Chapter 51

3.8K 70 4
                                        

F I F T Y - O N E














Pag karating ko sa parking lot ay nakita ko agad si Miss Sanchez na naka sandal sa kanyang sasakyan, mukhang may inaantay ata siya dito.

"Nice car," saad niya sa akin habang nakangiti na nakatingin sa akin at sa sasakyan na binigay niya.

May mga iilan namang mga studyante na nakatingin sa gawi naming dalawa, siguro nag tataka kung bakit pareho kami ng sasakyan ng propesora na nasa harap ko.

"Bayaran ko na lang ito, Miss." Nakita ko naman sa mukha niya na hindi niya na gustuhan ang sinabi ko.

"I don't need you to pay me," malamig na saad niya sa akin.

"Eh, presyo lang naman kasi hiningi ko sayo" naka nguso ko na saad dito. "Hindi ko naman sinabi na bilhan mo ako. That's not appropriate, you are my professor."

"So? Don't mind them." Masungit na sagot niya.

"Miss naman eh!" Habol ko sa kanya, "how much po ba?" Tanong ko ulit.

"Kulit," with accent na inis na saad niya sa akin at naka pamewang na humarap sa harapan ko. "Let's have dinner later." 

Naka ngiti pa niya na sinabi sa akin na para ba na ayon ang pinaka magandang na isip niya.

"Eh? Sure ka ba jan?" Tanong ko sa kanya at agad naman siyang tumango. Ngek! Luge siya, kung ayon ang gusto niya.

"You choose where, so come on, I'll be your adviser for now." At pinauna niya na akong mag lakad.

Hindi naman sa nag a-assume ako pero inantay niya ba talaga ako dito ni Miss Sanchez?










"Ang seryoso mo naman jan sa kakapindot ng cellphone mo." Bulong ni Jade sa akin, habang kay Miss Sanchez ito nakatingin.

"Nag hahanap kasi ako ng place na magugustuhan ni Miss Sanchez." Bulong ko dito pa balik.

"Place? Ano bang meron?" Chismosang tanong niya sa akin. "Bat hindi na lang kayo mag hotel? Para rekta na sana haha." Natawa niya pa na dagdag, dahilan na sa amin na ang atensyon ng mga kaklase namin.

"Miss Jade, it looks like you have your world there." Masungit at naka pamewang na singit ni Miss Sanchez dito. "It seems you're bothering your cousin, Miss Amira, who is busy listening to my discussion here."

Napaka ingay kasi, hindi na lang itikom ang bunganga niya.

"Sorry po Miss, si Mira kasi binubulungan ako kung saan daw po ba magandang place na sure na magugustuhan niyo." Pag dadahilan ni Jade na kinahiyaw naman ng mga kaklase namin.

Agad naman nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, bat may dagdag? At bakit biglang bumaliktad ang kwento?!

Gagong Jade 'to. Mas lalong lumakas ang kantyawan ng mga kaklase namin sa akin.

"So, Miss Amira, where are you going to take me for a date later?"

Na kinatili ni Harold.

"Oh... I mean, where are you going to take me for dinner later?" Naka ngisi niyang tanong.

What's wrong with these people?

Bakit todo support sila sa amin ng propesora.


"Let's go?" Tanong ni Miss Sanchez sa akin habang pinag buksan ako ng pintuan ng sa sakyan niya

Umiling lang ako sa kanya at dumiretsyo sa binigay niyang sasakyan.

"Ako mag da-drive, Miss." Nakangiti ko na saad sa kanya, pero ang mukha niya ay parang hindi na gustuhan ang sinabi ko.

Addicted LoveStories to obsess over. Discover now