F I F T Y - T W O
"What you did to Miss Sanchez, Amira, was not right." Seryosong saad ni Kuya Aki sa akin ng makapasok siya ngayon sa kwarto ko. "Apologize to her tomorrow morning." Dagdag niya pa na nag pa kunot ng noo ko.
Pareho sila ni Nicolas ng sinasabi kanina at hindi ko maintindihan kung bakit parang mali ko pa. Eh, siya nga ang bigla-bigla na lang sumusuntok ng tao.
(Flashback)
Habang busy ako mag linis ng sugat ni Nicolas ay pansin ko ang pag ngiwi niya sa sakit ng labi niya.
"Mira, hindi mo dapat sinabi 'yun kay Miss Sanchez."
"Ano ba kasing sinabi ko?"
"Nag aalala lang siya sayo, kaya niya gina–"
Kunot noo ko siyang tiningnan at diniinan ko ang pag lalagay ng ointment sa labi niya na kinangiwi niya naman agad.
"Eh... hindi ko naman talaga siya—"
"Alam ko na inis ka, pero hindi gano'n ang paraan para ipaalam sa kanya 'yun. Dapat kinausap mo na lang siya nang mas mahinahon, baka mas naintindihan ka niya."
"Alam ko naman yun, pero nakakainis lang kasi. Bigla-bigla ka na lang niyang sinusuntok. Pangit ka na nga, mas lalo ka pang pumangit."
"Hoy! Ang kapal! Parang hindi mo ako pinayagan dati manligaw sayo ah! Makapangit 'to"
Natawa naman ako sa inaasal niya, parang kanina lang ang seryoso niya tapos ngayon sinabihan siyang pangit ang drama na agad.
"Wag mo ibahin ang usapan Mira, mag sorry ka kay Miss Sanchez at huwag mong patagalin. Nasaktan mo yung tao ng hindi mo namamalayan."
"Sige na, gets ko na. Next time, mas magiging maingat ako sa sasabihin ko."
(End of Flashback)
"Bat ako mag so-sorry?" Inis na tanong ko sa kanya at binaba ang libro na binabasa ko.
"What you did there was inappropriate, she's been worried about you."
Napa buga na lang ako sa hangin sa rason ni kuya Aki sa akin.
"Worried? Kaya niya sinuntok si Nicolas out of nowhere?" Sarkastimo kong tanong dito. "I get it kung nag aalala siya, pero manakit ng tao ng walang rason?" Inis na dagdag ko dito.
"Just understand Kenzie's point of view," saad ni kuya Aki sa akin bago ngumiti.
Bat ba lahat ng taong naka pa ikot sa akin ay pabor na pabor sa propesorang iyon? Simula ng gumising ako sa kanya na ako pinag-katiwala ng pamilya ko.
Kahit sila Lolo at Lola na pala desisyon sa buhay namin ay isa pa sa mga pasimuno at inisa-asa na ako kay Miss Sanchez.
"Please take a rest now, and make sure to apologize to her tomorrow.." Saad ni Kuya sa akin at hinalikan ang noo ko, bago pa ito makalabas ng tuluyan ay may sinabi pa ito sa akin. Na dahilan ng pag sikip ng dibdib ko. "If you're wondering, you hurt her, Mira. Anyway, good night."
Para akong zombie na nag lalakad sa corridor ng school, wala akong gana bumati sa mga taong nakaka-salubong ko.
Hindi din kasi ako naka tulog ng maayos kagabi, ni-hindi ko rin na gawang mag review dahil sa kakaisip sa binitawang salita ni Kuya kagabi.
Bat kasi parang kasalanan ko pa? Sino ba ang nanakit ng tao? At bigla-bigla na lang manununtok.
"Aishh.." inis na singhal ko sa sarili ko at ginulo ang basa kong buhok.
YOU ARE READING
Addicted Love
RomanceVALENTINE SERIES 01 | TAGLISH Amira Elise Valentine is a 3rd-year college student known in the university for her beauty, talent, and bubbly personality. She is also one of the inheritors of the Valentine family, whom people look up to. However, eve...
