Chapter 30

4.4K 72 3
                                        

T H I R T Y










From: Misis ko.

Good morning, Hun. You looked good today.

To: Misis ko.

Good morning, Wifey. Eme ka! Asan ka ba?

To: Misis ko.

I miss you, sabay tayo mag lunch today.
Nag luto ako ng Filipino dish.


Eme talaga minsan ni Faye, hindi niya ba alam na mas maganda siya sa umaga. Nag palinga-linga tuloy ako dito sa classroom at hinahanap si Faye kung nandito na ba siya.

Siya ang first subject namin ngayon, kaya maaga din ako gumising para mag patulong kay manang Tess sa pag lulutio ng kakainin namin ni Faye ngayon.

Ang aga-aga at siya na agad ang bumungad sa akin pag pasok ko sa classroom, pakiligin ba naman ako ng isang Miss Sanchez. Kami lang ni Bianca ang mag kasama ngayon, dahil si Jade ay hindi ko alam kung na saan ngayon.

Huling kita ko sa kanya ay nung sabado pa nung nag inuman kami, tapos sa mga dumaan na araw ay hindi ko na siya nakita wala din siyang paramdam sa amin.

Hindi ko alam kung saan na naman siya nag sususuot, kaya pati si kuya Jayden na kapatid niya ay hindi alam kung saan siya nag punta.

Limang araw na din namin siyang hindi ma-contact, kaya nireport na sa mga pulis nila Tito ang pag-kawala ni Jade.

Hindi na namin 'to isinapubliko dahil mas magiging magulo lang at marami din na makikisawsaw sa issue.

Valentine's clan is now in chaos.

Buti na lang nandito si Faye para pasayahin ako, kaya nakakalimutan ko din pa minsan-minsan ang problema. Nandito pa rin ang pag aalala ko kay Jade, hindi naman kasi niya ugali umalis na mag-isa.

Pag nakita ko talaga siya sasampalin ko talaga siya ng napakalakas.

Sa mga dumaan na araw na wala kaming pasok, minsan lumalabas kami ni Faye, nag museum date kaming dalawa, nanunuod ng sine, at kung ano-ano pa na ginagawa ng mga nag liligawan.


Agad naman akong na pangiti sa reply sa akin, kinagat ko na lang agad ang labi ko dahil sa kilig.

From: Misis ko.

I know I didn't see you today, But I just
know you were because you always are.

Routine ko na siguro na pag pulhan ng pisngi dahil kay Faye, na araw-araw ako pinapakilig.

And speaking of, ang dahilan ng pag ngiti ko araw-araw na kakapasok lang sa room namin. Wearing her light blue vest and black long pants, mas lalo tuloy siyang tumangkad dahil sa suot niya na high heels.

"Good morning, BSA-01 students. I hope you had a restful break and are ready to dive back into our studies." Bungad niya agad sa amin at hindi kami tinatapunan ng tingin.

Nakarinig agad ako ng mahinang pag buntong-hininga ng mga kaklase ko.

"Last week's performance needs improvement, so let's proceed to the next chapter with the seriousness this course demands. Open your books and pay close attention." Dagdag niya pa at inayos ang powerpoint.

Ang sarap makinig pag si Faye na ang nag tuturo sa amin, pero nandito pa rin yung kaba lalo na pag na tapos na kami sa isang topic. Bigla-bigla na lang kasi siya mag papa-recitation, kaya nga walang lugar sa oras niya ang pa antok-antok dahil bigla na lang siya mag tatanong.

Addicted LoveStories to obsess over. Discover now