Chapter 6

6.3K 155 2
                                        

S I X
















Maagang na tapos ang klase namin kay Miss Jimenez, hindi ko din masyadong na harot ang asawa ko kanina.

Dahil medjo masakit na ang puson ko ngayon, baka mag kakaruon na ako sa mga susunod na araw o baka mamaya.

"Ano yan?" Tanong ni Bianca sa akin habang turo-turo ang paper bag ko na dala ko, nag luto kasi ako ngayon ng kare-kare at gumawa ako ng graham balls pero syempre with help of Manang Tess hehe.

Nag papa-practice na kasi ako mag luto, syempre bilang asawa ni Miss Sanchez, dapat hindi lang sa pag mamahal ko siya na bubusog dapat pati na din sa lamang t'yan niya.

"Lunch namin ng asawa ko," naka ngiti kong sambit sa kanya.

"Naks! Couz, marunong ka na mag-luto? O baka si Manang Tess ang gumawa niyan?" Naka taas ang kilay na sabi ni Jade sa akin.

"Wala ka bang bilib sa akin? Ako to si Mira na mapapangasawa ni Miss Sanchez," naka ngiti kong saad sa kanya.

"Baka ano naman girl, ikaw yan si Mira ang may pag-ka delulu kay Miss Sanchez," Pang aasar ni Bianca sa akin.

"Shut up! Bianca Tiu, alangan naman tumulad ako sayo na torpe, na bakla." Pang-aasar ko sa kanya, kaya naman namula agad ang mukha niya.

"Nag hahanap lang ng tamang timing girl, wag kang epal," sagot niya sa akin, kaka-antay niya ng perfect timing may nag aabang na sa taong gusto niya.

Tahimik lang ako, pero may nararamdaman ako.

Nandito na din si sir Bayota pero saglit lang daw siya sa classroom, mag a-announce lang daw siya regarding sa charity ng unibersidad. Kaya naman nakakapag chikahan kami nila Jade at Bianca ngayong araw, dahil wala naman daw munang discussion sa kanya.

Hinayaan ko na lang din siya at nakinig sa propesor na nasa harap namin, ang tagal din naman matapos ng announcement niya parang nag tuturo din siya.

Namimiss ko na ang asawa ko, eh. Baka hindi pa yun nag lunch dahil ang alam ko busy ang mga teacher ngayon since malapit na mag umpisa ang exam.

"Students who attend the University Charity Foundation event will receive extra credit on their exams." Sabi ni Sir Bayota, na alala ko 'to, na banggit din ito ni Lolo nung nag dinner kami na mag papadala siya ng ibang taohan para sumuporta sa charity na gagawin ng Unibersidad namin.







"Girl saan ka pupunta? Hindi ka ba mag la-lunch?" Tanong ni Bianca sa akin kaya naman itinaas ko ang dala kong paper bag.

"Ay, nakalimutan ko hehe. Mag la-lunch pala kayo ni Miss Sanchez hahaha, go girl! Taas mo ang bandera ng kabaklaan!" Hyper na saad niya sa akin, kaya naman nag thumbs up ako sa kanya.

"Kita-kits na lang after lunch sa Library, couz," saad naman ni Jade sa akin at hila-hila si Bianca, nakita niya kasi si Miss Pascual na naka ngiti pa punta sa gawi namin.

Kaya pala nag mamadali siyang umalis.

"Good afternoon Miss Pascual, si Miss Sanchez po ba nasa office niya?" Tanong ko sa kanya ng makasalubong ko ito, malay niyo wala pala si Honey, my loves ko sa office niya. Edi na sayang pa 'tong food na niluto ko for her.

"Yes, why?" Tanong niya sa akin pero nandon pa din yung ngiti niya, napaka masayahin talaga ni Miss Pascual no. Unlike sa mga kaibigan niyang pinag sakluban ng langit haha.

"Nag luto po kasi ako ng kakainin namin ngayong lunch, Miss Pascual." Hagikgik kong saad sa kanya.

Para na ata akong may sira sa ulo.

Addicted LoveStories to obsess over. Discover now