F I F T Y
Dalawang buwan din ako bago makabalik sa Unibersidad sa dalawang buwan na yun ay pina-home school muna ako nila Mommy, lalo na at kailangan ko pa daw maka-fully recover sa nangyari sa akin nung mga nakaraan na buwan.
Hindi ko maalala kung ano ang nangyari sa akin at bakit wala akong maalala, tinatanong ko naman sila Mommy pero ang parati nilang sinasagot sa akin ay ang importante ay okay na ako.
"Sure ka ba Mira na ready ka ng pumasok?" Tanong ni Kuya sa akin habang tinitingnan ako na busy mag ayos ng sarili sa harap ng salamin.
"Sure na sure ako, Kuya at syaka pa. Nakaka-bagot na dito sa bahay kung ipag-papatuloy ko pa ang pag ho-home school ko."
"Bakit hindi ka ba motivated sa tutor mo?" Tanong niya sa akin habang taas baba ang kilay niya at may nakaka-lokong ngiti sa labi.
Agad naman namula ang pisngi ko sa sinasabi ni Kuya at inirapan na lang ito.
Simula kasi ng na gising ako at gumawa ng nakakahiya na bagay sa hospital ay na pag alamanan ko na Professor ko pala ang sinampal ko noong mga araw na iyon.
(Flashback)
Pag labas ng Doctor sa kwarto ko ay puro iyakan na agad ang mga pinsan ko at sila Mommy sa akin, na gulat pa nga ako na niyakap pa nila ako ng mahigpit at parang takot na takot na mawala ako.
"How are you, baby?" Tanong ni Daddy sa akin na nang gigilid ang luha sa mga mata niya.
"I'm good, Dad. Gutom lang hehe." Sagot ko dito na kinatawa naman nilang lahat dito sa loob ng kwarto ko.
"Okay, I will order your favourite nuggets and fries." Saad ni Kuya at hinahanda na ang cellphone niya para mag order online.
"Fried chicken din ng Jollibee please." Dagdag ko pa na kinatawa ni Kuya at pa ulit-ulit na tumango.
"Hanep! Nagising ka lang, naging patay gutom ka na bigla" Sabat ni Juliana sa amin at nakangiti na ito habang na iyak.
Weirdo ko naman siya tiningnan at nag tataka bat tulaktulak siya ni ate Elle, habang siya naman ay naka upo sa wheelchair niya.
"Kailan ka pa nakabalik dito? At anong nangyari sayo?" Tanong ko sa kanya.
Halos kalahating taon din siya MIA, kaya nga anim na buwan din na malungkot ang pinsan ko.
"Nag kamali lang ng bagsak nung nag pra-practice kami nung cheering." Sagot niya sa akin at nag tataka na tumingin sa gawi nila mommy.
Tumango tango naman ako sa kanya habang pinapanood sila ni ate Elle, gaano ba kahaba ang tulog ko at parang na pag iiwanan na ako ng chismis?
Dissociative amnesia... ayan ang narinig ko na sinabi ng doctor kanila mommy kanina, hindi ko lang narinig ng maayos dahil sinabihan ako ni Jade na wag daw ako maging chismosa.
Masaya lang kami na nag kwe-kwentuhan, tinatanong ko nga sila Mommy kung anong nangyari sa akin pero iniiwasan nila na sagutin ang mga tanong ko.
Bigla na lang na agaw ang atensyon namin ng tatlong nag tatakarang babae na nakasuot na puro itim na damit. Na pa ngiwi pa nga ako ng sa porma nila napaka init sa Pilipinas pero yung mga suotan nila akala mo nasa malamig na lugar.
Agad nag tama ang mata namin ng isa at parang tanga na naka ngiti siya na pumunta sa gawi ko.
Agad ako napahawak sa dibdib ko.
YOU ARE READING
Addicted Love
Roman d'amourVALENTINE SERIES 01 | TAGLISH Amira Elise Valentine is a 3rd-year college student known in the university for her beauty, talent, and bubbly personality. She is also one of the inheritors of the Valentine family, whom people look up to. However, eve...
