 'yo..." Ngumiti ako rito, "Kaya kung hihilingin mong iwan kita, huwag ka na mag sayang ng laway dahil hindi ko 'yon magagawa."

Ini-ikot niya ang mga mata niya. Funny. "Pero... totoo?" Pag tatanong nito habang naka talikod sa akin, "Kahit anong sabihin ko, Chad?"

"As long as that will make you safe and happy..." I answered.

"Kapag... kapag ba hiniling ko na... na lumayo tayo sa k- kapatid mo..." Huminga muna ito ng malalim, "Sasamahan mo ba 'ko?"

I took a deep breath before playing with her hair. Ayaw kong isipin niya si Reed sa ngayon dahil mukhang malaki ang nagawa sa kaniya ng kapatid ko. And whatever that thing is, sigurado akong hindi maganda 'yon.

THE MONTECRISTO (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon