KABANATA 19

2 1 0
                                    

———

Malawak akong ngumiti nang makita ang masayang mukha ni Amoricia habang minamasdan ang design ng bahay. Natutuwa rin siyang inaalog ang mga regalong naka balot.

"Weh, parang sira 'to si Chad!" Sabi nito, halatang excited, "Bawal ko pa ba 'to buksan? Excited na 'ko, oh!"

I smiled jokingly, "Karton lang 'yan na may piso, excited ka for what?"

Sumimangot ito. "I don't believe you, Chad. Ikaw pa? Eh, ang tamad tamad mo nga gumawa ng lumpia, tapos mag babalot ka ng karton for nothing? Come on! Ilang taon na tayong mag kasama."

"I promise, Amoricia" I smirked, "Sige, may laman 'yan, hindi piso, pero maliit lang" mahina akong tumawa, "Have a guess?"

"Credit card?" Her eyes widened, "House key? Car key? Huy, 'wag ka namang ganiyan! Masyado mo 'kong ginagastusan."

"'Di, uy!" Natawa ako, "Gusto mo ba ng car? Iyo na lang 'yong isa kong sasakyan—"

"Ayaw ko nga!" Pag putol niya, "Okay na ko na sa 'yo sumasakay" ngumiti siya, "Or commute, okay na 'ko ro'n, River"

"Weh?"

"Oo nga!" Naka simangot na ito, "Nako, Chad. Dapat matutuwa ako sa laman nito! Ano ba 'to? Wedding ring na ba? Pakakasalan mo na ba 'ko sa pasko?"

I smiled. Plano ko 'yon, eh. Pero kami at ang mag kakasal lang ang makakaalam. Gusto ko kasing kami munang dalawa ang makaka-alam dahil wala pa 'kong pera sa ngayon. Nakausap ko naman na si Mayor na kaibigan ni Ace, um-oo na rin siya dahil kilala nga niya kasi ang kaibigan ko.

Gusto ko na siya matawag na asawa ko. Gusto ko na totoohanin ang kung ano ang mayroon kami. Gusto ko na, sigurado na 'ko sa kaniya.

"Hoy, Chad Ano, 'di ka na naka sagot! Sabihin mo lang kung oo o hindi." Nang aasar ang boses ni Ayi, "Montecristo ka pa rin pala 'no?"

Tumango ako, "Ayos lang ba sa 'yo?"

"Oo naman! Mabait na Montecristo naman ang pakakasalan ko." She giggled, "So pakakasalan mo nga 'ko? Oo?"

Umiling ako, "Gusto mo na ba?"

Agad agad siyang tumango. "Oo, uy! Yes! Basta ikaw! Kahit ngayon na, eh! Gusto mo na ba? Do you accept me, Chad? Kasi ako, I do!"

Nagtawanan lang kami matapos 'yon. Mukha naman seryoso rin siya kaya itutuloy ko 'to, itutuloy ko ang plano ko.

To: Mayor friend.

Hello, mayor! tuloy po, ah? Dec, 24.
Bisperas mo sana para first day of
being married couple po namin ay
pasko.

Nang mag reply siya ng 'sige' ay pinatay ko na agad ang cellphone ko. Hinain ko na ang pagkain namin ni Ayi, order lang dahil busy na at gabing gabi na rin. 'Di ako naka pag luto.

"Uy, Inasal!" Excited siyang tumakbo papuntang lamesa, "Kala ko Jollibee kasi gusto mo ng happy meal?"

"Si Uncle Castien ang mahilig sa happy meal, 'di ako." Sagot ko rito habang nilalagyan siya ng pagkain, "Kain ka na, may tatawagan lang ako."

Tumango siya kaya tinawagan ko na si Ace. Mukhang busy 'to sa panunuyo kay Bry dahil sa hindi ko malamang dahilan, ako lang naman ang ma kwento sa aming tatlo.

[Ay, kala ko pa naman lalabas tayo sa 24 kasama si Basti] Tunog dismayado ito, [Okay, boss. Mukhang busy din ako sa bisperas, eh. After pasko na lang. Sabihan ko si Bastion]

"Sige, Ace. Thank you. Marami kasi akong gagawin sa 24, pasensya na kayo" Ngumiti ako, "Bye na, kain muna kami." Then, I ended the call.

Masayang kumakain si Ayi nang balikan ko siya sa lamesa. Nakangiti rin akong umupo.

"Sarap ba?" Tanong ko rito, "Uy, nasaan ang chicken oil ko?"

Ngumuso ito, "Sorry" sabay turo sa kanin niya, "Alam kong bawal ako rito, pero kasi marami naman ang kanin kaysa sa oil..."

I nodded na lang. Okay. Akala ko pa naman maso-solo ko ang chicken oil, naiiyak ako. Ngumiti na lang ako bago kumain, mabuti na lang ay may toyo, sili at kalamansi rito, masarap din naman.

"Bawal din ata ang manok sa 'yo, mahal?" Tanong ko rito habang kumakain kami, "I cannot recall what the doctor said. I'm so sorry."

She pouted, "I do not know too, Mahal. Pero kung bawal nga, okay lang. Ano 'yon, mamamatay na lang akong 'di masaya? No way!" She laughed but immediately stoped when she realizes her words, "Uhm, I'm sorry..."

Tumango lang ako dahil ayaw ko... ayaw ko 'yon pag-usapan. Kakalabas lang niya sa ospital pero ito na naman ang na topic niya. Huminga muna akong malalim, mawawala rin ang sakit na 'to dahil alam kong gagaling siya balang araw... gagaling ang mahal ko.

Only if we are allowed to choose what will happen to our future, I will surely choose what's best for her, I will choose to be with her, I will choose everything that will make her safe. Kung bakit kasi... kung bakit kasi maba-bait pang tao ang nagkaka-sakit ng ganoon, bakit 'di na lang 'yong mga taong masama at nang aagrabyado.

"Hindi ko na uulitin, Chad. Sorry sa nasabi ko..." Mahina nitong sabi habang nag huhugas ako ng plato, yumakap pa siya sa likuran ko, "I'm sure na gagaling ako. Operations lang daw 'to tapos therapies, may ipon na rin ako, Chad, nabigyan ko na rin ng business sila Mama dahil malaki ang bayad sa 'kin noong first client ko. Sobra sobra 'yon, kaya nai-bigay ko kila Mama... kahit na... kahit na kulang pa raw 'yon.." Yumuko ito bago ko na naman naramdaman ang mga luha at pag hikbi niya, "Sorry pala, ha? K– kasi ilang taon na tayo lahat lahat... hindi mo pa rin s– sila nakikilala." Huminto ito panandalian, "H– hindi naman sa inaano ko sila p– pero kasi... kilala ko sila, baka kasi ang pera mo... maubos sa kanila... sorry, sorry talaga. I– iniisip lang kita."

Gets ko na. Alam ko na. Natatakot lang siya, para sa 'kin, para sa 'min, para sa lahat. Ngumiti muna ako bago siya harapin.

"Kahit naman maubos ako, basta makakasama kita, 'di ba? Bakit hindi?" Pinunasan ko muna ang kamay ko bago siya yakapin pabalik, "Alam mo naman 'yon, 'di ba? Pero... ikaw pa rin ang bahala, kung ano ang gusto mo, o kung saan ka kampante, mag hihintay na lang ako."

"Soon, Mahal. Bago tayo i-kasal sa simbahan. Pangako, ipakikilala kita sa kanila..." Mahina nitong sabi bago ako abutin at halikan sa labi, napangiti rin ako, "Aba, 'di na nag re-reklamo, ah?"

"At bakit naman ako mag re-reklamo? Graduate na tayo pareho, 'di ka na teenager, working ka na at isang taon na lang abogado na 'ko, legal na 'yan para sa 'kin..." I smiled, then, lowered my face to reach her lips before giving her a small but plenty of kisses, "I think, I'm addicted."

"Who will not be? Baka nga kaya ka pinuntahan noong Eunice na 'yon ay dahil gusto rin niyang maramdaman ang nararamdaman ko," ngumuso ito, "Unlucky her, masyado atang faithful ang mapa-pangasawa ko." She smiled.




end

THE MONTECRISTO (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon