KABANATA 21

0 0 0
                                    

———



"Exchange of vows..."

I smiled wider than normal nang sabihin 'yon ni Louis. Mauuna si Amoricia ko bago ang vow ko. Mas okay din siguro ang surprise wedding, para ang vow ay ang gusto talagang sabihin.

"A never ending love is what I am feeling for you, my Chad. You never made me feel alone, you always love me... that's why I chose to be with you, forever." She smiled, "Kahit puro hirap ang pagdaanan natin, Chad, basta kasama kita, handa ako sa kahit ano." Bahagya ng pumipiyok ang boses niya kaya kahit ako ay naiiyak na rin. "I've studied Italian language so that I can call you in a unique way. Te amo, amore mio. You made me accept my self, you helped me glow. You're my hope in this hopeless world, you mean everything to me, and I promise to be with you... for better, or for worse."

Pinunasan niya ang luha niya bago tumingala, siguro para pigilan pa sa pag tulo ang iba? Ngumiti lang ako. Nang ako na ang mag sasalita ay inayos ko ang tayo ko.

I cleared my throat first, habang kinakabahan, "You gave me light. You saved me, you found me. For years, I was lost in my own mind, pinasok ko ang bagay na hindi ko naman gusto... but you gave me reasons to continue what I started in college. You always support me, you always comfort me. Hindi mo man alam, pero ikaw ang naging buhay ko nitong mga nakaraang taon na ikaw ang kasama ko..." I deeply breathe as I tried to hold my tears, "I thank you... for all these years. Nakita mo na ang lahat sa buhay ko, the background and everything, pero heto ka't nasa harap ko, pumayag na itali ang sarili mo sa 'kin. Hindi sapat na sabihin ang mga salitang 'mahal kita' para maparamdam sa 'yo ang nararamdaman ko. If I am going to choose between living the life before I met you or living with you without everyone on my past... then I'll choose you. Mas pipiliin kita, dahil sa 'yo, naging ito ako. I became a better person because of you, your love, and yourself."



Nang masabi ko 'yon lahat, para akong nakahinga. The moment my lips met hers, sobra ang tuwa ng puso ko. She's not my girlfriend or fiance now, she is now my wife, my life.


"Kain na, Mayor! Masarap 'tong na order ko!" Masayang sabi ni Ayi habang nililitratuhan ang kamay niya kung nasaan ang wedding ring naming dalawa, "Ang ganda nito, Mahal!"


Tumango lang ako at ngumiti. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag ang nararamdaman ko, sobrang saya, nakakaiyak, nakakapanghina sa sobrang saya. Kasal na 'ko sa babaeng una kong minahal, bakit ganoon, ang tibok ng puso ko, parang pabilis nang pabilis habang tinititigan ko siya.


"Nako, 'di na 'ko kakain! Hinihintay din ako ni Missy, asawa ko, sa bahay namin. Congratulations, newly weds!" Nakangiti nitong saad, hinatid ko siya palabas para sana kausapin siya at mag pasalamat pero inunahan niya 'kong mag salita. "She looks so happy."


I nodded, "I really hope she is."

"Yeah? She's glowing, for real. I am happy for you too. I didn't see that smile noong highschool tayo, Chad." He smirked, "You look so hopeless back then, sorry for my words, ha. I'm really really glad to see you smiling genuinely, dude."


"My wife did this, Louis. My wife did this" Sagot ko rito, "Sige na, baka hinahanap ka na sa inyo. Merry Christmas, dude." I tapped his shoulders, "You made my Christmas very merry, thanks!"



"You're welcome, Pare." Tumapik din ito sa 'kin, "I am happy for the both of you!" Then, he left.


Nang kami na lang ni Ayi sa bahay ay kinain na lang namin ang mga pagkain bago tumanaw sa paligid, gabing gabi na pero ang mga tao ay gising na gising pa. Of course, today is Christmas, what would I expect? We used to celebrate Christmas for four months! September pa lang, pasko na sa 'tin, eh?

"Sorry kung ganiyang singsing lang, Amoricia..." Bulong ko habang naka tingin sa langit, nasa tabi ko si Ayi, nakayakap ang braso sa 'kin habang naka tingala rin.


"Why would you say sorry for things you putted efforts on?" She chuckled, "Chad, apologizing isn't a hobby, so do not say it time to time. Apologize when you're wrong, not when you just want to say it. Gets ko naman na you feel sorry dahil sa singsing, but it is not 'lang' for me, this is our wedding ring. Kaya kung para sa 'yo, 'lang' 'to, puwes sa 'kin ay hindi. This is a gift, a blessing, and everything good words I can use to describe this..." Ngumiti ito sa akin bago halikan ang isang parte ng kamay ko, napangiti rin ako sa ginawa niyang 'yon kaya lalong humigpit ang yakap ko sa bewang niya, "Being with you means living the life for me, Chad. You didn't teach how to escape, but you thought me how yo face everything, that's why starting today, my love, every mountains we'll go, I'll be by your side, tandaan mo ang sinabi kong 'yan"



Nang tignan ko ang mga mata niya, puro 'yon saya, punong puno ng kaligayahan. Pero... ang labi niya, hindi nakangiti. Ang akala ko noon, kapag nakangiti ang mga mata, masaya talaga. Pero hindi pa rin pala 'yon ang katotohanan. Tumawa, ngumiti, mag pakita ng kahit anong klaseng kasiyahan, puwede pa rin palang pag papanggap lang ang lahat ng iyon. Behind all those smiles of Ayi, nangangamba pa rin ako sa mental health niya. Hindi naman porket narito ako, totoong masaya na siya, hindi lang naman sa 'kin umiikot ang mundo niya, may pamilya rin siya... at ang pamilyang 'yon... ay wala sa tabi niya.




Family is a big factor in everyone's mental health. Minsan nga, hindi mo inaasahan na pamilya pa ang dahilan kung bakit may depresyon ang isang tao, maybe if you're really close to that person, tsaka mo lang ma r- realize. Kadalasan kasi, social media rin ang nangloloko. Masasaya ang litrato, pero sa likod ng mga 'yon, kabaliktaran ang lahat.



"Ano ang iniisip mo, Chad?" Dinig kong tanong nito, "Ang lalim ng mga mata mo, nalulunod ako."

"Iniisip kita" Maikli kong sagot, "Kung gaano ako ka swerteng ikaw ang matatawag kong asawa."

Napapikit ito, 'di nag tagal ay naramdam kong muli ang pag patak ng luha niya. Sa pagkakataon na ito ay pinigilan ko ang sarili kong sabayan siya. Kung makikita niya 'kong umiiyak, sino ang kakapitan niya para kumuha ng lakas?



"Fight for me, Chad..." She wished, I nodded, "I am begging for justice, Chad p-please fight for me... for us... for e- everything...."





end

THE MONTECRISTO (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon