KABANATA 10

2 2 0
                                    

———


"So kelan mo pa pala sasabihin sa 'kin, Ayi, huh?" Bahagyang bumiyak ang boses ko, "Ayi, akala ko ba... akala ko ba walang taguan o sikreto? Bakit... bakit tinago mo sa 'kin 'to?!"

She cried hard as I say those words. Hindi niya ako sinasagot at puro iling lamang ang nakukuha ko mula sa kaniya. Hindi naman ako galit, eh. Ang akin lang, bakit kaylangan niyang itago sa 'kin na may ganiyan siyang sakit!

"Mag—aalala ka lang, hindi ka makakapag aral... kaya ko pa naman, Chad, kaya ko pa" kinuha nito ang kamay ko, "Makakatapos na 'ko, dalawang taon na lang sa engineering."

Pilit siyang ngumiti. Bumalik siya sa Engineering dahil napapagod daw siya sa pag babasa, ako naman ay nag stay sa Political Science dahil... dahil mag A-Abogado ako. Hindi naman ako basta basta papayag na ganoon na lang ang ginawa sa kaniya ni Reed.

"Alam ko, pero hayaan mo naman akong malaman ang mga nangyayari sa 'yo..." Pumiyok ang boses ko, "Hayaan mo naman akong malaman ang mga bagay sa buhay mo..."

"Chad, kapag nalaman mo kasi... 'yan, nagkaka-ganiyan ka. Ayaw ko... ayaw kong nakita kang nang-hihina dahil lang s– sa akin..." Lumapit ito at hinawakan ang mukha ko, "Ikaw ang pinag kukunan ko ng lakas, eh, tapos manghihina ka rin?"

I did my best to hide my emotion pero lumalabas at lumalabas talaga 'yon. Gusto kong hindi ipakita sa kaniya na nang hihina na 'ko pero hindi ko mapigilan... hindi ko kayang pigilan.

"Mahal naman, eh, huwag ka namang umiyak..." Gamit ang daliri niya, pilit niyang pinupunasan ang mga luha sa mata ko na patuloy ang agos. "Shh, tahan na, tahan na... t– tigil na, please?"

Pero hindi ko nagawa.

"Gagaling ako, okay?" She comforted me, "Ako pa ba? Don't you trust me, my love? K– kaya ko 'to, kaya ko lahat... k– kayang kaya ko lahat" she smiled widely as if she's not suffering into something, "H– hindi ba... basta– basta kasama kita, basta mag kasama tayong dalawa... k– kaya natin? 'Di ba?"

"But it's different now, Amoricia..." My voice broke, "Iba ang sakit sa problema, Mahal. Kaya mo pa ba? G– gusto mo ba... dalahin na kita sa ospital ngayon? O... o kaya mag hire ako n– ng personal doctor mo? Or... si Jasmin! S– si Ate Jasmin! W– we can hire her—"

"Kaya ko, tumahan ka na." Pag putok niya sa mga dapat ay sasabihin ko pa, "Trust me, matagal mo pa 'kong maka- kasama. Magkaka pamilya pa tayo!" Ngumiti ito bago tumingkayad at hinalikan ang noo ko, "Hindi ba, River? Lahat ng bagay na gusto natin, magagawa pa natin 'yon... kasi mag kasama tayo"

"Promise?"

She nodded.








And she actually did. Today is the day of my graduation and she's still here, siya ang kasama ko sa pag akyat at pag baba ng stage, siya ang kasama kong nag celebrate, together with Ace and Basti.

"Angas, Bro. Isang Basti, na busted!" Pag papatawa ni Ace na halatang lasing na.

Narito kami ngayon sa condo, si Ayi ay kasama ang mga kaybigan niya sa kwarto, doon daw muna sila dahil ayaw naman nila uminom. Nilutuan ko na lang sila ng pagkain bago ko hinarap 'tong si Ace at si Basti na bago naming kaybigan. Naka close ko siya sa new school ko, sinundan naman ako ni Ace kaya naka close na rin niya.

"Angas talaga, Baston! Sino nang busted sa 'yo?" Pang aasar ko rito, "Or should I ask, sino sa mga 'yon?"

Binato nito sa akin ang tansan ng alak na iniinom niya, "Gago, isa lang 'to!"

"Weh, baka isang dosena?" Natatawa namang sabi ni Ace, "Ikaw pa ba, Basti? Eh, walking red flag ka!" Sabay buhos na naman ni Ace ng alak sa baso niya.

"Oo, gagi. Seryoso." Umiling ang lalaki, "Ayaw daw kasi niya sa mag A-Abogado. Gusto sa Engineering" natawa pa bago uminom sa baso niya si Basti.

"Nako po, Bastion Junior! Ganiyan din 'yong nililigawan ko, eh! Kaso 'yon mas mahirap ang gusto, na-iiyak na nga 'ko minsan..." Kumamot si Ace sa ulo niya, "Pero exciting!"

Tumawa lang kami ro'n. After weeks, nag enroll na 'ko sa Law School, si Ayi naman ay naging busy dahil isang taon na lang graduate na siya, hindi na kami nag tatabi matulog dahil ayaw ko ngang guluhin siya, pumayag naman siya ro'n pero tuwing hapon ay hindi kami mapaghiwalay. Ako na ang nag luluto ng pagkain namin araw araw dahil ayaw ni Ayi ng lutong ulam.

"I don't want to study anymore..." She pouted, "Never ending math!"

Natawa ako dahil sa sinabi niyang iyon, sinuklay ko lang ang buhok niya habang pinanonood siyang gawin ang works niya.

"Nasa dean's list ka nga, tapos ayaw mo pa mag aral niyan, huh?" I chuckled, "You're a scam"

"You are too!" Sumimangot ito, "Sabi mo dati 'love' ang magiging tawagan natin, bakit ngayon 'Mahal'?"

Remembering the first time I chatted her. Halos two years na rin pala ang naka lipas. Ang bilis ng panahon, she was just nineteen that time, twenty - one na siya ngayon.

"That was almost two years ago. Naalala mo pa pala?" Nakangiti kong tanong dito, "Ang cute naman."

"May nakita akong bago—"

"Mamaya na chismis, Mahal. Mag-aral ka muna" isiniksik ko ang braso ko sa pagitan ng mga braso niya, "Tulog muna ako..."

Pero hindi ako natulog. Pinanood ko lang siyang mag type sa laptop niya, minsan ay sumisilip ako sa cellphone ko dahil tumatawag si Ace, may mga nag c– chat din kay Ayi pero ako na lang ang pinag babasa niya noon.

"Sabi ni Leo B-1, sa cafeteria raw kayo bukas ng hapon" pag babasa ko ulit sa text na iniutos niya, "Ano ire- reply ko, Mahal?"

Hindi ito tumingin sa 'kin dahil busy nga, hindi ko na rin ni-replyan dahil hindi ko alam ang isasagot. Nag selfie na lang ako sa cellphone ni Ayi habang ang cellphone ko naman ay naka time lapse video at naka tutok sa amin ang camera.

"Puro mukha mo na naman 'yan, Chad!" Pag sita nito nang bawiin niya sa 'kin ang cellphone niya.

"Para 'di mo na 'ko hingian tuwing nami-miss mo 'ko at nasa school ka..." I joked. "Biro lang. Burahin mo na lang kung ayaw mo—"

Napa hinto ako nang ipakita niya sa 'kin ang wallpaper niyang kaka collage lang. May stickers pa 'yon na hearts sa gilid gilid at may 'My love' na text pa sa gitna.

"H– hoy!" O.A kong tinakpan ang bibig ko habang ang isang daliri sa kabilang kamay ay naka tutok sa cellphone, "Ang gwapo niyan, ah! Crush ko 'yan!"

She just rolled her eyes, "Hindi mo siya puwedeng magustuhan dahil sa akin siya!" Sabay pabirong sampal nito sa mukha ko, "He's only mine, ang umagaw ay mamamatay!"

Sabay kaming tumawa dahil doon. "Grabe ka! So territorial"

"Just like a cat," umarte pa ito na parang pusa, "Meow"

Mahigpit akong yumakap dito bago ulit humalik sa pisngi niya. Sa halos dalawang taon naming dalawa, isang beses ko pa lang nahahalikan ang labi niya. Ayos lang naman 'yon sa akin pero sa kaniya? Mukhang hindi.

"Kiss na kasi, ito naman" ngumuso ito, "Isa lang, mabilis!"

"Hindi nga puwede, Ayi. Pagka graduate mo, sige" sagot ko rito habang inaayos ang buhok niya, "Doon na lang, okay? Wait patiently, Woman."


end

THE MONTECRISTO (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon