F O R T Y - O N E
Nasa labas kami ng E.R ngayon kasama ko si ate Elle na ngayon ay naka upo na lang at tulala sa tabi ko, lahat kami ay na gulat at hindi makapaniwala sa nangyari.
Sila Jade pa sunod pa lang dito sa ospital umangkas lang din ako kay Iris kanina, since naka motor naman siya at para mas mabalis ako makapunta dito sa ospital.
Kasama namin kanina sila Faye dito, pero nag paalam din siya agad. Ngayon din kasi ang dating ng Lolo niya. Kaya susunduin muna nila sa airport, pero ang sabi naman niya ay babalik din naman daw siya agad dito.
Napatayo kami nila ate Elle ng lumabas ang doctor na nag opera kay Juliana.
Nandito lang ako sa tabi ni ate Elle at inalalayan siya sa bewang niya, natatakot kasi ako na baka mapaupo na lang siya dito sa sahig dahil sa kakaiyak niya.
"Hello, I'm Dr. Garcia, I wanted to speak with the family members of the patient." Saad ng doctor sa amin.
Nagulat pa nga siya ng makita niya si ate Elle na nasa harapan niya. First time niya lang ba makakita ng maganda pa rin, kahit umiiyak na?
"I'm the closest relative to Juliana. Could you please tell me how she's doing? Kamusta si Juliana?" Agad na tanong ni ate Elle dito at hindi pinansin ang pag kagulat ng Doctor na nakatingin sa kanya.
Tumikhim muna ang doctor na nasa harap namin bago siya nag salita.
"Juliana has been through a serious accident and sustained several injuries in the accident. She experienced multiple fractures, including a broken arm and leg, and had a concussion from the impact." Sagot sa kanya ng doctor, agad naman namin inalalayan ni Iris si ate Elle ng biglang umiyak na naman siya.
"Additionally, she has some internal injuries that we're closely monitoring. We've performed surgery to address the fractures and are providing treatment for the concussion and internal injuries." Dagdag pa na sabi ng Doctor dito, muntik ng mawalan ng balanse si ate Elle sa narinig niya pero agad din namin siyang na salo.
"We're doing everything we can to ensure the best possible care for her. Right now, we're monitoring her condition closely and responding to their needs as they arise. It's difficult to predict exactly when she will wake up, but we will keep you updated on their progress as we have more information." Huling saad ng doctor sa pinsan ko, bago niya ito tapikin ng mahina sa balikat.
Inaantay na lang namin ang pag lipat kay Juliana sa VIP room na kinuha ni ate Elle dito sa hospital, pero ang alam ko ay pansamantala lang na dito siya.
Sinabi din kasi ni Miss Pascual na ililipat ng hospital si Juliana at doon siya dadalhin sa mismong pag mamay-ari na ospital niya, hindi ko alam na may sarili pala na ospital si Miss. Gaano ba siya kayaman? At ang bata niya pa para magkaroon ng sarili niya na hospital.
Mayamaya lang din ay dumating na rin sila Jade at nag dala na rin sila ng pagkain at inomin namin.
"Ate drink this water you need this para hindi ka ma-dehydrate" Saad ni Iris sa kapatid niya at tinulungan ito na makainom ng tubig.
"May balita na ba? May pumunta na ba na pulis dito para mag report?" Tanong ni Jade sa akin ng makalapit siya. Umiling naman ako bilang sagot sa tanong niya.
Ayon rin kasi ang inaantay ko, ang report ng pulis sa amin. Gusto ko malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa sasakyan ni Juliana.
Nacontact ko na din ang Mommy ni Juliana kanina at hindi pa namin alam kung kailan siya makakauwi dito sa Pilipinas.
YOU ARE READING
Addicted Love
RomanceVALENTINE SERIES 01 | TAGLISH Amira Elise Valentine is a 3rd-year college student known in the university for her beauty, talent, and bubbly personality. She is also one of the inheritors of the Valentine family, whom people look up to. However, eve...
