F O R T Y - F O U R
Isang linggo na ang nakakalipas simula ng maaksidente si Juliana pero hanggang ngayon hindi pa rin siya na gigising.
Mag isa lang ako ngayon sa library dahil nag rereview ako sa nalalapit namin na exam, yung dalawa na asungot naman ay hindi ko alam kung na saan na sila.
Gusto ko sana tumambay sa opisina ni Faye pero meron naman siyang meeting.
Kaya dito ko na lang na pag desisyunan na tumambay.
"Mira, can we talk? Please."
Agad ako na patingala sa lalaking naka tayo na sa harapan ko, kitang-kita ko ang maaliwalas na mukha niya.
Malayong malayo sa Nicolas nung mga nakaraan na araw.
Wala naman sigurong masama kung makikipag usap ako sa kanya, ilang araw ko na rin siyanh hindi kinakausap at pinapansin pag katapos nung huling nangyari sa room namin.
Mas maganda ng makipag-usap na lang lalo na at naging kaibigan ko rin naman siya.
Bago pa siya ipag-kasundo sa akin nila Lola.
"Sige," sagot ko sa kanya. "Pero sa garden na lang tayo mag-usap? Wag na dito." Dagdag ko pa at inayos na ang gamit ko na naka kalat sa lamesa.
Tumango naman siya sa akin at tinulungan ako na mag ayos ng gamit ko. Mas maganda na doon na lang kami mag-usap kaysa dito na maraming tao at nag re-review din sila.
Ayoko makaabala ng iba.
Tahimik lang kaming dalawa ng makarating kami sa garden, ni isa sa amin ay walang gustong kumibo.
Akala ko ba mag uusap kami? Bakit hindi nag sasalita ang isang ito?
"I'm sorry for everything I've done to you in the past few days." Nakatungo niyang saad sa akin.
Nandito kami sa malaking puno na tinatambayan namin nila Jade pag tinatamad kami na pumunta sa library para mag re-review.
Mas peaceful kasi dito at mas mahangin, isama mo pa ang magaganda na halaman at bulaklak na halatang hindi na pa pabayaan sa pag aalaga.
"I'm being a jerk," nahihiya niyang saad sa akin ag nag buntong-hininga. "I got too caught up in my emotions when your grandmother said she would give her blessing for me to marry you. I forgot that our friendship came first before my feelings."
Hindi ako nag sasalita at tanging pakikinig na lang ang ginawa ko sa kanya, nakikita ko pa na ang lungkot ng mga mata niya ng tumingin siya sa akin na agad din naman niyang kinaiwas ng tingin.
Hala, siya?
"You know I've loved you for a long time." Natatawa niya pa na sabi sa akin,
"that's why I was so happy to hear that the news came from the highest person in your family." Nandoon ang mapait niya pa na pag ngiti, habang sinasabi niya iyon. "
"Instead of coming home to bond with you, the outcome was that our friends ended up being angry with me." Natawa niyang pa na pag iling.
Tumango naman ako sa sinabi niya, bilang pag sangayon sa mga sinasabi niya.
Dahil kasi sa ginawa niya, lumayo ang loob ng iba naming barkada sa kanya.
"Mira, sorry for being a jerk. I apologize if I hurt you with my insistence." Sinsero niya pa na pag hingi ng tawad sa akin at hinawakan ang kamay ko.
Hindi ko na binawi ang kamay ko sa kanya, okay na rin naman kami at tanggap niya na kung ano man ang naging desisyon ko.
Ang importante naman dito ay inaamin niya ang pag kakamali niya.
YOU ARE READING
Addicted Love
RomanceVALENTINE SERIES 01 | TAGLISH Amira Elise Valentine is a 3rd-year college student known in the university for her beauty, talent, and bubbly personality. She is also one of the inheritors of the Valentine family, whom people look up to. However, eve...
