F O R T Y - F I V E
"Wow! Bagay na bagay sayo Miss Amira itong na pili mo na damit." Manghang manghang saad ng glam team sa akin ng masuot ko na ang The Midnight Dress na gawa pa ni Annie's x Clio Peppiatt.
"The navy with gold is giving.." Maarte pa na sabi ng make up artist ko.
Ngumiti naman ako sa kanila at ini-scan ang ka-buohan ng sarili ko sa salamin, pag katapos nilagay ko na lang ang cellphone ko at extra lipstick sa navy chanel bag ko.
Pag karating namin sa malapalasyo na bahay ng kaibigan nila Lola, ang Royales at isa lang ang masasabi ko.
Apelido pa lang ay bagay na bagay na sa kanila, dahil sa bahay pa lang nila.
Masyadong malaki ang bahay nila, hindi ko nga alam kung bahay pa ba ang maitatawag dito. Lalo na kung mala-palasyo naman.
Mas malaki pa ito sa bahay nila Lola at mas madami pa ang mga tauhan nila, na pa ngiwi pa nga ako kung required ba talaga na may naka sabit sa katawan nila na malalaking baril habang nag babantay sila.
"Edith! Henry!" Isang matanda na lalaki ang tumawag kanila Lolo at Lola na naka agaw ng pansin, lalo na at marami siyang kasama na mga lalaking naka itim ang suot at may dalang nag lalakihang baril sa katawan.
"Facundo!" Masayang bati ni Lolo sa kanya at niyakap ito.
"Look at how much your grandchildren have grown." Naka ngiti niya na saad kanila Lola at nakatingin sa amin. "But it seems like I can't see your other grandchildren and their parents." Dagdag niya pa.
"My children are busy with their businesses abroad, and some of my other grandchildren are taking care of their own businesses." Mahabang paliwanag ni Lolo sa kanya.
"Oh, so these are my grandchildren Iris, Jade, her twin Jude, and finally, Amira." Nakangiti pa kilala ni Lolo sa amin sa kaibigan niya.
Hindi ko alam kung nag fe-feeling lang ba ako, pero iba ang ngiti at tingin ng matandang kaibigan nila Lola sa akin.
"Alright, you all enjoy for now, and the party will start shortly."
Maya-maya pa ay may lumapit sa gawi niya na babae na naka suot na itim na long gown at may hawak niya na ipad.
Secretary niya siguro.
"Don Facundo, your grandchild is looking for you." Sabi niya sa matanda na kinangiti naman naman ng wagas.
"Nandito ang apo mo? Himala ata at sumasama siya sa ganitong pag titipon." Manghang saad ni Lola sa usapan.
"Ayan din ang naging reaksyon ko Edith, lalo na at napaka pribado ng batang iyon. Nagulat na lang ako na siya na mismo ang nag kusa na mag pakita sa mga tao," kita sa mata niya na masaya siya sa desisyon ng apo niya. "Kaya lahat ng mga kilala ko na negosyante ay inimbitahan ko na ngayong gabi." Dagdag niya pa.
"She's the only Royales heir." Mahina niya pa na saad sa amin, bago kami iwan at sumama sa secretary niya.
Nandito ako ngayon sa restroom dahil tinawag ako ng kalikasan ng wala sa oras, buti na lang talaga at hindi na hulas ang makeup ko habang nag babawas kanina.
Gross right? Haha.
Habang nag aayos ako ng sarili ko ay may babae na pumasok kaya tingnan ko siya, laking gulat ko lang ng makita ko siya dito.
Hindi ko alam na dito ko lang din siya ulit makikita, ilang linggo na ba nung huli kami nag kita?
"Tita Via?" Tawag ko sa kanya habang nakangiti aki at tiningnan niya agad ako ng may pag kagulat.
YOU ARE READING
Addicted Love
RomanceVALENTINE SERIES 01 | TAGLISH Amira Elise Valentine is a 3rd-year college student known in the university for her beauty, talent, and bubbly personality. She is also one of the inheritors of the Valentine family, whom people look up to. However, eve...
