Chapter 31

4K 68 7
                                        

T H I R T Y - O N E
















Unang araw ng pag kamiss ko sa misis ko. Nakapag usap naman kami through call kahapon, pero mabilis lang din dahil pinagpahinga niya din agad ako ng maaga. Maay pasok pa raw kasi ako kinabukasan at baka pagod rin daw ako galing sa gala.

Hindi na din ako nag pumilit pa at alam kong pagod din siya sa mahabang byahe niya.


Ngayon nandito kami sa mall na malapit lang sa Unibersidad namin, kikitain kasi namin si Jameson, siya kasi ang nakuha namin na fashion designer para sa nalalapit na kasal nila ate Yassi at kuya Jayden.

Buti nga at pumayag siya, mag iextend nga muna raw siya dito sa Pilipinas ng anim na buwan dahil na bo-bored na daw siya sa bahay nila, isa din yun sa dahilan kung bakit niya tinanggap ang offer namin. Sa kanya na siya na lang ang mag de-design ng gown for brides and bridesmaids.

Good thing din dahil don rin kami sa boutique ng friend niya mamimili ng susuotin para sa company anniversary.

"Okay ka lang ba, Bianca?" Tanong ko sa katabi ko. Kanina pa kasi siya tahimik at hilot-hilot ang sentido niya.

Okay na rin kami at siya pa unang bumati sa akin kaninang umaga, nara bang hindi kami nag sagutan kahapon.

"Yes. Okay lang ako. Kanina pa kasi ako na hihilo. eh, parang isang buong araw akong tulog kahapon." Sagot niya sa akin. Habang naka sandal sa akin at inaantay na matapos si Juliana na sukatan.

"Gusto mo ba ako na lang mag hanap ng susuotin mo para sa linggo? Sabihin mo na lang kung hindi mo gusto." Nag aalalang tanong ko sa kanya at tumayo na para hanapan siya ng pwede niyang masuot.

Pansin ko kasi kay Bianca nung mga nakaraang araw mabilis uminit ulo niya o kaya naman mahiluhin siya at sinasabi niya na pagod siya.

"Sige Mira, ikaw ng bahala. Salamat." Nakangiti niyang saad sa akin.

Tumango naman ako sa kanya at kumuha ng tatlong long gown na alam ko na babagay sa kanya, siya na lang bahala kung alin sa mga na pili ko ang magugustuhan niya.

Gala dinner kasi ang theme ng party ng kompanya nila Lola kaya kailangan handa kami sa mga sinusuot namin.

Pag lapit ko sa pwesto ni Bianca ay itinaas ko ang tatlong magagandang long gown na alam ko naman na babagay sa kanya. Una kong pinakita ay ang Red wine long gown na corset with leg slit.

At ang sunod naman ay mermaid Black velvet na kulay na long gown tube na alam ko na babagay sa kanya.

Ang huli ay sage green satin sleeveless long gown, lahat naman siguro ng napili ko ay bagay sa kanya.

Nung tumingin ako sa gawi niya ay parang nag iisip pa siya ng mabuti at pa palit-palit ang tingin niya sa tatlong gown na hawak ko.

"Mhh.. I will choose the first one." Nakangiti niyang sagot sa akin.

"Okay po, my lady." kunwaring pag bow ko sa kanya habang naka lahad sa kanya ang hawak-hawak ko na long gown.













Tamang pakikinig lang ako kay Sir Ruiz, kahit na ang totoo ay antok na antok na ako at excited na makauwi, dahil tatawagan ko pa si Faye ngayon.

"As I was saying, the rate-determining step..." Hindi na tuloy ni Sir Ruiz ang sinasabi niya ng may kumatok sa pintuan.

"Yes, what is it?" Masungit na tanong ni Sir Ruiz dito, pinaka ayaw niya kasi ay ang na iinterrupt siya sa kanyang discussion.

"Excuse me, Sir Ruiz, I just need a moment. I have a flower to give to Miss Amira Valentine. It's from an anonymous admirer." Sabi neto na dahilan ng pag hiyawan ng ang mga kaklase namin.

Addicted LoveWhere stories live. Discover now