———
"Naks, Engineer na girlfriend niya!"
I smirked with that. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti tuwing binabati ako tungkol sa success ng girlfriend ko. Damn. I haven't felt this way before. Only her, only Ayi made me feel so inlove.
"Naks!" Sabat ni Basti, "Cool, pare! Engineer. Amoricia Yvi Istrella Madrigal Maximiliano— este, Tatiana na ba siya soon?" Nag aalangan pero tuloy na sabi nito.
Tatiana. Wala pa 'kong sapat na pera sa ngayon pero pag dating ng araw ay ipapa palit ko ang Tatiana sa pagiging apilyedo ko.
"I have plans..." Napa ngiti ako, "I'll marry her. But... the engagement... hindi ko alam kung paano ko sasabihin, eh"
"Eh?" Agad na reaksyon ni Basti, "Bro, two years plus BAR exam na lang, Abogado na tayo. Hindi na tiyak ang buhay natin, better to tell her how much you love her! Bakit, gaano mo ba siya ka mahal?"
I shrugged. "Sobra sobra, umaapaw. Hindi ko malaman kung gaano o kung paano ko 'yon susukatin..."
Mahinang tumawa si Ace, "How about the engagement ring, meron na ba?" Tanong nito, umiling ako, "O! Paano ka mag p- propose kung wala kang engagement ring?!"
"Gago, pare. Iyong tirang pera kasi sa savings ko, pang tuition ko na lang..." Mahina kong sagot dito, "Tapos... plano ko sana ibenta 'yung condo—"
"Saan kayo titira ni Ayi?!" O.A nitong si Basti, nagulat pa 'ko.
"Bibili muna 'ko ng bahay namin. 7.5 million naman ang bili ko sa unit... so mabebenta ko 'yon ng 7 to 8 million dahil bago ang mga appliances..." Nag compute pa ako sa utak ko, "Oo, tama. 8 million, 'di na lugi"
Ace cleared his throat. "Ganito na lang, Boss. Bilihin mo na 'yong bahay tapos sa bahay ka mag propose... surprise, ganoon"
"Hindi ko nga kayang pag sabayin. Ang pera ko na nga lang—"
"Unahin mo proposal, boss!" Pag putol ni Basti sa mga sinasabi ko, "Atleast, sure na kayo na talaga, 'di ba?"
Binatukan naman siya ni Ace kaya natawa ako. Ayaw ko namang pakasalan si Ayi nang wala akong naipundar muna. Gusto ko sanang unahin ang bahay... o, kaya ay pag sabayin. Kaso kapos ako, pinutol ko na ang koneksyon ko sa pamilya ko, nakaka hiya naman humingi ng tulong kay Uncle Castien dahil mukhang may pinag dadaanan din siya. Ayaw ko na dumagdag.
Even Uncle Janus. College pa lang ay puro na 'ko pabor sa kaniya, nakaka hiya naman lumapit ulit tapos mas malaking halaga pa.
"Pero tumingin ka na ng engagement ring?" Pag tatanong ni Ace na bumasag sa pag iisip ko, "Magkano pinaka mahal na nakita mo?"
"Two million..." Mahina kong sagot dito, "Nag hanap na rin ako ng bahay, iyong ready na tirahan with gamit na. 'Di 'yon gaanong malaki, six million" bahagya akong napa hingang malalim, "Ano ba dapat kong unahin?!"
"Bilihin mo na 'yong engagement ring, ako na mag babayad..."
Agad napa angat ang tingin ko kay Ace nang sabihin niya 'yon. "Gago ka?" Gulat kong sabi rito, "Pero, kaka-gastos mo lang sa plane tickets mo?" Talking about him, buying all the tickets sa flight ni Bry, "Pare, 'di ka bangko, mauubusan ka."
BINABASA MO ANG
THE MONTECRISTO (ON GOING)
Non-FictionChad Montecristo, A law student sa Xavier University sa Cagayan De Oro City who wants a simple life. But because of his surname, he cannot have that. A Montecristo. Gusto lang niyang makamit ang hustiya for all the women that his brother and uncle...