———
"Hindi matutuwa si Ayi kung makikita ka niyang umiiyak..."
Agad pinunasan ni Ate Celeste ang mga luha niya nang sabihin ko 'yon. Narito kami ngayon sa sasakyan ko dahil nakita ko siya sa cafeteria kanina, mukhang tama nga 'ko sa hinala ko.
Tuwing tulog si Ayi, binubuksan ko ang laptop ko para panoorin si Cassian. He's notorious for me, hindi ko alam kung paanong wala siyang kaso, eh, ang dami niyang biktima noong kabataan niya.
Just like his favorite nephew.
"You know about Cassian?" Pag tatanong sa 'kin ni Ayi habang tulog si Ate Celeste, "How?"
"Montecristo." Maikling sagot ko rito na mukhang naintindihan naman agad niya.
Narito na kami ngayon sa ospital matapos himatayin ni Ate Celeste, hindi namin parehas alam ang dahilan pero hinang hina siya at hindi maka galaw.
"Doc, how's she?" Tanong ko sa Doktor sa labas ng kwarto ni Ate Celeste.
"I'm sorry to say this, hijo. But... komplikado ang dalawang bata sa sinapupunan ng kasama mo." Unang sabi nito, mahina ang boses, "Sa ganitong sitwasyon, maaaring mamatay ang kasama mo—"
"Then what are we supposed to do to save her?!" Pag putol ko.
No, fuck! She can't be gone! Bukod sa kaybigan siya ng girlfriend ko, asawa siya ng uncle ko at mabuting tao si Ate Celeste. Kung may isang tao man na dapat malagay sa alanganin ay si Cassian 'yon!
"M– miscarriage?" Naglalakihan ang mga mata ni Ate Celeste nang marinig ang sinabi ng doktor, "N– no! You're joking!"
Malalim na huminga ang Doktor bago kami harapin ni Ayi at sinabing kami na ang bahala. Sinabi ng Doktor kay Ate Celeste na nalaglag ang isa niyang anak at ang isa naman ay delikado kaya huwag niyang stressin ang sarili niya.
I felt so sad for her. Maraming babae ang gusto ng anak, at alam kong isa siya ro'n. Pakiramdam ko ay kahit ako, malaman na nawala ang anak ko, pakiramdam ko ay parang hindi ko kakayanin.
Ilang araw lang ang tinagal sa amin ni Ate Celeste, kinuha siya ng isa pa nilang kaybigan na si Jen, uuwi raw muna ng probinsiya tapos ay lilipad na pa Italy si Ate Celeste para doon na mag simula ng bagong buhay. Bago siya umalis ay... sinabi ko na lahat ng totoo tungkol kay Uncle Castien. Lahat ng alam ko ay ipinaliwanag ko na dahil sigurado akong taon bago niya matanggap ang mga 'yon.
"Malungkot ka?" Tanong ko kay Ayi nang mapansin kong nanghihina siya, "Is this about Ate Celeste?"
Tumango siya, "Ang sakit. Masakit mawalan ng anak..."
"Pakiramdam ko rin, Ayi. Kaya pag nagka anak tayo, aalagaan kita, aalagaan natin, huh?" I comforted, pero imbis na sumagot ay ngumiti lang ito at pinag laruan ang buhok ko.
"Chad?"
"Bakit?" Sagot ko rito.
"Mamahalin mo pa rin ba 'ko kahit marami ka pang hindi alam sa 'kin?" Mahina nitong tanong, "Totoong sagot, ha"
Bahagya akong ngumiti bago halikan ang noo niya, "Oo naman, syempre. Kahit pa dati ka pang serial killer, Ayi, mamahalin pa rin kita—"
"Chad..." Yumuko ito. "Ikaw lang ang mahal ko, tandaan mo 'yan, ha?"
Tumango lang ako ro'n. Nitong mga nakaraang araw ay iba ang kinikilos niya at parang may masama sa pakiramdam niya. Hindi naman siya nagsasabi, ayaw ko naman siyang pangunahan.
"Lapit na ng birthday mo, Mako..." Ngumiti ako rito habang ang noo naman niya ay kumunot, "Oh, bakit?"
"Sino si Mako?" Naka-angat ang kilay nito.
"Short for 'Mahal ko', Mako" ngumiti ako muli habang inaalala ang pag tatalo namin ni Ace, para lang may matawag ako kay Ayi bukod sa pangala niya.
Piningot nito ang tenga ko, "Puro ka kalokohan! Pero..." Ngumiti ito ng paloko, "Ang cute no'n, ilalagay ko 'yon sa bio ko sa Facebook"
Oy, wala talagang lugi kay Amoricia. She's always proud of having me, and I guess every man deserves to be get proud of! Hindi lang naman babae ang may pakiramdam, lalaki rin. Siguro hindi lang showy iyong iba, pero kahit ganoon, sana iniintindi pa rin, 'di ba?
Kinilig ako, tângina.
"Patay na patay ka sa 'kin, Mako" natatawang sabi ng girlfriend ko. Pucha. Sarap talagang sabihin na akin siya!
Nilabas ko ang cellphone ko at nag picture kaming dalawa, selfie lang 'yon, no filter pero ang ganda niya. Nakaraan naman ay nag selfie rin kami pero naka make up naman siya, napaka ganda niya pa rin. Kahit tulog siya, ang ganda niya pa rin.
"Hoy, bakit ganiyan ka maka-tingin?" Nag amba itong susundutin ang mga mata ko, "Scary"
"Ganda mo" pag puri ko rito. Namula na naman ang mukha niya kaya lalo akong sumaya. "Uh, siya nga pala, Ayi–"
"Hindi na 'Mako'?" Ngumuso ito.
"Mas bagay pag buo. May sasabihin ako, Mahal ko" sabay kaming napangiti dahil sa sinabi kong 'yon. Lintik na 'yan, kinikilig ako sa sinasabi ko.
Umayos ng upo si Ayi, yumakap siya sa bewan ko habang ang mga binti ay naka patod sa hita ko, naka angat siya ng tingin sa akin bago halikan ang pisngi ko.
"Napaka gwapo naman ng mahal ko" Ngumiti ito nang malawak, "Sana mag mana sa 'yo pag nagka anak tayo, 'no?"
"Anak agad? Pero... ayaw ko, gusto ko mag mana sa 'yo pag nagka anak tayo sa future" sagot ko rito. Ipinalibot ko ang braso ko sa likod niya, bigla siyang napa igik sa ginawa ko kaya nag taka ko. "May masakit ba?"
Tumango ito at ipinakita ang malaking pasa sa may braso niya.
"What happened?!" Agad kong tanong dito. Inayos ko muna ang pagkaka upo niya bago ako tumayo at lumuhod sa harap niya, "Bakit ang laki ng pasa mo? May nanakit ba sa 'yo?"
Umiling siya.
"Si Reed ba?!" Muling pag tatanong ko.
Pero tulad ng kanina, umiling ulit siya.
"Nabangga ka ba ng sasakyan? Ano? Sabihin mo? Gusto mo ipa-check up kita?" Halos mawala ako sa huwisyo nang umiling na naman siya, "Tell me, what happened?"
Pero hindi siya nag salita. Nang gabing 'yon, nag paalam ako na bibili ng ulam. May nadaanan akong blood donation, naisip kong mag donate, hindi ko alam kung bakit, bigla ko lang naramdaman na marami ang nangangaylangan ng dugo.
"Chad Anderson Montecristo?" Pag tawag sa pangalan ko. Lalapit na sana 'ko pero isang malakas na puwersa ang tumama sa mukha ko. Fuck!
Nang maka recover ay gaganti sana ako nang makitang si Ate Jasmin— iyong kaybigan ni Ayi, siya ang sumuntok sa akin. Pinakalma ko ang sarili ko, alam kong galit siya, kita ko 'yon at ramdam pa, ang sakit, sobrang sakit.
"Bakit narito ka, ha?!" Sigaw nito sa akin habang pilit siyang inaawat ng iba pang nurses, "Gusto mong i-drain ko lahat ng dugo sa katawan mo, huh?!"
Agad naman akong umiling. "Bibili lang ako ng u– ulam namin ni Ayi..." Sagot ko rito, pumiyok pa.
Doon siya bahagyang kumalma. Tumingin ito sa akin at lumapit, tapos ay pinindot ang labi kong pumutok dahil sa lahat ng pagka suntok niya.
"Ouch..." Daing ko. Pero hindi ko na 'yon masabi ulit dahil ang sama ng tingin siya sa 'kin. Nakakatakot naman ang mga kaybigan ni Ayi, eh!
"Alagaan mo sa Ayi" bulong nito sa akin habang ginagamot ang sugat ko. "Hindi mo pa alam, at hindi niya ipapa-alam sa 'yo. Pero ako sasabihin ko na, tutal mukha namang aalagaan mo siya at... mukha namang andiyan ka palagi..." Huminga ito ng malalim bago bahagyang lumayo. "May blood cancer siya, hindi pa gaanong malala, but at the same time... huli na rin para maagapan."
end
BINABASA MO ANG
THE MONTECRISTO (ON GOING)
Non-FictionChad Montecristo, A law student sa Xavier University sa Cagayan De Oro City who wants a simple life. But because of his surname, he cannot have that. A Montecristo. Gusto lang niyang makamit ang hustiya for all the women that his brother and uncle...