KABANATA 8

1 0 0
                                    

———

Days went smoothly. Naging maayos ang mga araw namin sa new school kaso mas naging sakitin si Ayi. Minsan ay nilalagnat siya o 'di naman kaya ay sumusuka at nahihilo. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tuwing pinapa pasok niya 'ko ay puro pag aalala ang nasa isip ko.

[I'm fine, Chad. Binabasa ko naman 'tong books na iniwan mo so that pag pasok ko ay may masagot ako sa recit] Sagot nito sa akin nang tanungin ko kung kumusta na siya.

"Uuwi na 'ko, gusto mo ba?" Alok ko pero agad naman siyang humindi, "Anything you want? Pag uwi ko, dadalhan kita"

[Forgiveness...] Then, she ended the call.

Ngumiti lang ako. Siguro, ang tinutukoy niya ay pag papatawad sa mga magulang- sa mga magulang na kinikilala ko.

Iyon naman ang gagawin ko, pag tapos ng klase ay uuwi ako sa bahay namin at kukuhain ang mga gamit ko bago tuluyang ayusin ang mga bagay sa pagitan namin. Ayaw ko rin... ayaw kong may sana ako ng loob sa kanila.

"Pangit mo, iniwan mo 'ko sa school!" Bungad sa 'kin ni Ace nang puntahan niya 'ko rito sa bago kong pinapasukan.

Tinawanan ko naman siya. "Pasensya ka na, kaylangan lumipat ni Ayi" ngumiti ako rito, "Nakita mo ba siya sa bahay nang kunin mo 'tong laptop ko?"

Kumunot ang noo nito bago may ilabas sa bag niya at ini-abot sa akin.

"Ano na naman 'to, Ace? Andoon ba si Ayi?" Iritang tanong ko rito habang ini-inspeksyon ang maliit na leter envelope niyang binigay

"'Yon nga, eh. Wala si Ayi sa unit. Tapos nakita ko 'yang naka sabit sa doorknob... hindi ko alam..." Alanganin nitong sagot sa akin habang turo turo ang papel na hawak ko.

Agad ko naman 'tong binuksan upang malaman ang laman, hindi- imposible na aalis si Ayi nang hindi ko alam! Palagi siyang nag papaalam sa akin dahil... dahil ayaw niyang isipin ko na iiwan niya ako.











Chad,

I know, I've ruined a part in your life. Nakita ko kung gaano ka nahihirapan, tuwing madaling araw at sinisilip kita, nakikita kong umiiyak ka habang yakap yakap ang litrato niyong pamilya. Pasensya ka na kung masyado na 'kong sumosobra, nasira ko ang pamilya niyo, nasira ko ang kaligayahan mo. Imbis na lumalabas ka tuwing gabi at nag sasaya, 'yan ka at binabantayan ako dahil baka tangkain ko na namang tapusin ang buhay ko. Sinulat ko na lang, Chad, kasi kapag hiniling kong layuan mo 'ko, hindi mo gagawin, eh, 'di ba? Kaya umalis na lang ako. Sorry, mahal kita, sobra sobra. Don't worry, I'm safe, mag aaral ako, babagay ako sa 'yo. Mahal na mahal na mahal kita. Aayusin ko lang ang sarili ko, ok? Babalik ako, asahan mo 'yan.

Love,
Amoricia





I swallowed hard as I finish reading those words. Nilagay ko 'yon sa bulsa ko bago tumakbo palayo sa kung nasaan ang kaybigan ko. Pumunta agad ako sa parking area at kinuha ang sasakyan ko bago pinuntahan si Rheena sa dati naming school.

"P- pero hindi rin siya umuwi sa akin kagabi..." Inosenteng sagot sa 'kin ni Rheena nang tanungin ko siya, "Ano ang lagay niya bago siya umalis sa 'yo? Hindi ko ipag sasabi, huwag ka mag alala"

"She's my girlfriend. Okay naman kami, eh..." I breathe heavily, "Okay naman kami, eh. Tapos kinwento niya 'yong kay Reed, 'yon, ilang beses niyang sinubok tapusin buhay niya, eh. Natatakot ako, Rheena... p- paano kung ayaw na niya, paano k- kung hindi na siya bumalik sa 'kin?"

"Don't worry, she's... she's not like that. May isang salita 'yon, don't worry" she tapped my shoulder, "Babalik siya."

Umalis na 'ko nang mag simula ang klase ni Rheena. Sunod ko sanang pupuntahan si Uncle Castien pero kita kong kasama niya si Uncle Cassian, hindi na 'ko tumuloy dahil ayaw ko rin sa taong tinuturing na bestfriend ni Uncle Castien.

"Ayi, nasaan ka na ba?" Tanong ko sa kawalan nang biglang makakas na umulan, "Saan ba kita hahanapin?"

Pinarada ko muna ang sasakyan sa isang gilid sa tabi ng kainan. Hindi ko alam kung anong lugar na 'to, hindi ko alam kung nasaan ako, basta may kainan sa gilid ko. Kumain muna ako at nag patila ng ulan dahil zero visibility, baka mapahamak pa 'ko at lalong hindi ko mahanap ang hinahanap ko.

@capt.ace:

-wala pa 'kong balita from bryana, hindi ko pa kasi tinatanong pero once I got the chance, Chad.

@capt.ace

-nasaan ka na ba?

Si Ace lang pala ang nag chat sa 'kin, akala ko si Ayi na. Pinatay ko na lang ulit ang cellphone ko habang kumakain, nang tumila ang ulan ay umalis na 'ko ulit.

"Anong lugar po ito?" Pag tatanong ko sa isang lalaki na nag lalakad, medyo may edad na siya at may hawak pang sigarilyo.

"Nasa Cagayan de oro ka, hijo. Saan ka ba pupunta rito?" Sagot nito sa akin kaya namulat ako.

Teka... mag gagabi na pala. At nasa Cagayan de oro pa 'ko?!

Nag pasalamat ako sa lalaki na nakita ko at sinara na ang bintana. Huminto ako sandali nang may tumawag sa akin. Unregistered number 'yon kaya pinag isipan ko muna bago sagutin.

[Nasaan ka b- ba?]

Parang nang lambot ang braso ko nang marinig ko ang boses niyang umiiyak na naman at nanginginig.

"Ikaw? Ikaw? Nasaan ka... b- bakit may letter ka? Bakit?" Sunod sunod kong tanong dito, "N- nasaan ka rin, Ayi? Nasaan ka ba... hinahanap kita..." My voice cracked, "Hindi m- mo 'ko iiwan 'di ba? N- nasaan ka?"

Hindi na siya naka sagot at namatay na rin ang kabilang linya. Agad akong bumalik pa Manila, gabing gabi na at bihira na ang taong mapag tatanungan, maps na lang sa phone ang ginamit ko para mas mabilis.

"Chad.." Bungad nito sa 'kin habang umiiyak nang makita akong pumasok sa pinto ng bahay na dalawa kaming naka tira, "Bakit ngayon ka lang?!"

Mariin kong pinikit ang mga mata ko bago tumakbo at yumakap sa kaniya.

"Ayi, huwag mo na uulitin 'yon, ha? P- pakiusap... m- mawawala ako sa - sa sarili..." Mahinang saad ko rito. Namamaos na ang boses ko sa hindi ko malamang dahilan. "Saan ka ba galing? Huwag mo 'kong iiwan, pakiusap"

Ramdam ko ang pag iling niya. "Natakot... natakot lang ako, Chad. Sorry... sorry, hindi ko kayang malayo sa 'yo" patuloy ito sa pag iyak kaya niyakap ko lang ang ulo niya, "Pasensya ka na... hindi ko- hindi ko na yata kaya kapag w- wala ka..."

"Ako rin." Sagot ko rito, "Kaya dito ka lang, please? Huwag mo 'kong iiwan kasi... kasi hindi- hindi ko talaga kakayanin," nang tignan ko siya ay tumango ito, "Pakiusap, huh? D- dito ka lang... tabihan mo lang ako..."




end

THE MONTECRISTO (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon