Chapter 5

6.6K 140 3
                                        

F I V E
















"Amira anak? Tapos ka na ba mag-ayos?" Katok ni Mommy sa pintuan ko, sakto lang din naman at tapos na ako mag ayos ng sarili ko.

Tiningnan ko lang ulit ang sarili ko mula ulo hanggang paa, kung okay na ba talaga ang ayos ko.

I just wear a simple but elegant bodycon dress with a printed bamboo pattern, featuring a beaded decor and an elastic halter neck, which enhances the waistline and highlights my figure.

Nag dala na din ako ng crop-top na cardigan in case lamigin ako, since sa garden gaganapin ang dinner.

May family dinner kasi kami ngayon sa bahay nila Lola at Lolo kaya nag aayos ako, masyado kasi silang strikta at strikto sa lahat ng bagay.

Kaya naman pag sila ang kasama namin ay para kaming ibang tao mag pipinsan, para kaming anghel na napadpad lang sa mundo ng mga tao.

Binuksan ko na ang pintuan ng kwarto ko at bumungad si Mommy sa harap ko, nginitian ko lang ito at humalik sa kanyang pisngi.

"Let's go? Nag aantay na sila Daddy mo sa baba," pag-aaya sa akin ni Mommy, kaya naman tumango ako sa kanya at pinulupot ko ang kamay ko sa kanyang braso.

"Napa-aga ata pag-uwi nila Lola, anong meron? Akala ko ba dalawang buwan sila sa Spain," agad na tanong ko kay Mommy, habang pababa kami sa hagdan.

Hindi naman sa ayaw ko na nandito sila Lola, hindi lang kasi ako makagalaw ng maayos kung nandito sila.

Limitado lang kasi lahat ng galaw ko, pag nandito sila sa Pilipinas. May mga mata kasi siya dito sa paligid pag nandito siya sa Pilipinas.

"Hindi ko din alam nak, may importante din daw kasi silang sasabihin." Kibit balikat na sagot ni Mommy sa akin.

Ano kayang importante ang sasabihin nila Lola at na pa aga ata ang pag balik nila dito sa Pilipinas, kung ano man iyon sana hindi ako ma-stress hehe.

Iba pa naman ang takbo ng utak non nila minsan, lalo na si Lola. Hehe.






"Wow! Mira! Babaeng babae ang pormahan natin ngayong gabi ah, prang hindi nang harana sa propesora nung Friday!" Maingay na bungad ni Jade sa akin, nandito kasi ako ngayon sa sala tumambay dahil sila Daddy ay nasa opisina nila Lola kasama sila kuya Aki.

May meeting ata silang mga tanders.

"Ang ingay mo Jade," masungit na suway ni Iris sa kanya, itong isang pinsan ko na ito parang laging may dalaw ang kiffy.

Napaka sungit.

"Lah? Nag salita ang isa pang tirador ng teacher," pang-aasar ni Jade sa kanya, pero tinapunan lang siya ng masamang tingin ni Iris.

Teacher? Who? How? Why? When?

Charet.

"As if... I don't even like her," mataray na sagot ni Iris sa pinsan namin, na agad namang kina-ngisi ng isa.

Her? So babae? Hahaha, akala ko ba straight to as a ruler? Katulad ng lagi niyang sinasabi.

"Her? So babae?" Panunukso kong tanong sa kanya, agad naman siyang umiwas ng tingin sa amin at nag paypay ng sarili gamit ang kamay niya.

Addicted LoveWhere stories live. Discover now