———
"'Yong mga pagkain, Chad parating na ata!"Aligaga si Ayi, kaya ako rin. Parating na si Mayor, kasabay pa ata ng mga pagkain. Plano ko sana, eh, naka handa na ang pagkain bago dumating si Mayor. Ayos naman na ang likod namin kung saan ko plano isagawa ang kasal namin, nalagyan ko na ng lamesa, upuan, puting tela, mga bulaklak at pailaw. Fairy light lang ang nabili ko pero marami naman kaya kahit papaano ay maliwanag. May ilaw naman sa likod namin kaya mababasa ni Mayor ang mga dapat niyang basahin.
Napahinto ako sa pag iisip nang marinig ko ang doorbell. Sana pagkain 'to, pakiusap, please!!
Pinuntahan ko agad 'yon at ganoon na lang ang maluwag kong paghinga nang makitang ang food delivery 'yon. Hay, salamat, ang lakas ko talaga kay God.
"Honey, ang dami naman ata nito?" Tanong sa 'kin ni Ayi habang nilalatag ang pagkain.
"Oo, okay lang 'yan, ako uubos." Sagot ko rito, kabado na. Paano kaya kung humindi siya? Paano kung biro lang palang gusto na niya? Para 'kong naiihi sa kaba at takot, paano kung matapos ang gabing 'to, matapos na rin kami? "Ayi, mahal mo naman ako, 'di ba?" Agarang tanong ko sa kanya.
Her forehead creased, "Of course! Bakit mo naman na tanong?" Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko, "Are you overthinking, love?"
Tumango ako. Bakit ako iiling, eh, totoo namang nag o- overthink ako. Ayaw ko namang mag sinungaling dahil siya, kahit kailan ay 'di ginawa 'yon.
"Kasi..." Kumamot ako sa ulo, "Ah! Aamin na 'ko!" Kumunot ang noo niya, "Tonight, Mayor Louis will come, kaya marami akong in-order na food. Ah... ahm... Mahal, kasi... I planned to surprise you a wedding, just us two. N-Nahihiya kasi ako sa m-mga kaibigan mo... na hindi kita kayang dalahin sa simbahan -"
"Shut up." Madiin nitong saad kaya napahinto ako. Seryoso ang mukha niya kaya lalo akong kinabahan. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Chad? "
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil doon. Nanghihina ang mga tuhod ko at parang maya-maya lamang ay bibigay na. Ano ba... paano ba 'to?
"A- ah, sorry, Ayi. 'Wag ka magalit..." Pumiyok pa, "I'm sorry... t- tatawagan ko na lang si M- mayor, ipapa cancel ko na lang, Ayi, huwag ka magalit pakiusap..."
But she stilled. Hindi siya kumibo at parang nagsisisi ang mga mata niya. Oh, Lord. Ano po ba 'to? Mali ba 'ko? Kinakain ako ng kaba! Gusto ko siyang suyuin pero hindi ko magawa. My feet are glued on the floor! Naninigas ang buong katawan ko at parang wala akong boses. Parang tinatakasan ako ng lakas ko, hindi ko makilala ang sarili ko, tangina, baka iwan niya 'ko? B-Baka. Hindi ko 'yon kakayanin, panigurado. Ano ba... ano ba ang gagawin ko.
"Chad, are you thinking?" Umiling ito, "Sorry to say this, ha? Pero ano sa tingin mo ang sinasabi mo? Chad, kahit anong kasal pa 'yan, basta ikaw, wala akong pake sa sasabihin ng iba..." Lumambot ang mukha nito kaya ganoon din ako, ang mga hinahawakan kong luha, bumuhos na, "Ikaw naman, eh. G-Ginugulat mo 'ko! Ano? Nasaan ba si Mayor? Gusto ko na magamit ang apilyedo mo!"
Sakto namang may nag doorbell. Si Mayor na nga 'yon. Pinunasan ko muna ang luha ko, I gave Ayi a fast but deep kiss before opening the door. I saw how Ayi's face reddened because of what I did. Kahit ako, nagulat. Hindi ko alam na kaya ko pala gumanoon? She's my first kiss... saan ko ba natutunan ang ganoon? Kakaiba 'yon, eh.
"I b-bought you a white dress, nasa kwarto natin. Wear that, together with the hair dress-" napahinto ako nang tumango siya agad at tumakbo papunta sa kwarto namin.
"Ah, Mayor. Kain ka po muna?" Umiling ito, "Sorry, ah? Eh, late ko na nasabi sa kaniya."
Mahina itong tumawa bago tapikin ang braso ko. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na Louis na lang? Kulit mo talaga. Pero, ano? Payag ba siya? Mukhang nagkaiyakan pa kayo, ah?"
Tumango ako ro'n. "Oo, eh. Kala ko kasi 'di siya payag. I was about to cancel it, but, thank God, she's just making me feel nervous. Tinakot lang pala 'ko, Louis. Mabuti na lang talaga, akala ko nga, eh, alak ang isasalubong ko sa pasko."
"Hindi 'yon, sigurado ako. She called me too, Chad." Ngumiti ito, "Pero ang plano niya, bukas pa, pagkagising mo. 'Di ko na rin sinabi sa 'yo o sa kaniya na iisa ako ng plano. So, yeah? Surprise to the both of you!" Masigla itong pumalakpak pero mahina lang.
"Para kang bata!" Pag bibiro ko rito, "Congrats nga pala, ah? You won the election! Kinabahan ako ro'n, akala ko trapo na naman ang uupo, eh?"
"Kinabahan din ako, pero tiwala rin naman ako sa mga tao." He smiled, "This city needs someone who will not betray their trust. Hindi lang naman ang bayan na 'to, kundi pati buong bansa natin. People will see who is the right one for this position. I'm glad that people chose me."
Totoo naman. Itong city namin na 'to, ilang taon na hinahawakan ng magka kamag-anak na politiko. Mag asawa, mag kapatid, mag pinsan, mag ina, mag ama at kung ano anong koneksyon pa. They have a lot of promises, pero pangako lang 'yon. What this city needs is someone who will really do things that will help everyone, hindi ang puro salita lang! We must really think twice or more than before shading our ballots.
"Oh, ito na pala si bride, eh!" Pag iiba niya ng usapan. Napalingon din ako.
'Di ko alam ang nangyari sa 'kin. Parang huminto ang lahat... ganito 'yon noon, noong nag HI siya sa 'kin habang hinihintay ko si Ace sa may remedial building. Ganitong ganito ang naramdam ko, parang walang ibang tao sa paligid, parang wala akong ibang makita bukod sa kaniya, bukod sa mukha niya.
"Bunganga mo, pasukan ng langaw 'yan."
Napaayos ako ng postura nang bulungan ako ni Louis, ngumiti rin ako sa babaeng nasa harap ko. She's a goddess.
"Ito naman, ang o.a mo, ha?" Natatawang sambit ni Ayi habang inaayos ang buhok niya, "Okay lang ba? Hindi ba panget?"
"Napaka... ganda mo" Totoo. Sobra sobra, "Puwede bang 'I do' na agad?" Natawa ito kaya ako na rin, "Mayor, sa likod po tayo."
"Kaya pala naka black and white ka, ah? Ang formal mo tonight..." Ayi smiled, "Ang gwapo mo. I can't wait to use your surname, Mahal!"
"Even though it's still Montecristo?" Tunango siya, "You love me that much?"
"Oo naman! Diyan kita nakilala at minahal, kaya ayos lang sa 'kin kung 'yan din ang gagamitin kong apilyedo pag dating ng araw" Matamis akong nginitian nito, "Ako nga, minahal mo 'ko despite all of my flaws."
She's flawless for me. Her wounds are like good tattoos for me, I can admire those wounds and marks forever. Kung sa tingin niya ay pangit ang mga sugat sa balat niya, para sa 'kin ay hindi, kasama ang mga 'yon sa minahal ko, buong pagka tao niya.
end
BINABASA MO ANG
THE MONTECRISTO (ON GOING)
Non-FictionChad Montecristo, A law student sa Xavier University sa Cagayan De Oro City who wants a simple life. But because of his surname, he cannot have that. A Montecristo. Gusto lang niyang makamit ang hustiya for all the women that his brother and uncle...