EPILOGUE

5.5K 75 16
                                        

S I X T Y - T W O



















Pag lapag ng eroplano sa private airport na pag mamay-ari ni Miss Jimenez ay agad kaming sinalubong ni Samantha na may magandang ngiti sa labi niya.

"Welcome to paradise!" Samantha's voice rang with excitement as she helped us with our bags. At sinenyasan ang mga lalaking na naka itim na kunin ang mga dala namin na gamit.

Mamaya na din ang dating ng glam team namin na mag aayos sa amin ni Faye, na una na ang wedding decorator namin dahil sa susunod na araw ay ang kasal namin ni Faye.

Hindi na din kami nag kita ni Faye simula nung nakaraang araw dahil naniniwala silang hindi pwedeng mag kita ang dalawang ikakasal bago ang kasal nila.

Nung una ayaw pumayag ni Faye sa sinabi nila Lola, pero nung nag salita na sila Mommy na paniniwala iyon ng pamilya namin ay wala na siyang na gawa.

Agad na kaming dinala ni Samantha sa isang pribadong helipad kung saan nag hihintay na ang isang sleek helicopter.

Grabe, sobrang yaman pala talaga ni Miss Jimenez. Bukod sa isa siyang sikat na abogado, meron pa siyang sarili na airport at mga eroplano.

Tumingin pa nga ako sa pinsan ko na si Iris, at hindi ko man lang siya nakikitaan ng pag ka-gulat. Sabagay, kung hindi ako nag kakamali. Naging sila ni Miss Jimenez nung college kami, hindi ko lang alam kung anong rason, kung bakit sila nag hiwalay.

Pero kahit ganon pa man ay masaya ako na, masaya na si Iris, lalo na at may Col na siya. Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang dalawa, pero, ang alam ko ay sa modeling agency niya rin 'to nakilala. Sana nga lang ay ganon din si Miss Jimenez, makita niya na ang taong mag papasaya sa kanya.

Or kung matapang siya, agawin niya ang pinsan ko kay Col, hahaha. Mukha naman na gusto pa rin nila ang isa't-isa.

Habang tumatagal kasi, mas nagiging malamig na siya. At mas lalong kinakatakutan ng mga taong nasa paligid niya. Huling beses ko lang siya nakitang nakangiti, ayun pa ata yung kinasal si ate Elle at Juliana.





Habang umangat ang helicopter, kitang kita ko dito ang magandang mga maliliit na isla na pinalilibutan ng asul na dagat.

Naririnig ko pa ang pagka-mangha ng mga kasama ko dito. Hindi ko tuloy mapigilan na makaramdam ng pag kaba sa dibdib ko.

Pag dating namin sa isla, tumambad sa amin ang isang napaka gandang Villa, na nakatago sa gitna ng mga palm trees at pinalilibutan ng mga puting buhangin.

Isa ito sa pag mamay-ari ng Royales at hindi mo talaga maitatanggi na kahit madalang lang sila mag bakasyon dito, ay makikita mo pa rin na hindi nil ito na papabayaan.

Pupunta na sana ako sa likod ng Villa pero agad din akong pinigilan nila Miss Jimenez dahil daw nag uumpisa na mag ayos ang mga staff ng Villa.

Kaya habang abala ang mga kaibigan namin at pamilya namin Faye sa huling pag hahanda, ay hindi ko na mapigilan pag ngiti ko, lalo na ang ganda ng paligid at isama mo na ang puno ng tunog ng tawanan.

Napabuntong-hininga na lang ako, sobrang miss na miss ko na kasi si Faye pero alam ko na kailangan namin sundin kung ano ang kasabihan sa pamilya namin.





"Hindi ka pa ba mag papahinga?" Agad na sulpot ni Jade sa tabi ko, habang may hawak-hawak na dalawang wine glass at sa kabilang kamay naman ay isang bote ng wine.

Tiningnan ko naman siya ng nag tatanong sa mata kung pwede na ba siyang uminom ng alak, pero ngumisi lang siya at nag taas-baba ng kilay. Para iparating na pwede na siya.

Addicted LoveWhere stories live. Discover now