Chapter 4

7.7K 145 9
                                        

F O U R














"Mukhang maganda gising natin jan ah," naka ngising asar sa akin ni Juliana, nandito kasi kaming dalawa sa cafe ni ate Elle dahil nag aaya itong isa na kumain dito at nag c-crave daw siya sa vanilla cake na ino-offer dito sa Vee Cafe.

Pero ang totoo, may pinopormahan lang talaga siya, paano ko nalaman? Malamang bading din ito.

"I found my future wifey, Juliana." Naka ngiting saad ko sa kanya, "and I'm planning to make a move. Para naman may progress ang relasyon naming dalawa." Dagdag ko pa.

I will do anything to my power para maging akin ka Miss Sanchez.

"At sino naman yan?" Naka taas na kilay na tanong niya sa akin.

"Basta, mamaya malalaman mo din kung sino," Sagot ko sa kanya, inumpisahan ko na ring punasan ng tissue ang tinidor at inabot na sa kanya bago niya ito gamitin.

"Thank you, Mira ko," pa sasalamat niya sa akin at kinuha ang tinidor na binigay ko sa kanya, inumpisahan niya na din lantakan ang vanilla cake na kanina niya pa gusto kainin.

"Kumusta na pala si Tita?" Tanong ko sa kanya, narinig ko kasing dinala daw si Tita sa ospital at na himatay nga daw dahil sa stress na nangyayari sa pamilya nila, na dala lang din ng Daddy niya.

"Okay? Na, hindi okay? Hindi ko alam, Mira. Parang nag bago si Mommy simula nung lumabas ang baho ng magaling kong ama." Malungkot na sagot niya, at kita ko rin sa mata niya ang galit ng binanggit niya ang salitang ama.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko Mira sa totoo lang, alam ko pinapakita lang ni Mommy na matatag siya at wala lang sa kanya yung mga nag silabasan na issue. Pero ang totoo durog na durog na siya sa mga issue na hinaharap ng pamilya namin." Dagdag niya pa.

"Hey, I'm always here okay? I always have your back." Pag-aalo ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya at pinisil ito para malaman niyang seryoso ako sa sinasabi ko.

"I know, malakas kaya ako sayo," sabi niya at kumindat pa sa akin, umiling-iling na lang ako sa kanya at kumuha ng tissue at pinunasan ang icing na nasa gilid ng kanyang labi.

"Para ka talagang bata kumain," Pangangaral ko sa kanya, na dahilan naman para tumawa siya.

"Para namang hindi mo ako baby dati," pang-aasar niya sa akin.

"Dati. Hmp. Dati." Sagot ko sa kanya, na agad naman niyang kinatawa.

"I didn't know na nandito kayo, wala ba kayong klase?" Umangat ang tingin ko at nakita ko ang pinsan ko na parang wala sa mood ngayong umaga.

"Hi, couz! Good morning!" Bati ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

Binigyan naman niya ako ng tango at pilit na ngiti at bumaling kay Juliana na ngayon ay nabilaukan sa kinakain niya.

Agad ko naman itong nilapitan pero na una na si ate Elle at binigyan siya ng tubig at hinimas ang kanyang likod.

"Tsk. Stupid." Sabi niya dito na kinapula ng mukha ni Juliana.

Something fishy, pero fishey naman talaga hahaha.


Tiningnan ko naman ang wristwatch ko at pakshet 8:25 am na pala, bahala na silang dalawa mag ayos jan.

"Ate Elle, ikaw na bahala kay Juliana ah, malalate na kasi ako," sabi ko dito at umalis na agad.

Hindi ko na pinansin ang pag tawag ni Juliana sa akin, ayoko maging third wheel no!

Ang pinaka ayoko pa naman ay ang malate sa klase, lalo na kung ang mapapangasawa ko ang unang subject teacher ko tuwing umaga.

Baka ma-turn-off pa ang honey, my love so sweet ko sa akin.







Addicted LoveWhere stories live. Discover now