Chapter 42

3.6K 67 5
                                        

F O R T Y - T W O










Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng maaksidente si Juliana pero hanggang ngayon hindi pa rin namin malaman kung sino ba ang nasa likod ng pag ka-aksidente niya.

Kaya tumutulong na rin si Miss Jimenez sa pag aasikaso ng kaso ng aksidente ng pinsan niya at kasabay non ay nilipat na rin si Juliana sa hospital na pag mamay-ari ni Miss Pascual.

Tatlong araw na din ang dumaan pero hindi pa rin na gigising si Juliana simula ng operahan siya, sa loob ng tatlong araw na yun ay hindi din namin makausap ng maayos si ate Elle.

Busy siya sa pag aasikaso at pakikipag tulungan sa pulis para hanapin kung sino ang nasa likod ng pagka-aksidente ni Juliana. Mukhang hindi ata basta-basta ang may gawa ng ganon sa kaibigan namin. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila matukoy ng mga pulis.

Nasa cafeteria ako ngayon at kasama ko sila Iris at tanging si Juliana lang ang wala dito lalo na at hindi na sobrang ingay sa pwesto namin.

"Nakaka-miss naman yung babae na yun, wala akong kasungitan dito." Nakangusong saad ni Bianca sa tabi ko, habang kagat-kagat ang shanghai na inorder niya.

Kakatapos lang kasi ng klase namin kay Sir Bayota kaya naman todo kain na naman itong kasama ko, lalo pa at na gamit na naman daw ang utak niya sa subject ni Sir.

"Gusto mo after uwian, dumaan tayo kay Juliana. Bisitahin natin siya." Saad ko kay Bianca na agad naman niyang kinatango.

"Sasama din ako at na aalibadbaran ako sa ulan ngayon." Salubong na kilay na saad ni Jade sa amin at pa dabog na binaba ang cellphone niya sa lamesa.

Tiningnan ko naman si Iris na mukhang wala pa atang maayos na tulog, lalo na at siya ang nag aasikaso ng kompanya ng ate niya ngayon. Buti na lang talaga at nanjan si Miss Jimenez para samahan siya at turuan siya lalo na at abogado ito.















Pag katapos ko kumain ay nag paalam na muna ako sa kanila at mauuna na akong aalis. Pupuntahan ko pa kasi si Faye sa opisina niya lalo na at ngayon ko na lang siya ulit mabibisita.

Naging busy na kasi ako ngayong araw, dahil nalalapit na din ang exam namin. Kaya puro din kami long quiz at recitation sa mga subject teacher namin.

Kumatok lang ako ng tatlong beses bago pumasok, pero hindi si Faye ang na abutan ko sa loob ng opisina niya. Kundi si Samantha na prenteng naka upo sa sofa.

Ngumiti naman ako sa kanya ng makita kong nakatingin siya sa akin, binigyan niya lang ako ng maliit na ngiti at bumalik na ulit sa pag babasa niya.

"Ate Kenzie just went somewhere, but she said she'll be back soon." Saad niya sa akin habang ang mata niya ay nakatingin pa rin sa librong hawak niya.

Tumango naman ako sa kanya at umupo sa tapat niya, tahimik lang ako na nag ce-cellphone at minessage ko na rin si Faye at sinabihan siya na nasa opisina niya na ako.


"You're really beautiful, ate Kenzie wasn't lying at all." Pag sasalita ng babaeng nasa tapat ko.

Agad namang namula ang dalawa kong pisngi sa sinabi niya, kahit nahihiya ako ay nginitian ko na lang siya.

"Anyway, I haven't introduced myself yet. I'm Samantha, ate Kenzie's cousin." Nakangiti niyang pakilala sa akin at binaba na ang libro na hawak niya kanina.

Sabay lahad ng kamay niya na agad ko din naman tinanggap.

"Amir-" pakilala ko sana sa kanya, kaso nag mana ata siya sa pinsan niya at agad niya din akong pinutol.

Addicted LoveWhere stories live. Discover now