Chapter 25

5.1K 87 10
                                        

T W E N T Y - F I V E

















"So, kamusta naman kayong dalawa?" Paninimula ni Mommy ng topic at umupo na sa tapat namin ni Faye. "Any progress sa love birds?" Panunukso niya pa sa aming dalawa.

"Mrs. Valentine, I am courting your daughter. I hope that's okay with you." Makapal mukhang saad ni Faye kay Mommy, I mean, walang ka kaba-kaba niyang saad. "If it's not okay with you, that's fine. I will still court her." Walang prenong dagdag niya pa.

Mahahalata mo talaga na kinakabahan siya sa harap ni Mommy, kaya kung ano-ano na naman ang lumalabas sa bibig niya.

Wala namang sinasabi si Mommy at nakatingin lang ito sa aming dalawa na para bang nasa mukha namin ang sagot, napa lunok naman ako ng pa ulit-ulit dahil nag bago ang ekspresyon ng mukha ni mommy ng tingnan niya kami.

"Finally! Bagay na bagay talaga kayo ng anak ko Miss Sanchez." Masayang saad ni Mommy at may pa palakpak pa niyang saad sa amin habang naka ngiti.

Nawala naman agad ang kaba na kanina ko lang naramdaman, kaya agad kong pinag-siklop ang kamay namin ni Faye na naka patong lang sa lamesa. At inumpisahan ko ng kainin ang icecream na binigay ni Mommy.

"I'm rooting for both of you." Masayang saad ni Mommy sa amin dalawa, nakangiti pa siyang nakatingin sa kamay namin ni Faye na mag kahawak sa taas ng lamesa.

Tatanggalin ko na sana ang kamay ko, kaso hinigpitan agad ni Faye ang pag kakahawak sa kamay ko at patay malisya lang siyang pinagpatuloy ang pagkain ng icecream niya.

"Naniniwala na talaga ako na ang henerasyon ngayon ay ang magaganda ay para lang sa magaganda." Patango-tango saad ni Mommy sa sarili niya na para bang sangayon siya sa mga sinasabi niya.

"I know Mommy, Look oh." Sagot ko sa kanya at pinag dikit ang mukha naming dalawa ni Faye sa isa't isa. "Maganda ako tas maganda din asawa ko." Pag mamayabang ko kay Mommy na kinapula naman agad ng mukha ni Faye. Dahil sa ginawa kong pag didikit sa mukha naming dalawa.

"Of course, you're my child. That's why you're beautiful." Taas babang kilay ni Mommy sa akin. "And I know Faye's mom is also beautiful." Nakangiting dagdag pa ni Mommy, habang kay Faye pa rin ito nakatingin.

"Where is your mom, Miss Sanchez? I want to meet her, I feel like we would get along right away." Parang batang tanong ni Mommy dito sa kasama ko. Lahat naman ata ng mga taong nakaka salamuha ni Mommy ay nagiging kaibigan niya agad dahil marunong siya makisama kaya nakakasundo niya agad lahat.

Kahit nga mga paparazzi na na sunod dati sa amin dahil sa issue na ginawa ng tatay nila ate Elle ay naging kaibigan niya.

Paano ba naman chinika-chika niya, ang ending tuloy parang siya na ang paparazzi dahil siya ang madaming tanong dito sa kanila.

"My mom passed away when I was just one week old, back when I was a baby." Sagot ni Faye sa tanong ni Mommy, hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko ang lungkot ng boses niya habang sinasabi niya ito. Pinisil ko naman ng bahagya ang kanyang kamay na kinatingin naman niya sa akin.

Binigyan niya lang ako ng maliit na ngiti to assure me na okay lang siya pero sa mata niya ay kitang kita ko ang lungkot neto.

"I'm sorry to hear that, Iha." Saad ni Mommy kay Faye at nilagyan pa ito ng icecream sa kanyang lagayan. "If it's okay with you, what is your mom's name?" Curious na tanong ni mommy kay Faye.

"Melissa Sanchez." Agad na sagot ni Faye, na agad naman din kinabago ng ekspresyon ng mukha ni Mommy..

"Melissa... Issa.." Mahina na bulong ni mommy sa kanyang sarili pero tama lang iyon para marinig namin ito ni Faye.

Addicted LoveWhere stories live. Discover now