KABANATA 7

1 0 0
                                    

———

TW: Vulgar Words.

"Huwag mo 'kong simulan, Chad!"

Halos bumuhos ang lahat ng dugo ko nang makita ko si Reed. Matapos i-kwento ni Ayi ang mga ginawa sa kaniya ng lalaking 'to, hindi ko alam kung kaya kong pag tiisan makitang buhay 'to.

"Puta, Reed!" Hiyaw ko rito matapos kwelyuhan, "How long have you been doing that to Ayi, huh?!"

"Since first year" ngumisi ito, "Since first year, Chad. Isipin mo 'yon..."

Agad kong pina dampi sa mukha niya ang kamao ko bago pa siya mag salita ulit. Hindi ko alam kung gaano ako ka galit sa kaniya, gusto kong iparanas sa kaniya ang lahat ng hirap ni Ayi.

"Gago ka!" Muling pag suntok ko rito, "Gago kang tao ka, gusto kitang patayin, alam mo?!" Sigaw ko sa mukha nito, sinusubukang kong mag control dahil sobrang galit ko, baka ngayon pa lang ay ma patay ko na siya.

Ngumisi lang ito, "Kung kaya mo. Pero, Chad, naisip mo ba kung ano ang mukha ni Ayi—"

"Gago!" I gritted my teeth, "You're fucking evil. You deserve death, fucker!" Sinubukan kong tamaan muli ito ng kamao pero naka ilag siya, "Ano, ha? Natatakot ka na ba? Puta, Reed!"

Patuloy lang itong ngumiti at ininis ako, gusto ko siyang lumpuhin pero umakyat sila Mommy sa kwarto namin at ganoon na lang ang gulat nang makitang putok ang labi ng anak nila.

"Fuck! What did you do to your brother, Chad!" Sigaw agad ni Mommy sa akin bago niyakap ang anak niya, "Anong ginawa mo?! Bakit nagkaka ganiyan ka na naman, huh?!"

"Iyang anak mo, Mommy!" Sabay duro ko kay Reed, "'Yang anak mo, ginago ang—"

"Mom, mani-niwala ka pa ba sa kaniya?" Singit ni Reed sa usapan namin, agad nabaling sa kaniya ang atensyon ni Mommy at Daddy dahil doon, "He's always lying!"

"Ano ba, Chad?" Tanong ni Daddy sa akin na parang pinag bibintangan ako, "Ano pa ang nabalitaan kong lumipat ka ng school?"

"Dahil sa babae niya 'yan, Dad" sagot ni Reed, "Sa babae na naman!"

I gritted my teeth once more before pointing my finger on him, "Stop lying, Reed! Manahimik ka, manahimik ka kung ayaw mong i-tuluyan kita ngayon—"

"Words, Chad" Pag awat ni Daddy sa akin.

This is what I don't like about this family. Shit! Sobrang one sided nila, hindi ko alam kung bingi bingihan lang ba o ano, eh! Naiinis ako na hindi ko magawa dahil magulang ko pa rin sila.

"Sabihin mo nga sa 'kin, Chad. Ano ang nangyayari sa 'yo, huh?" Tumayo si Mommy at lumapit sa akin bago lumapat ang kamay niya sa mukha ko. "Bastos ka sa Kuya mo!"

"But, Mom—"

"I regret getting you from that shelter!" Mom shouted.

I almost lost myself. Umuwi ako nang hindi nalalaman kung paano ko tatanggapin ang narinig ko na 'yon.

"Chad..." Pag salubong ni Ayi sa akin. "Chad, okay ka lang ba?"

Hindi ko siya sinagot, lumapit lang ako sa kaniya at yumakap sa bewang niya bago isiniksik ang mukha sa leeg at doon umiyak.

Fuck this life. Ang sabi ko ayaw ko na maging parte ng pamilyang 'yon... pero, pero ngayon na hindi nga talaga ako parte sa kanila, bakit ang bigat ng puso ko? Bakit... bakit ang sakit sa akin.

Kaya pala. Kaya pala kahit mata sa mata na nilang nakikita na mali ang anak nila, wala silang pake. Pero kung mali ko ang nakita, buong buhay 'yon isusumbat sa akin.

"Chad, sige, umiyak ka lang..." Hinagod ni Ayi ang likod ko, "I cooked for us, gusto mo ba kumain?"

Hindi naman siya marunong mag luto, eh. Napa ngiti ako at kahit papaano ay nawala ang kaunti sa mga dinadala ko. Kahit hindi siya marunong mag luto, sinubukan pa rin niya para sa 'kin, para mag kainin ako pag uwi ko. Nag effort siya at nag bigay ng oras para malutuan ako.

Pinunasan ko muna ang luha ko bago siya tignan. Nginitian ko ito, dahilan ng pag yakap niya sa akin. Sobrang saya sa pakiramdam na nasa ganito kami palagi, ang sarap maramdaman na may taong laging nasa likod ko.

"Ayos ka na ba?" Tanong nito sa akin, "Nag post ako ng pictures natin nakaraan pa. Actually... edited 'yon, kunyari nasa bar, wala lang, para lang malaman nilang akin ka. Buburahin—"

"I love you" pag singit ko sa mga sinasabi nito, "Salamat. Salamat sa 'yo, salamat kasi akin ka... salamat..."

Bumaba ang braso nito, naramdaman ko ang pag halik niya sa ulo ko papunta sa noo at pisngi. Hindi ko naisip na nangyayari 'to noon. Hindi nga kami nag ligawan, pero hindi 'ko alam. Hindi ko masukat o masabi kung gaano ko siya ka mahal. Basta alam kong mahal ko siya, walang hangganan.

"Napaka-swerte ko sa 'yo" bulong ni Ayi sa akin bago idikit ang noo niya sa noo ko.

I gulped hard. "Ayi... uhm, ang lapit mo naman ata"

Dahil nga malapit siya sa akin ay kitang kita ko ang ngiti niya habang naka pikit. "Tell me, what happened to your day?"

"Ah... o– okay lang, lalo n– na ikaw 'yong s– sasalubong..." Nakaka inis. Bakit ako nauutal! Hoy, Chad! Barako ka!

Kapag kay Ayi, ang lambot!

"Let's kiss, Chad."

Hindi ko ma explain isa-isa. Naka-pikit siya, lumapat ang labi niya sa akin... tapos ay lumayo siya at lumapit naman ako.

Fuck! I closed my eyes as I tried to refresh myself but I cannot understand what am I feeling! Gusto kong tumakbo, tumalon, ipagsigawan ang nangyari na 'yon.

I can't stop myself from smiling!

"That's just a kiss, Chad..." Sabi nito nang siguro ay mapansin ang lagay ko, "Paano pa kaya kung more than that? Baka hindi mo kayanin at–"

"Ayi naman, let's not talk about that thing, hmm?" Oh, yes. Let's not talk about those stuffs. Pakiramdam ko ay kahit sinasabi niya ang mga 'yon ay hindi pa talaga siya handa, ayaw ko naman na habang nangyayari 'yon ay maalala niya ang nakaraan.

"You're so cute." Kinurot nito ang pisngi ko, "Let's kiss regularly"

Natawa naman ako, "Ano 'yon? Trabaho? Regularly, eh, 'no?" Hinampas niya 'ko agad ng unan, "Aray! Joke lang naman!"

"Sige, humanap ka na lang ng iba mong iki-kiss—"

"Ito naman, hindi mabiro"

Natawa lang kami dahil doon. Kaninang umaga ay dumating na ang mga uniform namin, sakto 'yon at bagay sa kaniya, sabi ni Uncle Janus ay ngayon ang first day namin pero hindi pala, sa susunod pa pala na araw. Nag ayos lang kami ni Ayi ng bahay the next hours at nanood ng tv, mahilig siya sa drama pero noong sinabi kong gayahin namin ang inaarte sa tv ay hinampas na naman niya 'ko. Ang babaeng 'to, masyado siyang mapanakit, pero imbis na masaktan ako, lalo lang akong kinikilig, eh.

"Uhm, Chad? May ice cream ka ba? Parang... parang gusto ko ng icecream" lumunok pa ito habang kinakausap ako, naka unan siya sa hita ko habang nanonood kami.

Ice cream, wala na ako no'n, ah. "Tawag ako sa baba, anong flavor ba?"

"Vanilla!" Sagot nito agad, excited pa.

But, I am confused. The last time I bought vanilla ice cream, ako lang ang umubos dahil hindi niya raw gusto ang lasa?

"I thought you hate vanilla flavor, Ayi?"




end

THE MONTECRISTO (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon