KABANATA 17

2 1 0
                                    

———

TW: Self-harm

Tiredness is all what I feel. Pag uwi ko sa bahay ay na abutan kong tulog si Ayi sa sofa. Mukhang pagod na pagod din siya, pansin ko ang kaldero sa kalan kaya alam kong nag luto na siya.

"I'm home..." Mahina kong bulong sa sarili dahil 'yon na ang naka sanayan ko.

Ilang araw na lang, mag p– pasko na. Wala manlang ka dise- disenyo ang bahay dahil pareho kaming busy. Siya sa trabaho, ako naman ay sa pag aaral. As much as I want to stay home, hindi ko kaya. Two days pa ang klase ko, two days na lang.

Minsan nga, naiisip ko na baka nakakaabala kay Ayi ang bahay na pinagawa ko. Hindi niya alam na ako ang pinag tatrabahuan niya, ang alam niya lang ay nasa ibang bansa ang may ari no'n.

Habang tinititigan siya, gusto kong umiyak. She's still fighting, she's still in her medication. Hindi ko na alam ang gagawin ko, nakaraan ay sinabi sa 'kin ni Celeste na may kaso si Reed sa italya, noong isang araw naman ay pinuntahan ni Cassian si Uncle Castien. Hindi ko na nakakausap si Uncle, ang alam ko lang ay may tama siya ng baril sa katawan dahil nalaman ni Cassian na planong sundan ni Uncle si Celeste sa ibang bansa.

Naguguluhan ako sa buhay na naka paloob sa apilyedong mayroon ako. People usually get insecure because they only see the plastic side of this surname. Helping people kunyari, but when the camera shuts off, they will be an evil once more.

Napa-hinto ako nang gumalaw si Ayi. Hindi naman siya dumilat kaya napa ngiti lang ako bago siya iwan doon at ihanda ang sarili kong pagkain.

Sumasarap na ang luto niya unti unti. Natututo na siyang mabuhay mag isa kahit wala ako. Nakakatuwa, nabubuo na siya unti unti. Ilang taon na rin niyang hindi sinusugatan ang sarili niya, masaya ako para ro'n. Pero... natatakot pa rin ako.

Na agaw ng cellphone ko ang aking atensyon nang tumunog 'to. Nag text pala ang kaklase ko, si Celine.

celine — cm l.school:

Good eve, Chad. Naiwan mo ang labor code w comments and cases book mo. Since mag kapitbahay lang naman tayo, ihatid ko na lang, ok?

Oo nga, wala nga 'kong dalang libro pa uwi ko. Dala na rin siguro ng sobrang pagod o ano. Tinapos ko muna ang pagkain bago hinugasan ang kainan. Hinintay ko si Celine sa labas dahil ilang bahay lang naman ang pagitan namin, delikado na rin dahil gabi na.

"Ito, oh" abot nito. Sinalubong ko pa siya dahil nga gabi na. "Uh, kausap ko si Madam kanina. Ang sabi niya, kapag daw hindi mo inayos, baka mawala ka sa honors."

Natawa ako dahil doon, "Ayos lang 'yon, Celine. Habol ko lang naman ay makatapos, so what if I graduated without honor. Atleast, nagawa ko ang best ko for my studies, and also na alagaan ko ang girlfriend ko."

Nginitian ako ni Celine. "Swerte ni Engineer sa 'yo, Attorney! When is the wedding pala?"

Napayuko ako. Kasal... kasal kasal kasal. Ang gusto ni Ayi ay pag tapos ko ng law school, eh, paano kung mag bago isip niya? Baka nasabi niya lang 'yon dahil... dahil sa emosyon.

"After law school or after I passed the BAR. How about you?" Tanong ko rito, knowing that she's engaged too, "When is the wedding?"

"I am not sure, Chad." Matipid itong ngumiti, "Pero the wedding is sure, the date isn't. Sige na," sumilay muli ang ngiti nito, "Uuwi na 'ko! Gabi na, magalit pa anak ko!"

Tumawa lang ako rito bago siya tanawin na lumalakad pa uwi. Tinanaw ko na lang siya, tanaw naman dito ang pinto ng bahay nila. Para lang sure akong safe siyang maka uwi.

Pag pasok ko sa bahay ay halos tawagin ko na ang lahat ng santo nang makitang gising si Ayi at masama ang tingin sa akin.

"Who's that girl?" Walang buhay ang boses nito at ang tingin niya ay nakaka takot.

"My classmate, Ayi—"

"Gabing gabi na, Chad. Bakit ngayon ka lang?" Bakas ang pag dududa sa boses niya, "Kasama mo ba siya the whole day? Palusot lang ba na may klase ka kaya ka umalis sa site? Tell me, Chad! Are you cheating?!"

Agad-agad akong umiling dito. Kinuha ko ang kamay niya bago hinalikan iyon pero binawi niya 'to bago ko pa man magawa.

"Inabot n– niya lang 'tong libro ko," paliwanag ko rito, "I promise, my love. Inabot lang niya ang libro ko na 'to dahil naiwan ko—"

"But you're laughing and smiling with her!" Galit nitong sigaw, "Okay lang naman sa 'kin... Chad. P– pero huwag ko naman na sanang makita... k– kasi hindi ko kayang tanggapin..."

"No, baby. Mali ka. You're wrong, please listen to me first..." My face softened, "You're irreplaceable, woman. Sa 'yo na lang umiikot at iikot ang mundo ko, hinding hindi kita kayang lokohin"

She started crying. Lalo akong natatakot, umiiyak na naman siya at ngayon... ako pa ang dahilan. Paano na ba 'to... hindi ko na naman alam, para na naman akong nawawala.

"It's okay for me, okay lang ako. It's good for you to look for someone already... anytime soon... m– mawawala rin naman—"

"Shhh. Mali ang naiisip mo, Mahal ko. May pamilya na si Celine... may anak, may asawa..." I forced a smile, "She's a friend, Amoricia. She's a friend of us"

"I don't even know her!"

"But she knows about you..." I whispered, "I promise, totoo 'to. Ikaw lang talaga ang babaeng kinakausap ko palagi, except sa professors, classmates na kaylangan lang kausapin and family related people—"

"Okay, sige na. Naniniwala na 'ko..." Ngumiti ito, "I'm sorry. Akala ko kasi... ang akala ko kasi... dahil may sakit ako."

She stopped talking for a while. Diretso siyang pumunta sa kwarto naming dalawa at doon nag kulong. Hindi ko mabuksan ang pinto kaya lalo akong nag-alala.

"Ayi, open this!" Halos pasigaw kong tawag dito, wala kasi sa akin ang susi! "Amoricia, what's our problem? Tell me, buksan mo 'to, pakiusap!"

But she didn't answer me at all. Sinubukan kong sipain at itulak ang pinto pero mukhang may hinarap siya rito. "Ayi, please naman. Huwag mo 'kong takutin..."

"I don't deserve you!"

Napa-hinto akong muli nang isigaw niya sa 'kin 'yon. "Amoricia, is this about Celine?"

"No! It's about us, Chad! N– natatakot na 'ko! Natatakot na 'kong iwan ka! Nakaka takot, na baka kung kelan gusto ko na ngang lumaban, doon naman humina ang katawan ko!" Her voice broke, "P– please... please, Chad. Please naman, oh... a... aray!"

Wala na 'kong pakealam sa harang. Buong lakas kong tinulak ang lahat ng harang sa pintong 'yon, pero lahat ng lakas ko ay agad nawala nang makita ko na naman... 'yon.

"A– Ayi!"

Bloods.

"Mahal, Ayi! Amoricia! N– nakikita mo ba 'ko?!" Tinatapik ko nang marahan ang mukha nito upang gising, "Ayi, please respond!" But there's no response at all.

My legs are trembling. Nanginginig ang kamay ko habang tinitignan kung may pulso ang bandang leeg niya ngunit... wala.





end

THE MONTECRISTO (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon